MM7♥

36 1 0
                                    

A/N: okay I know this is a very very late update. Hindi ko na naman natupad yung date na pinangako ko. I'm sorry for that. Been busy in school, hope you all understand. Babawi ako promise. :*

■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■

RAFY'S POV

How I wish I was just dreaming right now...

I feel so suffocated right now. Hindi ako makahinga ng maayos. Naninikip na naman yung dibdib ko. Bakit ngayon ka pa bumalik? Bakit ka pa kase bumalik? Okay na ako eh. Kontente na ako sa buhay ko kahit mayroon akong sakit ng ulo.

Kaya kong tiisin lahat 'wag lang 'to.

Ang hirap eh.

Pagkatapos niyang magsalita pinaupo na agad siya ni ma'am.

At kung minamalas ka nga naman, yung katabing upuan ko na lang ang nag-iisang bakante.

Nakayuko lang ako hanggang sa maramdaman kong katabi ko na siya.

"Yuyuko ka na lang ba diyan hanggang matapos ang klase?" Kung kanina ay masaya ang tono ng boses niya, ngayon naman ay napakaseryoso na. Yung tipong may pinipigil.

Inangat ko naman ang ulo ko at nakinig na lang kay ma'am na nagtuturo sa harapan.

This is gonna be a long day, Raffy.

■■■■■■■■■■■■■■
"Ok class, you may have your break now." Agad naman nagising ang mga diwa ng mga classmates ko.

Pano, kanina pa mga inaantok dahil ang pagtuturo ni ma'am nauwi na naman sa pagkukwento ng buhay niya. Laging ganyan ang scenario sa classroom namin tuwing time ni Mrs. Diaz.

Wala akong kasabay mag lunch ngayon dahil pag gantong araw ay laging hindi mahagilap si Yannie at James. Masyado kasi silang busy sa mga co-curricular activities nila. Kaya solo flight ako ngayon -_-

Dire-diretso akong lumakad palabas ng pinto. Akala ko mauunahan ko siya kaso pag labas ko nakaabang na siya.

"Can we talk, please?" Mahina niyang usal nang tuluyan akong makalabas.

Ramdam ko naman agad ang mga mapanuri at mapangutyang tingin ng mga estudyante.

Hindi na ba talaga matatahimik ang buhay ko?

Tumango lang ako bilang sagot at agad naman siyang lumakad. Nakasunod lang ako sa kanya at wala ni isa sa amin ang may balak magsalita.

Hindi naman nakatakas sa paningin ko yung mga nagtatakang mukha ng mga estudyante.

Hindi ko naman sila masisi.

Pano noong una yung prinsipe nilang si Ken ang madalas na kasama ko ngayon naman yung transferee na hindi pa nila nakikita ay pinapantasya na nila.

Noong tumigil si Charles sa paglalakad saka ko lang napansin na nasa may likuran kami ng school.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin bago siya nagsalita at basagin ang katahimikan dahil napansin ata niyang wala akong balak na magsalita.

Wala talaga. Dahil baka pag nagsalita ako hindi ko na mapigilan lahat ng emosyon ko na matagal kong itinago.

"Kamusta ka na?" Nainis ako sa tanong niya.

Seriously? Ngayon niya pa naisipang itanong sa akin yan?

Siguro nagtataka na kayo kung sino ba talaga si Charles sa buhay ko at kung ano talaga ang namamagitan sa amin.

Namamagitan? Wala.

Pero namagitan, meron.

Siya ang unang taong minahal ko.

Mistakenly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon