RAFY'S POV
Lahat ng bisita halatang nag eenjoy. May ibang nagtatawanan at may ibang nag-uusap lang though makikita mo naman na masaya sila based on their expressions.
Kung hindi lang dahil sa katabi ko panigurado nagsasaya din ako at nakikihalubilo sa kanila. Kanina sa simbahan habang ginaganap yung kasal alam kong labag yun sa loob niya dahil yung mukha niya hindi maipinta.
Yes. It was our wedding day but I guess it was his death day for him. Oh come on! Syempre sino ba namang gugustuhing makasal sa hindi mo mahal and not to mention na napakabata pa namin.
Nasa reception kami at kanina pa ako bagot na bagot dahil mula kanina nung matapos kami sumayaw ay naupo na lang kami dito sa assigned table sa amin for I don't know how long. Maya maya lang nakadinig kami ng ingay at nakuha ang lahat ng atensyon ng bisita. It's from our families table and it was Ken's mom. Pinupukpok niya sa wine glass yung tinidor niya. Naggayahan naman yung iba at nangangantyaw pa.
"KISS! KISS! KISS!" bukod sa ingay ng mga baso puro yan ang nadidinig ko.
Napa face palm naman ako. Hindi naman sa first kiss ko 'to, nagkiss na nga kami kanina sa wedding ceremony. Hindi naman sa nag-iinarte ako. I just don't feel like doing it with him and I know that he feels the same way.
"Kiss daw oh." He smiled sheepishly na pinagtataka ko. Ewan ko pero bakit feeling ko natutuwa pa siya?
Unti-unti lumapit siya sakin then when he finally reached for my face he gently caress it and slowly lean closer to me until his lips finally landed on mine. Hindi ito katulad ng halik niya kanina na akala mo wala siya sa katinuan. Now is way different, he's kissing me with gentle. Like he's doing this not because we're provoked but because he want to.
"Para kang estatwa. You didn't even move a bit." Sa di malamang dahilan alam kong iritado siya habang sinasabi yan.
Hindi ako nakasagot. I was stunned for a moment pero nakabawi din. Nagwawala ang buong sistema ko at ngayon lang nagsink-in sakin yung nangyari. He kissed me with passion for God's sake!
Mabilis na natapos ang gabi and it's time for us to go dahil honeymoon naman daw ang sunod, err. Bago umalis nagkapaalaman pa at may binulong pa sakin si tita. (referring to Ken's mom)
"Don't forget to wear the lingerie that we bought for this night." I smiled timidly. Nakakahiya naman kasi.
Actually binili namin yun the day before the wedding. To tell you, I really have no plans on buying that thing but tita was persistent. She keeps on bugging me that I should wear one for our honeymoon.
Tahimik lang kami habang nasa byahe. Hindi ko gusto ang aura sa pagitan naming dalawa dahil napakaseryoso na naman ng mukha ng asawa ko. Kailangan ko ng masanay na ituring siyang asawa at siyempre kahit ayaw ko man hindi ko mapigilang mag-expect na maging ganun din siya sakin.
"Uhm... Ken, mahaba pa ba ang byahe natin?" Hindi ko na talaga kaya. Jusko! Baka mapanis ang laway ko.
Kanina pa kasi kami bumabyahe at sa tantya ko may dalawa't kalahating oras na din. Napagpasyahan kasi na sa isang resort kami sa batangas na pagmamay-ari ng pamilya ni Ken kami maghoneymoon.
"Just an hour. Matulog ka muna." And that's what I did.
Nagising ako dahil sa marahang tapik sa pisngi na naramdaman ko.
"Good morning." He plainly said as I finally got my self up from bed.
Ngayon ko lang napansin na nasa kwarto kami. This must be our hotel room. Hindi na pala niya ako ginising kagabi. Nakakahiya naman at baka mamaya ay siya pa ang bumuhat sakin papunta dito.
You're being assuming again. Why would he do that for you? He can have someone to do that for you!
"Good morning din. Hmm... pasensya na kung pinabuhat mo pa ako. Dapat ginising mo na lang ako. Nakakahiya naman kasi dun sa inutusan mo para buhatin ako." Nakakahiya naman talaga kasi. Pano kung mabigat pala ako? Kawawa naman kasi mukang ang taas nitong floor ng kwarto namin.
Sumulyap ako kay Ken at nakita kong nakakunot ang noo at salubong na naman ang mga kilay niya. Ano na namang nasabi kong mali?
"Ganyan mo ba kaayaw sakin para isipin na kailangan ko pang mag-utos ng ibang tao para lang buhatin ang asawa ko? Sorry to spoil your expectations kasi ako din ang nagpalit ng damit sayo."
Parang lumaki ang ulo ko sa lahat ng mga nadinig ko. Sinipat ko ang sarili ko at tama nga siya. Hindi ko na suot yung damit ko kagabi kundi pantulog. Ibig ba sabihin nakita niya yung buong katawan ko? Ohmyghad! Kill me now.
"Fix your self. Sumunod ka na lang sa baba para kumain." And with that he turned his back.
Dali-dali akong tumayo sa kama at dumiretso sa banyo. Mabilis akong naligo at binalot sa katawan ko yung twalya. Pag labas ko sa banyo nakita ko yung maleta ko sa may sofa sa tapat nung kama. Habang humahanap ako ng damit ko nakita ko naman yung lingerie. Nag-init agad yung mukha ko just by the thought na suot ko yun.
I settled my self in a white beach dress and curled my hair tapos lumabas na ako sa kwarto. Hindi na ako nag-abalang magmake-up, hindi naman kasi ako marunong.
Pumunta ako sa restaurant nung hotel. Pag dating ko may sumalubong sakin na crew at hinatid ako sa reservation area.
Pagdating ko sa table namin nag-uumpisa na kumain si Ken.
"Bilisan mong kumain, may pupuntahan tayo."
Pagkaupo ko nag-umpisa na din akong kumain. Silence is between us. Walang nagsasalita saming dalawa.
Gaya ng sinabi ni Ken kanina, umalis kami agad pagkatapos namin kumain.
Nakasakay kami ngayon ni Ken sa yate habang nililobot 'tong dagat. Ang ganda-ganda talaga ng beach dito sa resort nila Ken. Kahit masyado kaming tahimik hindi ako naiilang kasi sobrang nakakarelax yung hangin dito. Si Ken yung nagpapatakbo nitong yate habang ako naman ini-enjoy ko lang yung view.
"Gusto mo na bang bumalik?"
"Hmm. Hindi pa naman. Pero ikaw bahala kung gusto mo nang bumalik." sagot ko naman sa kanya habang nakangiti.
"Maya-maya na siguro. Mamaya pa naman magstart yung party." may aattend-an kasi kaming party mamaya.
Hindi siya yung party ng mga mayayaman na kailangan mo makipagsusyalan. It's just a simple party where everyone could enjoy their night. Just a casual party parang kagaya lang ng mga nagsasaya sa mga bar.
"Sige ikaw bahala."
A moment of silence.
"Do you like it here?" Napalingon naman ako kay Ken at pilit na tinatago yung ngiti ko.
"Yes. Very much. Buti na lang at dito niyo naisipang itayo ang resort niyo." sagot ko at pagkatapos ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
Hindi ko mapigilan yung sarili ko na matuwa kasi nag-eeffort si Ken na mag open ng topic. Meaning, he wants to talk to me.
Sumilay naman ang isang napakatamis na ngiti sa mga labi ni Ken at ewan ko ba dito sa puso ko na halos maghumerintado sa sobrang lakas ng kabog.
Abnormal ata 'tong puso ko.
"I'm glad to hear that from you."
Tipid na ngiti lang yung sinagot ko sa kanya tapos ibinalik ko yung tingin ko sa dagat. Pasimple akong napahawak sa dibdib ko. Jusko, kailangan ko na talagang magpatingin sa doktor. Madalas na kasing naninikip yung dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Mistakenly Married
Teen FictionRafaela Aises Ferrer was just a simple girl... not until Christian Kendrick came to her life. It all started when her father talked to her that she's getting married soon. They're mistakenly married to each other. Will their marriage become real? Or...