Prologue

119 3 1
                                    

PROLOGUE

"Akala ko ako na. Akala ko hindi na siya. Akala ko totoo na. Akala ko lang pala lahat yun. Kasi all this time siya pa din. All this time puro kasinungalingan lang lahat."

Nahihirapan na akong huminga pero tuloy-tuloy pa din ako sa pagsasalita. Hindi ko mapigilan yung sarili ko. Gusto kong ilabas lahat ng 'to. Gusto kong iiyak lahat hanggang sa wala nang matira.

"Hayaan mo naman akong magpaliwanag. Please, pakinggan mo muna ako."

Natataranta siyang nakatingin sakin.

"Ano pa bang kailangan kong madinig? Nakita ko na lahat. Tama na. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na kasi."

Mas lalong lumakas yung iyak ko habang paulit-ulit na nagplayback sa utak ko kung paano ko sila nakita na magkatabing nakahiga sa kama at walang saplot.

"No please. Wag mong gawin sakin to."

Sorry pero kahit anong pagmamakaawa walang epekto sakin ngayon kasi nangingibabaw sakin yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Alam mo sana nagsorry ka na lang sakin. Hindi yung sasabihin mo sakin na magpapaliwanag ka. Ibig sabihin lang nun wala kang pinagsisisihan sa mga ginawa mo. Malinaw na sakin na siya talaga yung mas pinpili mo."

Dahan dahan niya ako binitawan habang dumidistansya sakin. Ang sakit. Sobrang sakit na pakiramdam ko sasabog ako anytime.

Sa pagbitaw niyang yun nasagot lahat ng tanong at pagdudududa ko. Siguro it's time to let him go. Kailangan ko na siyang ibalik sa taong totoo niyang mahal.

Love is really a sacrifice.

Love will make you selfish,

And at the same time 'will make you selfless.

Lalaban pa ba ako kung sa umpisa pa lang ay alam kong talo na?

Paano nga naman niya ako magagawang mahalin?

If we're just Mistakenly MARRIED.

Mistakenly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon