An Eternal First Love - Main Gate

62 3 0
                                    

"Anak ng mga doubledutch nga naman! Kapag talaga ako yumaman, ipapapatay ko talaga lahat ng mga hayop sa mundong ito!" Sigaw ko pagkasipa ko sa maliit na bato sa harap ko. Harang-harang kasi, kitang naglalakad ako.

Huminto sa paglalakad ang kasama ko, sama ng tingin sa akin.

"Gusto mo ikaw una kong katayin Aira bago ka pa yumaman?"

Ang sama lang talaga nitong si Ysa, palbihasa at vegetarian. "Ibang hayop naman kasi 'yung tinutukoy mo sa sinasabi ko."

"Kahit na, hayop is not an appropriate word." Nagpatuloy ito sa paglalakad. "At saka Aira, masyado ka namang affected, kwento lang naman iyan. Fiction!" dugtong pa nito.

Yes, 'yung nirereklamo ko ay isang fiction lang naman.

'Di ko na siya pinansin. Ayaw ko makipagtalo pa rito. Baka batuhin pa ako nito ng mga kung anu-anong salita na never ko pang natagpuan sa diksyonaryo ko.

"Nga pala Aira," tawag nito sa akin. May ichichismis na naman siguro. "Ang fruitful ng lovelife mo sa fiction, ayaw mong gawing non-fiction?" usisa nito.

Napahinto ako sa paglalakad, siya rin. "Alam mo Ysabel, fetus pa ako." sagot ko na lang sa kanya. Ewan ko ba kung ipinasok niya 'yan sa utak niya o siguro puno na talaga ang utak nito kaya 'di niya matanto ang sinagot ko. "Hindi ako makikipagrelasyon para lang matanggal na ang 'single' status ko sa Facebook ko at gawing 'in a relationship' tapos kinabukasan, single ulit.

 Naglakad ako, sumunod na lang siya. Bakit parang naging malayo yata ang main gate ng school?

"Sabihin mo na lang kasi Aira, kakabasa mo ng Romance Fictions, tumaas ang standards mo sa mga lalaki at 'yung tipong 'di mo na makikita real life!"

Alam pala nito, pinalitanya pa ako.

"No first boyfriend, no first love, no first kiss, no fist date, no first hug, no first holding hands. You are REALLY a fetus, Aira."

Humaharap ako sa kanya dahilan ngpahghinto nito. "Kasi, ang gusto ko lang naman, ang first love ko, magiging eternal love ko na, like for forever. Isn't it cute? So romantic~"

"Impossibru! Gising oy!" pang-aasar nito saka pinitik ang noo ko. Masakiy 'yon.

"Tsk. Eternal Love daw." May narinig akong nagsalita saka ko naman hinanap. Kaso likuran na lang nito ang nakita ko.

Epal, nakikinig ng usapan ng may usapan.

"Aira! Nag-aral ka na ba?" narinig kong sigaw ng isa kong kaklase. Tumatakbo ito papunta sa amin ni... Nasaan na si Ysabel?

"Ano na naman bang test ang meron? Uulitin ko rin 'yan sa Summer." Sagot ko at lumakad na lang at 'di ito hinintay pang makalapit ito sa akin.

"Hintay naman Aira!"

"Malilate na kaya tayo, Karen." Sigaw ko pa, nasa tabi ko na pala.

"Malilate nga, kanina ka pa kasi nakatayo doon. Ano bang meron? At asaan si Ysa? 'Di mo kasama?" walang awat na tanong ni Karen. Easy lang friend. Para naman akong nasa paglilitis.

"Ewan sa una mong tanong, ewan sa pangalawa mong tanong at alam ko nga kasama ko si Ysa e, para sa pangatlo mong tanong." 'Di ko kasi maalala 'yung unang mga tanong nito kaya ewan na lang isinagot ko, not big deal naman.

Akyat ng hagdan, onting lakad. Hello classroom!

"Ysa! Ba't mo naman ako iniwan!" sigaw ko nang tinabihan ko siya.

"Naalala ko kasi na naiwan ko ang libro ko sa locker. E akala ko naman nakasunod ka pa rin sa akin." paliwanag nito.

"At saka kaya may test tayo! Nag-aral ka na ba?" Dagdag ba tanong nito sa akin. Bakit interesado silang malaman kung nag-aral na ba ako o ano.

"Onting basa, keri na 'yon." Sagot ko at medyo lumapit sa kanya, "Pakopya na lang." bulong ko pa.

Tumawa siya. Mga after ng HA-HA-HA saka na naman ako pinitik sa noo. "Doon ka kaya nakaupo sa harapan! Sa may pinto, we are chairs apart."

"Onting basa, pero sa mga kung anu-anong romance story, sandamakmak." Singit pa ni Karen.

'Di supportive ang besprens ko, ayaw ko na sa kanila.

"Bahala na lang kayo diyan, sana bumagsak kayo. Together forever 'di ba?" Wika ko pa.

"Huwag mo kaming idamay, Aira!" sabay pa nilang dalawa.

They don't love me. Ibang-iba sila sa mga best friend characters na binabasa ko sa mga love stories.

Napaupo ako sa upuan ko, higa ulo sa mesa, tingin sa labas ng room, may paparating.

May pagka-mayabang 'yung aura nito pero may cold side. Mga tsudndere types sa mangas, at ito siya, may pagkasadista at manyak  yata in one.

"Ay miss, may World Geography kang libro?" tanong nito.

Isip... alam ko 'yun yung iti-test ni guro.

Bahala na nga si Superman, day-off ni Batman e.

"Ito." inabot ko sa kanya 'yung hinahanap niyang libro. Ingatan lang niya at gagamitin ko pa 'yan sa summer.

"Thanks." pagkabot nito saka nagpasalamat, ngumiti pa siya.

Lumulutang puso ko. Mala-bida ng isang love story na nabasa sa tuwing nagkikita ang babaeng bida at lalaking bida sa corridor tapos nagbangga silang dalawa tapos tinulungan ni bidang lalaki si bidang babae.

Don't tell me...

. . .

. . .

. . .

"Good Morning Aira!"

At doon ko narealize, napaka-special mention ng bati ni teacher sa akin. 

An Eternal First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon