An Eternal First Love - Manila Paper

42 2 1
                                    

"I'll give you 10 minutes to review. Our test will start at 7:40. I'll be back."

Nagparty halos lahat ng kararating lang, ang mga 'di nakapagreview at ang mga desperate for kodigos (pero 'di naman nangongodigo).

Mahirap kasi talaga magpatest si Sir. Parang kaline-up niya sina Aristotle gumawa ng ng kapilosopuhan sa buhay.

Paano iyan? Nasa kabilang mundo 'yung libro ko? Naiinggit ako sa mga nagrireview.

Mukha namang matalino si kuyang nanghiram ng libro ko. Malamang, kasi wala siya sa seksyon namin. Sana pala pina-arkila ko 'yung libro ko sa kanya, utak niya pambayad.

Pero 'yung ngit niya, maganda. Okay na 'yun pambayad. Sana ngitian ulit niya ako pag-ibinalik niya sa'kin 'yung libro. Para ma-feel ko ulit 'yung nafeel ko kanina.

'Yung nafifeel ko sa mga ficttions. 'Yung ngiti niya rin, hindi naman 'yung full smile, 'yung tipong pilit pero pansin mong totoo talaga. Nalaka-comatose ng balahibo.

"Okay, Test 1 number 1."

Ay kamatis si Sir! Ang bilis naman ng ten minutes niya! Ni-hindi ko pa nga nadadigest 'yung ngiti ni kuya kanina e.

"Pengeng papel!!!"

Tumalikod, nanghingi ng papel.

"Wala ka namang papel Aira!" reklamo ng mataba kong kaklase na nakaupo sa likod ko. Akala mo kung makapagreklamo, parang siya meron, nanghihingi rin naman siya.

Nagsimula nang maglitanya ng mga salitang nahukay ata sa libingan ni Socrates. What is... What are... Why that... Enumerate... Give me... Explain briefly... Ay monggo, 'yung tenga ko, dududgo na.

Hindi ako nakikinig kay Sir. Sa likod ako nakikinig. Mga bulungan. Pero 'di ko absorb. Buti pa sila doon, Together Forever.

Mga espirito ng lamang lupa, tulong!! Albert Einstein sapian mo ako!!!

Lumingon ako sa labas ng pintuan, I feel so alone here. Halos susuko na ako nang may napansin akong may paparating, papalit ng papalapit.

Ay wait! Si Kuya! Dala na libro ko!

STOP! Sinenyasan ko siya, sabay turo sa papel ko at kay sir na busy sa mga ginagawa niya sa mesa. Yes, naintindihan niyang may test kami. Sumagot siya na "mamaya na lang" sign. Papaalis na sana siya nang sumenyas ulit ako ng "Please".

"Ano?" basa ko sa bibig niya.

Napalunok ako. Kaya mo ito Aira.

Tinakpan ko ang sarili ko kay Sir gamit ang braso ko at kamay ko. "What is..." bulong ko pero kayang basahin sa bibig (sana).

Mukhang nagdadalawang isip si kuya. Aira nga naman, nandamay ka pa talaga. Hanggang sa nagpakita ito ng desidido look. Magbibigay ng sagot o pabayaan itong babaeng ito is... Hindi ko alam.

May inilabas si kuya, manila paper na may sulat. Wow! 'Yung mga sago--

"Dali!!!"

Basa ko ulit sa bibig niya. Naramdaman ko naman ang sipa ni taba sa upuan ko. Aahhh!! Bahala!! Sulat!!

"Pass your papers, finished or unfinished."

"Sir wait!"

"Teka lang naman sir!"

"Sir may date!!"

"May taxi sa labas sir?"

"Hintaaaay!"

.... 9

...8

...7

...6

Ah bahala kayo, kung ano keri ng kamay kong isulat, isulat!!

"Late papers will be not accepte--"

"Ito na sir!" sabi ko at agad akong tumayo upang ipasa 'yung papel kong may sagot.

"See you tomorrow."

Bumalik ako sa upuan ko. Tumingin sa labas.

Wala na si kuya subalit 'yung libro ko, iniwan niya sa sahig malapit sa pinto. 'Di man lang ako nakapag-Thank You, si taba rin. Nakakopya 'yon for sure.

An Eternal First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon