An Eternal First Love - Hallway

40 3 1
                                    

Ryosuke's POV

"Ikaw Ryosuke... may crush ka ba---"

"Wala! Lalaki ako!!"

Sabay walk-out.

Hindi naman sa 'di na kami friends ni Aira o galit na ako sa kanya... Naiihi lang talaga ako.

Papunta na sana ako sa pinakamalapit na CR nang nakasalubong ko ang bespren ko simula elementary na hanggang ngayon, mukha pa rin siyang elementary.

"Ryosuke, cutting?"

"Mukha mu." sagot ko na lang. Huminto ako sa paglalakad at napahinto rin siya saka nagsalita. "Ako kasi nagkacutting e."

"Funny ng joke mo ah. Gusto mo bang maging kaklase kita?"

'Di ito sumagot. Alam ko namang 'di niya ipagpapalit ang pagiging first niya sa first section para lang sa akin. 'Di niya ako lab. 'Di tulad ko na payag lang mapadpad sa bukbuking last section pero may love and care with each other naman kami don.

At least din, sa last section, ako nangunguna. 'Di ko na kailangan makipagkompetensiya sa lalaking ito.

"Saan ka ba pupunta?" tnaong nito sa akin. 

"CR, bakit? Willing ka bang pahiran ang kinain kong chocolate na ilalabas ko na?"

"Oo ba!"

Adik siya, wala na akong masasabi pa. Tumawa lang ito. Parang timang lang ba. Palibhasa, ginawa niya kasi 'yon dati nung bata pa kami. Iniwan kasi ako ng mama ko sa kanila, wala rin 'yung mama niya kaya ayun nga nangyari.

5 ako non, 4 pa siya.

"Tara na at cutting tayo. Last subject lang rin naman e." sabi pa nitong liit na ito.

Boses pa lang e, 'di mo na matatanggihan. Pero mabait ako. Ayaw ko mandamay. "Tatae nga ako! Kulit nito! Mga isang oras pa!"

"Utut nito, sa inyo ka na lang dumumi."

Hinila niya ako papalayo sa direksyong patungong CR. Sasabog na ang Mayong Volcano sa ginagawa niya sa akin. Torture.

Pumunta kami sa backyard. 'Di ko alam kung ano nasa isip nito.

"Hoy Ryosuke, bakit ka pala nagtanong tungkol kay Jesse? Ano meron?" tanong nito sa akin. " 'Yun ba 'yung mga tipo mo?"

"Si Aira..." dudugtungan ko pa sana sasabihin ko nang napansin kong biglang nag-change of aura itong maliit kong bespren. 

"Anong meron kay Aira?" tanong nito. Nasa tono nito na mas intereasado pa siya kay Aira kesa sa isasagot ko sa una niyang tanong.

" 'Di kasi nakapagreview 'yon, palagi naman." natatawa kong sagot. "Ayun, tinulungan ni Jesse."

"Paanong klaseng tulong?"

"Pinakopya ba." tawa pa rin ako nang tawa. 'Yung itsura kasi ni Jesse, mukhang ewan lang talaga kanina.

"So pinapatanong ni Aira kung sino si Jesse, ganoon?"

"Hindi naman", kasi hindi naman talaga at first, pero kanina, mukhang interesado na ang lola. "Trip ko lang talaga."

Nasapak ako ng kasama ko. "Sira ulo." bitaw pa nito.

Edi ako na sira ulo.

"Selos naman ito." pang-aasar ko pa. 

"Sa dami ba namang ipapangtrip mo kay Aira, 'yon pa talaga? Pwede naman ako." bulong pa nito pero dinig na dinig ko naman.

"Ha?" kunwari, malabo.

"Sabi ko, mas gwapo pa ako kay Jesse."

Iisa lang sense ng sinabi niya kanina at sinabi niya ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Eternal First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon