FAQs (frequently asked questions)

4.5K 19 4
                                    


hi, everyone! hope everyone's doing okay. heto po ang ating FAQs para sa mga detalye ng twisted at filthy games ebooks.


FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ( pareho lang po ito para sa filthy games, all of you, at dreaming of you, my other self-published ebooks available under Dior Bookhouse).


*1. Available pa rin po ba ang Twisted at Filthy Games?

Opo, available pa rin ang Twisted at Filthy Games as an ebook. Dahil ebook (soft copy/pdf file/ digital file, basta hindi po pisikal na mga libro ang mga ito)  po ang mga ito, hindi po tayo mauubusan ng kopya.


*2. Paano po mag-order ng ebook?

HOW TO ORDER:

1. Sagutan ang order form nang maayos (nasa profile ko rito sa wattpad ang link ng order form, or you can message me for the link and i'll send it to you, or you can head over to Dior Bookhouse facebook page and click the pinned post there, may link po roon ng order form).  GUMAMIT NG ACTIVE EMAIL ADDRESS. Wag mag-skip ng details! Basahin ang lahat ng mga nakasulat sa order form. I-screenshot ang mode of payment na pinili, pati ang details ng payment.

2. Pagkatapos sagutan ang form, pwede nang magbayad agad. I-screenshot ang proof of payment. Isend ang screenshot sa diorbookhouse@gmail.com, at ilagay sa subject ng email ang Payment Dior Bookhouse - Name (ex. Payment Dior Bookhouse - Angela Galvez)

3. Hintayin na ma-process ang order. Personalized ang paggawa ng bawat copy kaya kaunting pasensya sa paghihintay. Ise-send namin ang inyong order kapag nakabayad kayo.

4. I-check ang email para sa PDF file. Pwede niyo itong mabasa gamit ang inyong computer o cellphone gamit ang kahit anong PDF reader. Enjoy reading!

PAKIUSAP LANG. Wag ikakalat ang PDF copy ng librong binili ninyo. Tulong-tulong po tayo sa pagprotekta ng intellectual property ng mga writers.For other questions, you can comment or send us a message.Thank you so much!

*3. Ebook po ba o book mismo?

-Ebook. PDF file. Softcopy file. Digital file. Whatever you wanna call it. Basta hindi siya printed.

*4. Ano pong ebook ang pwedeng bilhin?

-For now, Twisted and Filthy Games. Ang mga dating books ko po under Dior Madrigal ay sa ebookware.ph niyo mabibili.

*5. Kelan po kayo nagpa-process ng orders? Magpa-process po ba kayo ng orders today?

-Ang schedule namin ay 9pm to 10pm. Kung nagbayad kayo bago mag-10pm, we will process your order and you will receive your copy nang gabi ding iyon.We process orders EVERYDAY. Kung hindi kami makakapag-process, we will inform you thru official posts sa page. But everyday, we check the order form and payment emails. FIRST PAYMENT, FIRST PROCESSING BASIS TAYO.

*6. Nagsend na po ako ng email with proof of payment pero walang confirmation.

-We don't send confirmation. Kapag na-receive namin ang email mo, at nakita naming pumasok sa account namin ang bayad, we automatically process. Ang sagot na namin sa 'yo ay ang kopya mo. Makikipag-coordinate naman kami kung may problema.

*7. Nagbayad po ako ngayong araw / before 10pm, kailan ko makukuha ang copy ko ng ebook? Mare-receive ko po ba 'yan today?

-Kung nagbayad ka before 10pm, makukuha mo rin sa gabing iyon. Kung hindi, ipa-process lang namin ang order mo kapag bayad ka na.

*8. Gaano katagal ang processing / matagal po ba ang processing / aabutin po ba ng araw ng processing / anong oras po namin makukuha ang copy namin?

-Refer to question no. 5.

*9. Pwede po ba kaming magfollow up?

-Pwede. Pero expect na medyo matagal kaming makakasagot dun sa madalas magfollow up kasi we answer messages and emails from oldest to newest.

*10. May book 2 po ba/ Kailan po ang book 2?

-Wala pong book 2. Tapos na po ang story nina Mila at Mateo. Yung kasunod na ilalabas, ibang story na. Wala pa rin pong date ng release 'yun sa ngayon.


thank you, everyone! sana nakatulong ang mga tanong at sagot na mga iyan. if you still have questions, you can send me a message here on wattpad  and i'll be glad to help, or you can go to dior bookhouse facebook page for more details. may link ng dior bookhouse facebook page sa profile ko rito sa wattpad, o pwedeng hanapin niyo na lang po sa ang page sa facebook ^_^ may link din po ng order form sa profile page ko rito sa wattpad, p'wede ring doon po kayo pumunta. 














TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon