"Jesse..."
'Di ko alam kung nakakailang banggit na si Ryosuke sa pangalan na 'yan. Crush niya yata.
"Sino ba 'yan?" usisa ko. Katabi ko siya ngayon, wala kasi si Ma'am kaya lumipat siya ng upuan dito sa tabi ko.
"Hindi mo kilala? 'Yung tumulong sa'yo kanina! Chusa naman neto."
Eto na, bumabading na talaga si Ryosuke.
'Di ba halata? Kita niyo naman, 28 kaming nasa klase, 16 ay boys, bali 12 lang kaming babae, tapos palaging kasama nitong si Ryosuke kami nina Ysabel at Karen. Kasayang 'di ba? Ang gwapong lalaki. Pero ewan ko, may tinatago ata eto e. 'Di ko alam kung ang pusong babae niya o may babae sa puso niya.
"Jesse pala pangalan non?" tanong ko na lang, kunwari, interesado. Yuck no way. Kahit lumutang-lutang na puso't kaluluwa ko kanina, nasa mukha na niya na 'di siya pwede sa puso ko. Nasa mukha na nito ang mga katagang 'Hindi ako type ni Aira', 'Playboy ako'.
May manyakis eyes. Ayaw ko.
"Yup. Kilala kaya 'yon sa buong first five sections." sagot nito sa akin habang may sinusulat na kung ano sa papel. Pangalan siguro ni Jesse. He-he.
At! Wala kaming masyadong alam sa mga nangyayari sa first five sections. Allergic kami sa kanila.
"Bakit? Heartthrob ba?" tanong ko.
"Sinabi mo pa. Kilala nga rin ni Karen e."
"Eeh? Bakit 'di niya man lang sinabi sa akin?"
"Aba ay malay ko." Tumayo ito at lumapit kina Karen na nasa kabilang side ng room. Pumunta na rin ako. Mangiiwan talaga itong tabang ito.
"Karen, ikaw nga magkwento rito tungkol kay Jesse." narinig kong sabi ni Ryosuke kay Karen na busy'ng dumadaldal sa iba pa naming kaklase.
Huminto sa pakikipagdaldalan si Karen at ibinigay ang atensyon nito kay Ryosuke. "Ano?" tanong pa ni Karen.
"Itong si Aira, interesado kay Jesse." sagot ni Ryosuke sa tanong ni Karen.
Utut ng Kabayo. Ako? Interesado? Saan? Sa talampakan ni Jesse?
Nasapak ko si Ryosuke. "Huwag mong baliktarin ang sitwasyon,Babuy."
Tinignan ako ni Karen. Parang may mga nakaprinta sa mga mata niya na mga letra. Ano ba meron?
"Naging jowa mo ba si Jesse?" 'di ko mapigilan magtanong. Tumawa ng malakas si Ryosuke. May mali nga talaga.
"Ano ba kasi? Parang ang sama naman malaman kung sino 'yang Jesse na iyan!"
"Interesado ka nga kay Jesse!" sigaw sa akin ni Ryosuke. Kalapit-lapit ko sa kanya, kung makasigaw.
Umupo ako sa tabi ni Karen habang si Ryosuke naman sa armchair. Kanina pa pala kami nakatayo. "Oy Karen, bakit ayaw mong magsalita?" seryosong tanong ni Ryosuke.
Abno bang meron dito? Naloloka na ako rito ah.
"Paano ba naging heartthrob iyang Jesse kung sino man siya?" tanong ko na lang para naman magsalita na itong si Karen.
"Ewan ko." sagot lang nito. Sobrang haba, promise. Nakakatulong. Nag-antay pa kami ng sagot. "Basta palagi ko iyang nakikitang may kahalikan sa likod ng gymnasium."
Napakurap ako ng mata sa narinig ko, mga sampung beses siguro, saka ako nagsalita.
"Grabe naman." 'yon lang talaga nasabi ko.
"Ayon sa source ko sa first section, matalino itong si Jesse. 'Yung mga projects nga lang niya, gawa ng mga babaeng humahabol sa kanya." nagsalita si taba. Kailan pa ito naging imbestigador?
"Ano 'yon? Pinapagawa niya mismo?" wala, nagkaroon na tuloy ako ng interes.
"Sa pagkakaalam ko, hindi." sagot ni Ryosuke.
"Kusa lang kami." sabi naman nitong si Karen.
"KAMI?" sabay kaming napatanong ni Ryosuke.
"Anong kami? So nagawa mo na 'yon sa kanya?" tanong ko agad. Grabeng revelation ito. Bakit clueless kami?
"Last year, nung 2nd year pa tayo." nagsalita si Karen.
