Is this Love ?

19.7K 316 7
                                    

Brittannie's POV

Lagi na kaming magkasama ni Raine. I dont know pero masaya akong nakakasama ko sya. Masyadong ewan nga e. Ang weird ng feeling ko. Namimiss ko sya agad.

Nasa bahay na ako ngayon. Nasa kwarto ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang kakambal kong si Pat.

"Hi there sister!" sabi nya sakin.

"Hello". malumanay kong sagot sa kanya.

"Are you okay? May sakit ka ba?".saka nya dinama ang noo ko saka ang leeg ko.

"Wala akong sakit."

"Eh bat ka nagkakaganyan?"

"Hindi kasi ako masyadong makatulog"

Totoo naman kasi. Simula nung lumabas kami i mean namasyal kami ni Raine. Ganito na ako. Nahihirapan nako matulog. Lagi syang sumasagi sa isip ko kapag matutulog nako. Nababaliw na yata ako.

"Ini insomia ka?"

"I dont know. Di ako makatulog kakaisip sa isang tao. Lagi ko syang naiisip" nakasimangot kong paliwanag sa kapatid ko.

Biglang lumawak yunh ngiti nya. Ang weird nya din. "OMG! Inlove ka :). Who's the lucky Guy?"

"Inlove sino?"

"Ikaw"

"Ako? Seryoso?" pagtuturo ko pa sa sarili ko.

"Yeah!" pag sasang ayon nya habang hindi pa rin maalis yung ngiti sa mga labi nya.

"Youre crazy! Hindi ako pwedeng ma inlove" pag iiling iling ko pa.

"Why? Nasa tamang edad kana para ma inlove at natural na yun." pagpapaliwanag nya sakin. Diba galing mag advice? Marami yata tong experience si Pat sa Love e.

"Pero hindi pwede -_- . Hindi ako pwedeng mainlove. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. Hindi ko sya pwedeng mahalin. Hindi ko pwedeng mahalin ang babaeng katulad ko. thats ridiculous. Isa yung malaking pagkakamali -_- . Hindi pwede."

Napatitig sakin si Pat at nakanganga pa. Problema nya? May sinabi ba akong hindi maganda?

"Did you just said "babae?" or nagkamali lang ako ng rinig?" nakakunot noo nyang tanong sakin.

I tooked a deep breath and "Yes! Tama ang narinig mo Pat. -_-."

"Anong problema dun? Nagmahal ka lang Anne. Dimo pinili kong sino ang minahal mo. Kusa mo yung naramdaman. Hindi mo naman pinilit na mahalin sya kasi kusa mong naramdaman na mahal mo na sya"

"Pero-"

"Pero ano?"

"Pero hindi pwede"

"Walang mali sa pagmamahal Anne. Hindi mo naman ginusto na mahalin sya. Pero sya yung binigay sayo ng Diyos"

Tama si Patricia. Hindi ko ginusto to pero ito yung nararamdaman ko. 

"So now tell me Sino ba sya?" tanong nya sakin.

"Sya si-" biglang naputol ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Mommy.

"Patricia may naghahanap sayo sa labas"

Napatingin kami ni Patricia pareho kay Mommy.

Tumayo si Patricia at lumabas ng kwarto ko.

Haay naku! Tama ba to? Tama ba tong nararamdaman ko para sa kanya? Well hindi nya naman ako nililigawan. Teka sino ba dapat manligaw? Ako ba ? o Sya? Ang gulo.

----

Patricia's POV

Ano ba naman to? Sino na naman kaya naghahanap sakin? Baka mamaya si Juls na naman. Ayyst! Sana naman tigilan nya na ako.

Napatingin ako sa nakaupo sa may sofa namin. Alam ko unang tingin palang kahit nakatalikod sya. Alam kong hindi sya si Juls.

"Andito na si Pat" sabi ni Mommy. Napalingon yung babaeng naka upo.

Napakunot ang noo ko habang palapit pa rin sa kanya at inaalala kung sino sya. Ang babaeng to. She seems so familiar hindi ko lang talaga matandaan e.

Those chinita eyes. Alam ko nakita ko na sya.

"Hi Pat"

"Do i know you?" direktang tanong ko sa kanya.

my

"Naiwan mo lang tong kwintas mo sa bahay. Nung lasing ka"

Napanganga ako. I knew it. Kilala ko sya. Those eyeeees . Tssh

Inagaw ko agad sa kanya yung kwintas ko.

"Okay na. You can leave" sabay itinuro ko na sa kanya ang pinto namin.

"Ganyan ka ba sa taong tumulong sayo ha? Pat?" napalingon ako sa nagsalita.

"Mommy? What do you mean tumulong?"

"Hindi ka talaga marunong tumanaw ng utang na loob nu? Kung wala sya nung lasing ka. e di kung ano na sana yung nangyari sayo." may dalang meryenda si Mommy e. "Oh ito Gretta kain ka muna" napanganga ako at hindi makapaniwala. Ano ba pinakain nya sa mommy ko?

Sa totoo lang. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ko sa kanya. Naiinis ako e. Pag nakikita ko sya feeling ko nag kakaroon ng eruption ang butas ng ilong ko .

"Sabi sakin ni Gretta isasama ka raw nya sa China. Para naman ma kapunta ka raw. Natutuwa raw sya na ikaw na ang new bestfriend nya"

Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"China? Bestfriend?" tanong ko.

"Pumayag na ako na isama ka nya China" sabi ni Mommy.

Ano ba talaga nangyayari dito?

Umalis na si Mommy sa tapat namin. At kaming dalawa nalang ang naiwan sa sala.

Napatingin ako sa kanya. "Hoooooy! Anong sinasabi mong China dyan ha? Saka anong bestfriend pinagsasabi mo? Excuse me kelan lang kita nakilala. Ni hindi ko na nga maalala kong ano ang pangalan mo e"

"Hey calm down! Ito juice. Masyado ka namang highblood. Ayaw mo ba ako maging bestfriend? Ayaw mo ba sumama sa China?"

Actually gusto ko makapunta sa China. Its a lovely place. Saka ewan ko ba . Gusto ko talaga makarating dun. Pero kung ang kasama ko naman ay ang singkit na mangkukulam na to. Wag na oyy!

"Ayoko. As in A-Y-O-K-O . AYOKO. gets?"

"Eh sige. Sasabihin ko sa Mommy mo ayaw mo sumama."

Naningkit ang mga mata ko. "Kelan ba?"

"Next week!"

"Next week na?"

"Wala na rin naman kayong klase nun a. One week kayong walang klase."

"Panu mo naman nalaman?"

"Let just say. Marami akong source. hehe xD"

Pagkasabi nun ay nagpaalam na ito kay Mommy. Saka umuwi na.

Tssh. Ano ba problema nun? Teka. Ano nga name nya? Aayst. Bahala na nga. -_-.


Ashamed Book 1 (SPG) GirlxGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon