RAFY'S POV
Naglalakad ako sa hallway habang nakayuko. Dati normal naman ang buhay ko sa school. Isang simpleng si Rafaela Aises(ay-ses) Ferrer lang naman ako. Masaya akong tahimik ang buhay ko, walang atensyon mula sa maraming estudyante. Hindi nga ako sikat dito sa school dahil hindi naman daw ako maganda. Mama at Papa ko lang ang nagsasabi na maganda ako. Kahit kase ako hindi naniniwalang maganda ako. Masyado akong manang para matawag na maganda. Wala akong kumpyansa sa sarili ko kaya hindi ko magawang magkaroon ng circle of friends.
Habang naglalakad nakita ko ang lalaking dahilan kung bakit ako nakakakuha ng ganitong klase ng atensyon. As usual, marami na namang babae itong kasama. More on nakasunod sa kanya. Kahit kelan talaga masyadong mataas ang tingin nito sa sarili. Naglalakad ito na parang hari. Naalala ko noong araw na pinangalandakan niya sa buong school na anak ako ng isang tycoon business man, na nagpapanggap lang daw ako bilang isang average na estudyante.
Maraming nagulat nung malaman nila. Mabilis na kumalat yung balitang yun. Mula noon madalas na akong mapag-initan at masabihan ng mga masasakit na salita. Masyado daw akong magpanggap. Kahit naman daw kase ipakalat ko yun hindi pa din ako sisikat dahil hindi naman nga ako maganda -_- Hindi ko naman intensyong magpanggap tsaka hindi naman sila nagtatanong diba? Kaya sa tingin ko wala naman akong masamang ginawa.
Ewan ko ba dun sa lalaking yun. Hindi ko naman maalala na ginawan ko siya ng kasalanan tsaka di ko naman siya pinilit na pumayag sa mga magulang namin diba? Palibhasa sikat na sikat siya dito sa school. The famous Christian Kendrick Raymundo. Kahit nga sa college department ay kilalang kilala ito. Kaya naman ng ipinahiya niya ako sa buong university ay talagang sumikat ako. But in a bad way T_T
Palabas na ako ng gate nang hilahin ako ng isang kamay. Napangiwi ako ng makita ko kung sino ang taong ito. Agad akong nakaramdam ng kaba. Si Ken yung humila sakin.
"Bakit?" natatakot 'kong tanong sa kanya.
"Sabi ni daddy isama daw kita sa bahay. May sasabihin daw sila ni tito Allen." walang gana naman nitong pagpapaliwanag.
Hay. Kung hindi lang sasama ang loob sa akin ni daddy hindi ako papayag magpakasal sa lalaking ito.
"A, okay." pagkasabi ko'y lumakad na siya papunta sa parking lot habang nakasunod naman ako sa kanya.
-
As soon as we arrived at the garage of their house I immediately got out of the car and headed towards the door.
Pagkapasok namin sa bahay nila ay sinalubong kami ng isa sa mga katulong at sinabing nasa library si Tito Kent at Papa. Pag pasok sa library nakita namin sina Papa na nakaupo.
"Pa, Tito. May sasabihin daw po kayo?" sabi ko pag upo ko. Ngumiti lang naman sakin sina Papa.
"Ken maupo ka." pagkasabi ni Tito ay umupo si Ken one seat apart from me.
"Ano na namang ipapagawa niyo sa amin?" walang modong pagtatanong ni Ken sa ama.
Matigas ang ulo ni Ken. Hindi ko nga alam kung paano ito napilit ng ama upang pumayag sa arrange marriage. Noong kinausap kasi kami tungkol sa kasal ay hindi ito pumayag at nagwalkout na lang ito bigla. Kahit ako ay nagulat, hindi ko naman kasi akalaing nay arrange marriage pa pala sa panahon ngayon. Noong una ay ayaw ko pang pumayag pero nung makiusap si Papa at sinabing makakatulong ito para sa kumpanya ay pumayag na rin ako.
"You have no right to talk like that. You exactly know why you are in this situation right now." He said boldly to his son.
We went to states at doon ginanap ang kasal dahil bawal yun dito sa Pilipinas. Sa States kase kahit wala sa tamang edad as long as you have your parent's consent you can easily get married. After the wedding we did not live in the same roof dahil daw masyado pa kaming bata para doon.
When we got back from states, we're just back in our usual living. Parang walang kasal na nangyari though lagi nga lang kami pinupush nila tito na we should learn to grow some feelings for each other na sa palagay ko naman ay malabong mangyari. Minsan di ko maiwasang isipin na siguro kaya ako pinahihirapan ni Ken sa school ay para naman makaganti siya sa akin kahit papano. Ang alam ko kase may hinihintay na babae si Ken kaya never siyang nagkaroon ng intimate relationship, puro flings lang. First love daw.
Hahahahahaha. Akalain mo yun? Marunong pala magmahal ang isang yun?
"Whatever. Just say what you want so I could go." nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Ken.
"Your tito Allen and I have decided that you two should live in the same roof." tugon naman ni tito Kent sa anak.
Sus. Akala ko naman kung ano na. Yun lang naman pala e!
Wait--
What? Are kidding me? Seriously? Okay, I know I sound exaggerated. But who will not be? I'm just 17 years old for pete's sake!
"Pa, I don't think we need to. We're too young for that." agad ko naman bwelta kay Papa nang makarecover ako sa sinabi niya.
Tama naman yung sinabi ko diba? Hay. Kahit naman mag complaint ako wala namang mababago. Desisyon pa din nila ang masusunod.
"Does mom knows about this?" singit naman ni Ken. Alam kong nagulat din siya kanina gaya ko pero hindi niya ito ipinahalata.
"Actually it was your mom's idea." diretsong sagot ni tito Kent sa anak.
"May magagawa pa ba ako? Then be it." walang ganang sagot ni Ken pagtapos ay lumabas na sa silid na 'to.
Habang ako?
Literal akong naiwang nakanganga. Hindi man lang ba siya kokontra?!
-----------
A/N: sa mga magbabasa nito, maraming salamat. Hindi naman ako nag eexpect na may magbabasa nito basta ako masaya akong gawin tong storya na to hahahahaha. Gusto ko lang masulat yung mga idea sa utak ko hahaha.
BINABASA MO ANG
Mistakenly Married
Teen FictionRafaela Aises Ferrer was just a simple girl... not until Christian Kendrick came to her life. It all started when her father talked to her that she's getting married soon. They're mistakenly married to each other. Will their marriage become real? Or...