"Nang narinig kong magpapagawa ng project si Sir Math nang napadaan ako sa faculty, dali-dali kong hinanap si Jesse, tapos sinabi ko sa kanya na may project sa Math. 'Di pa alam ng class nila 'yon. Kaya pumayag siyang ako gumawa." paliwanag nito.
Biglang tumawa si Ryosuke. Mukhang may naalala.
"Kaya pala wala kang project sa Math noon?" tawang-tawa pa rin si Ryosuke. Tumango lang si Karen. "Kaso nung ibibigay ko na sana, kuinuha ng isang kaklaseng nilang babae ito, ayun, akala siguro ni Jesse 'yung babae 'yung may gawa. Hindi ko tuloy nagawa 'yung akin dahil busy ako sa paggawa ng kanya."
"Ano naman meron doon?" tanong ko ulit, palatanong yata ako ngayon araw ah. Why?
"Nakikipagdate siya every Saturday, 3pm to 7pm o 'di kaya nakikipaghalikan ng 45 seconds."
Anak ng kisses. MAY TIME LIMIT??? Kulang na lang rumolyo-rrolyo si Ryosuke sa kakatawa. Sige lang taba, papayat ka niyan.
"Pero minsan, madaming gumagawa non sa kanya, 'yung bespren niya, siya na lang 'yung nagdedecide kung sino."
"Si Aian ba ito 'di ba?" umawat na si Ryosuke sa kakatawa, nakaget-over na siguro.
"Seryoso Ryo, kailan ka pa nag-imbesitiga ukol rito"?" tanong ko sa kanya, curious na talaga ako e.
"Kanina lang kasi, napadaan ako sa kanila, si Jesse, tapos 'yung dalawang babae na nakikipag-talo sa kanya."
Defensive si kuya. May crush talaga ito kay Jesse.
"Ay wait, so Karen, may gusto ka kay Jesse?" tanong ko, kasi 'di ba... Bakit niya gagawin 'yon?
"No way!!" biglang tanggi nito sabay walk-out.
Ay, mukhang meron nga.
"Ikaw Ryosuke. may crush ka ba kay---"
"Wala!! Lalaki ako!" umalis din ito pagkasagot niya.
'May crush ka ba kay Ysabel' sana 'yung itatanong ko. Umalis bigla. Wala naman nagsasabing bading siya 'di ba?
Mga ilang segundo, bumalik si Karen. "Kasi gusto kong maging ka-close 'yung mga members ng dance troupe, gusto ko rin kasi sumali." confess nito sa akin. "Kapag nalaman kasi nila na kahit nakipagholding hands lang ako kay Jesse, pasok na."
Anak ng hopia, mani at popcorn.
Sino ba iyang Jesse na 'yan? Greek god ba ng 21st century?
Matindi impact ng Jesse na 'yon ah. Sino ba siya? Feel ko tuloy isa siya sa mga characters sa fiction na kinababaliwan ng mga female lead.
So nagkakatotoo talaga ang Fictions? Pwede sa real life ang fiction? Nahahalo na sa real life ang fiction? Me likey.
Napaisip ako. Hanggang sa nag-ring na lang ang huling bell sa araw na ito. Pero wala, walang pumapasok sa isip ko. Nagbalak pa akong mag-isip.
"Aira!!" tawag nina Ysabel at Karen sa akin. "Si Ryosuke?"
"Ewan." kasi feel ko ako dapat magtanong niyan.
Palabas na kami ng room nang nakita namin si Ryosuke na tumatakbo papunta sa amin.
"Wow ha, kailan mo pa naisipan magpapayat?" pang-aasar ni Ysabel.
"Dali sa English bulletin board!!" nagmamadaling anyaya nito sa amin. 'Di pinansin ang pang-aasar ni Ysabel. Palibhasa crush niya nga.
Dali-dali naman kaming sumunod sa kanya papunta sa kung saan man niya kami dadalhin.
"Ryosuke, kapag listahan lang niya ng mga nakapasok sa Spelling Bee at nasali ka, hihingi talaga ako ng hustisya sa English department." panay daldal nuitong si Karen.
Ano na naman ba kasing meron? Kapag na naman talaga tungkol ito kay Jesse, paghahanda ko na ng uling si Ryosuke.
Nakarating na kami at...
"Ysabel, ihanda ang apple." 'yan na lang talaga nasabi ko.
BINABASA MO ANG
An Eternal First Love
FanfictionDo you will still push yourself to love someone eternally when something occurs telling you it's not right anymore? Yes, first things are really worth to remember and treasure, that's why she wanted her first love not be in hurry, and probably, wha...