An Eternal First Love - Hagdan

74 3 4
                                    

(Male lead's POV)

Siya 'yon... 'Di ako nagkakamali. Wala sa mukha nitong mapadpad sa huling section. O siguro puno na 'yung section namin?

Bukas Junk food... kain... lakad.

Recess na.

"Oy Jesse! Kailan date?" tanong bigla ng isang babaeng nakasalubong ko. Kaklase ko yata ito.

"Anytime you want." sagot ko na lang saka hinawakan ang balikat nito pagkadaan ko sa kanya.

"Where?" Narinig kong tanong niya. 'Di na ako nagsalita, sa halip, itinaas ko na lang ang kamay ko sa ere at winagayway.

Lumabas ako ng cafeteria saka umupo sa pinakamalapit na hagdan, sinandal ang ulo sa pader, kain ng biniling pagkain.

"Naks Aira! May tagapagligtas ka na!"

" 'Di na 'yan mababaliw sa romance stories kasi mayroon na siya!"

"Kinikilig si Aira!"

"Paanong 'di kikiligin, nasa dulo na ng binabasa niya."

Usapan ng mga kababaihan at ng isang lalaki. Dalawang babae 'yung nagsasalita, tapos 'yung lalaki. Mula pala sa itaas 'yung boses, pababa.

Dumaan sila, medyo nagkasiksikan kasi nakaharang ako. Hindi yata magkasya silang magkakasama kaya nauna ang dalawang dumaan.

At 'yung isa... at... may isa pa pala.

"Ang bagal mo Aira! Mauubusan na tayo ng pagkain e!" sabay hatak ng lalaki nilang kasama sa napakabagal maglakad nilang kasamahan.

Napatingin ako sa babaeng hinatak.

"Aray ko naman Ryosuke! 'Wag mo naman gamitin panghatak 'yang mataba mong katawan sa katawan ko!"

"IItigil mo na kasi 'yang binabasa mo!" sabi pa ng lalaking tinawag niyang Ryosuke.

Binitawan ng lalaki ang babae nitong kasama at tumungo sa cafeteria habang ang babae namang tinawag niyang Aira (na kanina ko pa naririnig 'yung pangalan) ay naiwang nakatayo at seryosong binabasa ang dala nitong mga bondpaper.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, medyo lumapit sa kanya upang tignan. Dahil busy ito, 'di ako nahalata. 'Di rin ako nagtagal at pinabayaan siya nang bigla itong napasigaw.

"wow! Naging sila nga sa huli! Ang cute!!"

Lumingon ako ulit sa kanya.

"Ang cute ng eternal love talaga~" wika pa nito at naglakad na patungo sa cafeteria.

Siya nga.

E kung atupagin niya kaya 'yung mga lessons kaysa sa kung ano man iyang Eternal Love na 'yan. Mga kwentong Romeo and Juliet, 'di ko talaga magiging forte 'yan.

"Jesse!" tawag ng isang babae sa akin.

"Yo."

"Bakit nalaman kong si Misty ang magiging kadate mo? E ako nagsulat ng report mo sa World Geo a!" rinig kong reklamo niya. Sino ba ito?

"Ahh..." sagot ko na lang.

"Ano ka ba Jesse! Are you playing with me?" ang ingay naman nitong babae sa harap ko. 'Di ko naman kilala.

"Hey Jesse!" May narinig na naman akong tumwag ng pangaln ko.

"Why is that girl claiming your date? Ako 'di ba? You already planned this the other day, right?" sabi pa nito, may halong inis.

"Shut up Misty!" He told me this morning to make visual-aids for his report in World Geo and he'll have a date with me and ikaw bigla ka nalang susulpot nang nalaman mong ako ang ididate niya."

Ah so ito pala si Misty. Nakikinig lang ako e. Bahala silang dalawa. Pero 'di ako makaalis. Okay, kain junkfood.

"Ugh!" Daig ni Misty. "This is so frustrating." wika pa nito.

"You can't date two Jesse!" sabi pa ng isa na 'di ko naman alam ang pangalan.

"Then let Jesse decide, ne~" at biglang sumabit si Misty sa braso which is... no... way.

Dali-dali kong binitawan ang braso niyang nakapuluput sa braso ko.

"Go to Aian, let him decide for me."

"What?" sabay na tanong ng dalawa.

Umalis na lang ako. Kaya na iyan ni Aian.

Humiga ako sa bench sa may Social Hall, nakatingin sa kisame at onti-unting pumikit. Masakit sa ulo 'yung dalawang babae na 'yon. Akala pa nung isa, natuwa ako sa ginawa niya.

"Uy! A Junior student just confessed to me earlier." Narinig kong may nag-umpisang magsalita.

Confessions, love... okay tara tulog.

"Tapos? Tapos?" Teka, familiar 'yung boses a.

"Sasagutin mo?" boses lalaki.

"Hmm.. I don't know pa e." sagot nung isa.

"Ah. Ayoko ng ganyan." wika pa ng isa.

"Ano na nama 'yan Aira?!" tanong ng lalaki na halos pasigaw na.

Sabi ko na nga ba, sila na naman.

"Mahirap na at baka lokohin ka pa niyan! First boyfriend mo pa naman siya if ever." wika nitong si Aira na ito.

"Basta ako..."

Tumayo na ako, ayaw kong makinig muli ng love quotes mula sa babaeng 'yan, kanina pang sa gate iyan ha.

"Pipiliin kon 'yung dapat deserving na guy to have my first love and let him my eternal love."

Napalingon ako sa kanya, Nakatayo pala ito, nakaabante, habang mga kasama nito, nasa likuran niya at nakaupo.

"...an eternal first love."

"Boo!!!" Naghiyawan sila.

"Lulong ka na sa romance stories Aira! Be realistic!"

'Di ako umalis sa kinatatayuan ko. Pinagmamasdan ko lang sila. Nakita ko na lang na ngumiti si Aira, 'di pinapansin ang hiyawan sa kanya.

"Since first love is nice to have right? And why not let it be your last love also? 'Di mo namang pipiliin ang first love mo na parang wala lang."

Nasa kabundukan pa yata nakatira itong babaeng ito e.

"Jesse!" may tumawag na naman sa pangalan ko.

Ano na naman ba at puro sila Jesse?

"Ano na naman 'yung pakulo na 'yon ah?" papalapit siya.

Babae... este mukhang babae.

"Keri mo na 'yon Aian, and just tell the girl you had chosen about my likes and dislikes."

"May likes ka ba?" sabay tanong nitong si Aian.

At 'yun 'yung tanong.

An Eternal First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon