MM8♥

37 2 0
                                    

RAFY'S POV

Ano ba talagang nangyayari? Paanong naging pinsan siya ni Ken? Hindi naman sila magkapareho ng apelido.

Paano naging pinsan ni Christian Kendrick Raymundo ang isang Timothy Charles Eusebio?

"Come and join us, son." Malugod na pag anyaya samin ng papa ni Ken si Tito Kent.

Mabuti na lang at nakakapit sa bewang ko si Ken kasi kung hindi baka kanina pa ako natumba. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nagyayari dito.

Tinignan ako ni Ken ng malalim yung tipong nagtatanong na ewan. Tumango naman ako at gumayak na kami sa vacant seats sa lamesa.

"Mabuti naman at nakarating kayo. Ang tagal niyo na rin kasing hindi pumupunta dito and that saddens me." Masayang kumento ng nanay ni Ken si Tita Belle.

Mga ilang buwan na rin siguro mula nung huli kaming pumunta dito. Ewan ko ba kay Ken, ayaw pumunta kase makikita niya lang daw ang mukha ng Papa niya. Napakabuting anak talaga! *sarcasm*

Tipid na ngumiti si Ken at siya ang kumukuha ng pagkain para sakin. Ano na namang nakain nito?

Di ko naman napigilan ang sarili kong mapatawa nang makita kong napairap na lang siya sa naging reaksyon ng anak.

Napatingin naman sakin si Ken na kasalukuyan ng naglalagay ng pagkain sa plato niya.

Napayuko naman ako. Nakakahiya kaya! Napatingin sila sakin dahil sa bigla kong pagtawa.

"I'm sorry." Nahihiya tuloy akong mag-angat ng tingin.

Lalo pa't nasa harapan ko ang lalaking pinakahuli sa listahan ng mga taong gusto kong makita. Meaning, ayaw ko talaga siya makita -______-

"Just eat." Ken boldly said. Mukang hindi rin siya komportable na nandito kami.

"Anyway, iha, how's life? You look better without your eye glasses." Sabi kasi ni Ken mag-ayos daw ako para magmuka akong tao.

So meaning, hindi ako mukang tao? -,-

"Thank you, tita." na lang ang tangi kong naisagot sabay ngumiti kay Tita Belle.

Hindi talaga ako komportable na nandito sa harap ko si Charles. Ang dami-daming tanong sa isip ko na hindi ko alam kung paano ko mabibigyan ng kasagutan. Ni hindi ko halos magalaw ang pagkain ko. Gusto ko na lang umuwi.

Pagkatapos ng main coarse ay hinain na ng mga maids ang desserts. Tahimik kaming ninanamnam ang pagkain namin ng magsalita si Tito Kent.

"Nga pala, iha. Yang lalaking nakaupo sa harap mo ay ang pinakgwapong pinsan ni Ken. He's Charles Eusebio." Tumango-tango lang ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Dapat ba sabihin ko na magkakilala kami? O magkunwari ako na hindi ko siya kilala?

"Charles, this is Rafaela Ferrer. Your cousin's wife." Diretso siyang nakatingin sakin sabay ngumiti.

Bago pa ako makapagdesisyon kung ano ang dapat kong gawin ay nagsalita na siya. Na siya namang kinainis ko.

"Yeah. Kilala ko siya. She's my former schoolmate when I was in elementary." Casual na sagot niya kay tito Kent.

Bakit parang wala lang sa kanya? Kung magsalita siya parang wala kaming nakaraan. Tsaka ano daw? Former schoolmate? Napakasinungaling! Gustong-gusto ko siyang sapakin ngayon dahil sa narinig ko.

After that nagpatuloy na kaming kumain.

"Are you done eating? Umuwi na tayo." Seryosong bulong ni Ken.

Hindi na siguro siya magbabago ng pakikitungo sakin.

Ako lang ba? O talagang may tensyon sa pagitan naming lahat? Kanina nung ipinakilala sakin si Charles hindi pinakilala ni Tito Kent yung babaeng katabi nito at nakita kong tumaas ang kilay nung babae pero hindi pa din siya magawang ipakilala ni Tito sa akin. Tapos si Tita Belle naman nakatitig lang kay Tito Kent kanina, parang may hinihintay.

Tumango ako kay Ken bilang tugon sa tanong niya.

Pakiramdam ko kanina pa ako napipipe dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko. Puro pagtango at pagngiti lang ang nagagawa ko.

"Kung wala na kayong sasabihin, aalis na kami. Kailangan magpahinga ng asawa ko." Patayo na sana siya kaso bigla namang nagsalita ulit si Tito Kent

"Stay. Gusto kong pag-usapan natin ang kasal niyo ni Rafy." Ano daw? Anong kasal? Kasal na kaya kami.

Napakunot pareho ang noo namin ni Ken habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng Papa niya.

"Napagpasyahan namin ng Mama mo at ng mga elders na isapubliko ang kasal ninyo. Gusto naming ipaalam sa buong publiko na mag-asawa kayo. Makakatulong yon para sa image ng mga Raymundo sa publiko pati na rin sa image mo sa mga elders. Dahil sa mga kalokohang pinaggagawa mo nitong mga nakaraang taon, nagdadalawang isip na ang mga elders kung dapat ka talagang maging tagapagmana."

Nabibingi ata ako. So ibig sabihin malalaman na ng lahat na mag-asawa kami?

Wala ito sa usapan namin. Hindi pa ako handa para sa ganitong bagay.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagdalawang isip ako na magpakasal kay Ken. Alam ko kasing makukulong ako sa mundo ng mga Raymundo at di na makakalabas kailanman sa oras na pumayag akong magpakasal. Napakayaman ng pamilya ni Ken. Kilala sila sa iba't-ibang panig ng mundo. Kung magkakaron nga lang ng Royal Family ang Pilipinas, malamang ang pamilya na yun nila Ken. Para siyang prinsipe sa pamumuhay nila. Nakakukuha ang lahat ng gusto pero hindi pa rin masaya dahil lahat ng galaw niya kalkulado, palaging may nakamasid, laging may nagbabantay kung may gagawin siyang mali. Ang hirap ng buhay niya. Hindi pa ata siya naipapanganak ay nakasulat na kung ano ang magiging kapalaran niya.

At sa palagay ko, kaya lang siya pumayag na magpakasal samin ay para makalaya sa selda niya kahit na kaunti lang. Nakaalis siya dito sa mansyon na ito at minsan na lamang ipadala ng mga magulang niya ang mga bodyguards na laging nakabuntot sa kanya noon.

"Nakaplano na ang lahat at balak namin isagawa ang kasal ninyo isang linggo."

"Nakaplano na pala. Ano pang pag-uusapan natin? Mauna na kami. Pagod ang asawa ko. Kailangan niyang magpahinga."

Hindi na ako nakapag-react. Ano pang gagawin ko? Planado na pala ang lahat.

Hinila na ako ni Ken at lumabas na ng bahay. Pag labas namin nakaabang na agad yung tauhan na kumuha ng sasakyan kanina. Dumiretso kami sa sasakyan at mabilis niya itong pinaandar.

Ano bang nangyayari sa buhay ko? Ang bilis ng lahat. Parang masamang panaginip at gusto ko ng magising.

Masyadong maraming pangyayari ngayong araw at nahihirapan ang sistema ng buong pagkatao ko na intindihin lahat ng ito.

Kung masamang panaginip nga lang ito, sana magising na ako.



♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
A/N: short update. Pasensya na hahaha. Don't forget to vote. First vote, dedication sa next chapter :*

Mistakenly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon