Isa na siguro sa pinakamahirap na pagsubok sa buhay ng isang mambabasa ay tukuyin ang linyang hihiwalay sa kung ano ang totoo, at sa kung ano ang likha lamang ng imahinasyon; pagbukod sa reyalidad, at sa mga natatanging resulta ng makukulay na pinta ng malilikot na pantasya.
Totoong napakahirap, lalo na't sa maraming mga pagkakataon ang mga istoryang ito ay repleksiyon ng mga bagay o pangyayaring ninananais nating maganap sa ating reyalidad, sa ating sariling kuwento, sa ating sari-sariling katotohanan. Kaya't hindi malabong makita natin ang ating mga sariling humihiling, at umaasa na sana'y sa unang araw ng pasukan ay makabunggo tayo ng isang pilyong lalaking babago ng ating buhay kabataan. Kung saan magiging makulay ang mundo, at tila ang mga pulang talulot ng rosas ay magbabagsakan mula sa kalangitan habang ang oras ay babagal at sasabay sa pagsalikop ng talukap ng inyong mga matang nagtititigan sa isa't-isa.
Nakatutuwa at nakakikilig kung atin mang iisipin, subalit alam kong sa likod ng matatamis nating pag-asa ay may mga boses na bumubulong sa ating mga tainga na ang lahat ay isang nakalalasong panaginip. Hindi ako sigurado kung naririnig niyo rin ba ang mga bulong na ito, o natatangi lamang ang mga tinig na ito sa istorya ng karakter na aking iku-kuwento? Kung nais niyong malaman, halina't atin siyang samahan. Sabayan niyo akong tunghayan sa kung paanong paraan maaaring magsalubong ang reyalidad sa mundong nakatitik lamang sa pahina ng mga libro.
BINABASA MO ANG
The Irony of a Fiction (BXB)
TienerfictieKung mangyari sa iyo ang mga bagay na binabasa mo lamang sa paborito mong mga istorya, anong gagawin mo?