Ikalimang Kabanata

38 2 0
                                    


Ikalimang Kabanata

"Kiss ko?" Tanong ni Shaun kay Jay na abala sa pagtanggal ng suot-suot nitong pink na helmet.

Tila nandidiring tiningnan ni Jay ang binata. "Anong kiss? Gago ka ba?" Tanong niya habang inaayos ang kaniyang nagulong buhok.

"Grabi ang sungit talaga," mahinang bulong ni Shaun habang nakatingin sa gilid. "Anong oras kayo uuwi? Sunduin na lang kita." Prente nitong tanong.

Marahas na tinulak ni Jay ang helmet pabalik sa dibdib ni Shaun, ang dalawang mata'y matalim na nakatitig sa nakangising binata.

"Huwag mo na akong sunduin. Hindi ba't sabi ko hinding-hindi na ulit ako sasakay diyan sa motor mo?" Paliwanag ni Jay habang pinupunasan ang butil ng pawis na namuo sa kaniyang noo. Bagama't nakaiwas nga sa matinding siksikan ng mga pasahero, pakiwari niya'y hindi naman siya nakatakas sa nagbabagang araw ng tirik na katanghalian.

Tumalikod si Jay, akmang maglalakad patungo sa entrance ng mall nang bigla siyang hapitin ni Shaun sa braso. Lumingon siya sa binata at naabutan niya itong nakatingin sa kaniya.

"Bakit?" Kunot-noong tanong niya rito.

"Grabi ka talaga, wala man lang thank you, Jay?" Tila malungkot nitong sambit.

Isang buntong-hininga at dalawang bagsak na balikat, lumapit si Jay kay Shaun na ngayo'y matamis na nakangiti , sa bahagyang namumula nitong pisngi'y nakapinta ang pares ng malalalim na biloy na dumagdag lamang sa makisig nitong karisma.

"Thank you." Simpleng sambit ni Jay. "Okay na ba?"

Kunot-noong nakatingin si Shaun sa kaniya habang ang dalawang braso ay nakabukas, tila nag-aabang ng isang mahigpit na yakap.

"Nasaan 'yung yakap ko?" Tanong nito. "Hindi sapat yung thank you mo. Kailangan may kasamang yakap."

"Buwisit ka!"

Akmang hahampasin ni Jay si Shaun sa balikat nang marinig nila ang pagtawag ng isang pamilyar na boses sa 'di kalayuan. Daling tumalikod si Jay, naniningkit ang mga matang hinanap ang pinagmulan ng tinig.

"Jay! Shaun!"

Sa may waiting shed, nakita ni Jay si Martha. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at pantalong maong, nakangiti at masayang kumakaway sa kanilang direksyon. Nagmamadali itong tumakbo palapit sa kanila, dahilan upang tangayin ng hangin ang ilang hibla ng nakatali at kulay pula nitong buhok.

"Oh my gosh! What is the meaning of this?" Malisyosa nitong tanong nang makalapit sa dalawang binata.

Umalis si Shaun sa pagkakaupo nito sa motor, komportableng umakbay sa balikat ni Jay at hinapit ito palapit sa kaniyang katawan.

"Hinatid ko lang 'tong jowa ko. He needs a ride daw kasi." Pilyo nitong sagot sabay kindat kay Martha.

Nagmamadaling inalis ni Jay ang nakalingkis na braso sa kaniyang katawan. Tinulak niya si Shaun palayo at kinakabahang tumingin kay Martha na ngayo'y nakangisi sa kaniya.

"Tigilan mo 'yang pagngiti-ngiti mo ng ganiyan. Huwag kang maniwala diyan kay Shaun. Alam mo naman 'yan, pinaglihi sa kasinungalingan." Paliwanag niya.

"Grabi talaga, kakaiba talaga love language mo mahal, pero may point. Hindi ko pa siya jowa kasi nililigawan ko pa lang." Sambit ni Shaun.

Lumingon si Jay kay Martha. Halos lumuwa ang kaniyang mata sa takot nang makitang nakangiti ito habang hawak-hawak ang sariling selpon—nakabukas ang flash na nakatutok sa kanilang dalawa ni Shaun.

The Irony of a Fiction (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon