Chapter 1

5.8K 95 4
                                    

PIL 1

Elise's POV

"Oh babae okay na yang itsura mo." Sabi sakin ng bestfriend ko na nakatayo sa likod ko.

"Bakit naman ganito ang itsura ko?" Napataas agad ang kilay ko ng titigan ko ang aking sariling repleksyon sa harap ng salamin.

"Ano na naman ang inaarte mo? Okay naman ah. Mukha ka na talagang prostitute." Nakangiting sagot niya.

"Pero bes, hindi ba pwedeng pagmukain mo naman akong parang first class na prosti?" She just rolled her eyes. "Dali na Rain. Ayusin mo na please." Pangungulit ko.

"Elise naman. Wala naman sa class yan e. Bakit may pinagkakaiba ba ang mga ginagawa ng prostitute? Wala naman diba?" Oo nga naman. Natahimik ako saglit. "Pero bes naman. Ang igsi-igsi na nga ng suot ko tapos ganito pa yung ayos ko? Lagyan mo na din kaya ako ng malaking bilog na ikaw tsaka pag-nguyain mo na din ako ng bubble gum at paghithitin ng sigarilyo."

Naglakad siya papunta sa harap ko at nakapameywang akong tinaasanng kilay. "Ikaw babae ka. Napakadami mo agad sinabi diyan. Puro ka reklamo, sino bang may kasalanan ha? Ako ba? Pinilit ba kita sa ganyang trabaho? Baka nakakalimutan mo na araw-araw na lang kitang pinagsasabihan pero hindi ka naman nakikinig. Napakatigas ng ulo mo-"

Tumayo na ako agad kahit hindi pa siya tapos sa pagsasalita. Maglilitanya na naman kase siya panigurado. "Osige na bes. Aalis na ko. Salamat ulit sa tulong mo. Lablab." Sinuot ko na yung coat ko para matakpan ang maigsi kong damit.

Kailangan ko ng magmadaling kumilos dahil hindi ako pwedeng ma-late sa TRABAHO ko.

Ako nga pala si Elise Cruz, a certified private investigator. 4 years na ko sa larangang ito. Gumagawa din ako ng nga cover-ups kung kinakailangan. Na-try ko ng maging balut vendor, tindera sa palengke, security guard, at kung anu-ano pa. At ngayon nga ay  isa akong prostitute.

Kailangan kong magpanggap na isang prosti para sa bago kong mission. Well, kailangan ko kaseng makakuha ng ebidensiya laban sa isang lalaking nangangaliwa.

Client ko ngayon si Mrs. Cordero. Asawa siya ng isang mayamang negosyante. Si Mr. Cordero, na asawa niya ang pinapatrabaho niya sakin. Nahuli na niya minsan ito na may kasamang babae kaya gusto niyang magsamp ng kaso kaya lang ay wala siyang matibay na ebidensiya. That's the reason why she hired me as her private investigator para makakuha ng mga ebidensiya para sa kaso.

Sa totoo lang ay may mga pictures nakong na nakuha laban kay Mr. Cordero. Meron siyang picture na nakaakbay sa isang babae habang palabas sa restaurant. Meron pang papasok sila sa isang hotel at ang isa naman ay inaalalayan niyang makasakay ang babae sa kanyang sasakyan.

Naibigay ko ng lahat iyon kay Mrs. Cordero pero gusto niyang makakuha ako ng video para may mas matibay na ebidensiya at yan nga ang dahilan sa cover-up ko ngayon. Nangako din naman kase siya na gagawin niyang triple ang pinag-usapan naming presyo basta maibigay ko lang ang video na hinihingi niya dahil gusto na niya talang matapos ang kalokohan ng kanyang esposo.

Sa tatlong araw na pagmamatyag ko kay Mr. Cordero, gabi-gabi siyang pumupunta sa isang mamahaling club at ito ay ang Easter Bunny Club.

Ang Easter Bunny Club ay isang private club para sa mga mayayamang lalaki sa buong Pilipinas. Pano ko nasabi? Hindi kase basta-basta nagpapapasok sa club na yun unless member ka. Kahit isama ka pa ng isang member ay hindi ka pa din makakapasok.

Dapat nga janitress or waitress ang papasukan ko pero wala daw job vacancy kaya sa pagiging bunny ako natanggap tutal qualified naman daw talaga ko para dito.

Ang bunny ay ang entertainer ng club. Sa pagkakaalam ko ay tumatabi sila sa mga member ng club para makipagkwentuhan sa mga ito.

"Hoy babae baka mamaya mo pag-uwi mo dito may inaanak nako ha." Biglang sigaw na naman ni Rain.

"Loka-loka! Pinagsasasabi mo diyan? Hindi nila ko kaya no. Malakas ata to." Inayos ko pa ang hand gun ko na nakalagay sa aking boots tsaka yung camera na nasa bra ko. Ito kase ang gagamitin ko para makuhanan sa akto si Mr. Cordero.

"Hay nako Elise." Naramdaman ko ang pagsunod niya sakin sa paglabas ng kwarto. "Ewan ko ba naman kase sayo. Ang dami mong pwedeng maging trabaho bakit yung ganyan pa ka-komplikado? Pano kung mapano ka diyan? Baka mamaya bangkay ka ng iuwi sakin dito." Napailing na lang ako ng magsimula na naman po ang bestfriend ko sa panenermon. Ganyan naman palagi yan pag may mission ako e.

Niyakap ko na lang siya. Alam ko naman kase na mahal niya lang talaga ko kaya siya ganyan. Ganun din naman ako sa kanya. Siya na lang kaya ang pamilya ko.

"Kaya ko ang sarili ko bes kaya wag ka ng mag-inarte diyan. Osiya, una nako. Babush!!" Paalam ko na sa kanya.

Naglakad nako palabas pero bago ko pa man maabot ang pintuan ay nagsalita na naman siya.

"Ingatan ang Bataan Bunny."

***

Hi guys! I tried to revise the story. Should I continue this? :)

Comment kayo please. Any, I just want to apologize on how I used the word 'prostitute' here on this story. Baka po may ma-offend or anything, it's not my intention po.

Private Investigator's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon