"Ang ganda naman ni Ate!"
Namula si Mila sa papuri ni Kuya Ansel, at malawak siyang ngumiti sa kanyang driver at bodyguard.
Nagpasundo si Mila kay Kuya Ansel para ihatid siya sa gusali sa BGC kung saan gaganapin ang selebrasyon. Kasabay niyang lumuwas ng Maynila ang kanyang driver at bodyguard nung isang linggo, pero namalagi 'to sa kanilang Forbes Park mansion imbes na sumama sa kanya sa kanyang condo.
She did that because she didn't want Kuya Ansel to notice her movements that could link her to Mateo Vidal. This time, however, it's her family who asked her to attend an event with Mateo. She knew it was okay for Kuya Ansel to drive her.
"Salamat, Kuya."
Inayos niya ang pagkaupo sa tabi ng kanilang may-edad na bodyguard at ikinabit na ang seatbelt.
"Ganda ng kwintas at hikaw niyo, Ate, ah, bago ba 'yan? Mukhang milyones, ah."
Muntikan na siyang mapasinghap. Shoot, even Kuya Ansel noticed.
Hindi niya kanina napigilan ang sarili at isinuot din ang hikaw kasama ang kwintas. The Fiorever dangling earrings just looked so pretty with the necklace, berry rose tulle dress, and diamond and pearl hair clip. She kept her makeup minimal with just a sweep of berry rose on her lips, light BB cream, rose gold shimmer across her cheekbones, winged liner, and soft matte dusty rose smoky eyes.
She parted her curls on one side and clipped one side using the diamonds and pearls hair accessory. And she had to admit, Kuya Ansel was right: she was gorgeous.
The pieces of jewelry definitely added to that.
At ngayon, kahit si Kuya Ansel ay napansing bago ang mga 'yon.
"Uh...opo. 'Wag niyo po sabihin kina Mama muna."
She just hoped her parents wouldn't see pictures of her with the pieces of jewelry until her plan succeeded.
Tumawa ang may-edad na ginoo. "Ay, mahal 'yan, ano? Baka pagalitan ka ni Mama at Papa mo."
"Kaya 'wag niyo po muna sabihin sa kanila, ha?"
Tumawa ulit ang kanyang bodyguard. "Oo, sige na."
Nakahinga siya nang maluwag.
"Pero nasabihan niyo na ba 'yung pupuntahan niyong event na hindi ka p'wede sa mga nuts?" untag ni Kuya Ansel habang nagmamaneho. "Ngayon ko lang naalala, naka-leave ang assistant ng lolo mo. May temporary assistant siya, baka hindi alam na allergic ka at hindi nasabihan 'yung caterer."
What?
Agad niyang kinuha ang phone sa clutch bag.
Tinawagan niya ang kanyang mama.
"Ma."
"Yes, Mila. You're on the way to the party?"
"Yes, Ma. You informed the Domingos I'll attend the party instead of Grandpa and Grandma, right?"
"Of course, hija. Gemma took care of it."
She supposed si Gemma ang temporary assistant ng kanyang grandpa. Si Mrs. Teofimo ang matagal ng assistant nito.
"She informed the caterer about my allergy?"
"Oh."
Namayani ang katahimikan, at sabay silang napaungol ng kanyang mama.
"I'm so sorry, hija, nawala sa isip ko. I'll call her right now, then I'll call you back, okay? Baka naman nabanggit ng lolo mo."
Tinapos nila ang tawag.
BINABASA MO ANG
Twisted
RomanceWARNING: Mature | R-18 | SLIGHT BDSM THEME | CONTAINS MORALLY QUESTIONABLE ELEMENTS AND BEHAVIORS THAT GO AGAINST SOCIETAL MORES THAT SOME PEOPLE MIGHT FIND OFFENSIVE. THERE ARE NO SHINING EXAMPLES OF UPSTANDING PEOPLE HERE. BASAHIN PO NATIN ANG WAR...