PIL 4
Elise's POV
"Jusko naman Elise bakit ngayon ka lang? Alam mo bang magdamag akong dilat ang mata? Akala ko na kung ano ang nangyari sayo! Iniwan mo pa yung cellphone mo sa dresser. Hindi tuloy kita ma-contact! Bakit ngayon ka lang?"
Ipinikit ko ang aking mga mata. Pagod ang katawan ko tapos masakit pa ang ulo ko kakaisip sa napasukan kong gusot.
"Ano na? Hindi ka man lang ba kikibo diyan? Ang dami ko ng nasabi dito tapos ganyan lang ang makukuha kong sagot sayo? Aba naman. Umayos ka!"
"I'm fine, Rain." Sagot ko para manahimik na siya.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Ano ba talagang nangyari sayo?" Naramdaman ko na ang pagtabi niya sakin sa sofa. "May problema ba?"
Idinilat ko na ang aking mga mata tsaka tumitig sa kanya. Natatakot akong magsabi sa kanya ng kagagahan ko dahil alam kong magagalit siya pero hindi ko naman kayang sarilinin lang to.
"I had sex with a random guy."
"Oh ayun naman pala-" Umayos na siya ng pagkakaupo pero mabilis ding nakabawi. "You had what?! Tama ba ang dinig ko sa sinabi mo Elise o talagang nabibingi lang ako sa puyat?!"
"Pwede bang wag kang sumigaw? Masakit ang ulo ko."
"Paano ka nagiging ganyan ka kalmado ha? Nakipag-sex ka sa isang lalaki. Tell me, kilala mo ba siya?"
Marahan akong umiling. "No.." Nahihiyang sagot ko.
"Paano.. Bakit ka pumayag?! Ang usapan natin kagabi, kukuha ka lang ng videos para diyan sa mission mo! Ano ba yang pinasok mo! Ay mali, ikaw pala ang napasok!"
"A-ano ba yang sinasabi mo Rain! Umayos ka nga! Kabababae mong tao, ganyan mga sinasabi mo."
"Tigilan mo ko a! Wag ka ngang feeling virgin pa diyan! Totoo naman a. Napasok ka na!" Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang aking mga pisngi dahil sa sinabi niya. "Paano kung mabuntis ka?"
Gulat naman akong napatingin sa kanya. "That's impossible!" Mabilis kong tanggi.
"Ano naman ang imposible dun ha? Napasok ka na ng hotdog! Ano hindi mo alam na yun yung paraan para magbuntis ang isang babae?!"
"Alam ko yun okay! Wag ka ngang pilosopo!" Ganting sigaw ko.
"Eh yun naman pala e. Ano yung sinasabi mong imposible diyan?"
"Eh isang beses lang naman nangyari yun kaya imposibleng mabuntis ako." Paliwanag ko pero binatukan niya lang ako.
"Bakit parang nanghinayang ka pa na isang beses lang nangyari yun? Gwapo ba si kuya?"
"Hindi ako nanghinayang okay? Pero oo, gwapo siya."
Naalala ko na naman ang itsura niya, sobrang gwapo niya kahit napakasungit.
"My gosh! Dalaga na ang bestfriend ko!" Nagtititiling tumalon si Rain sa loob ng bahay namin.
"Ano ba? Manahimik ka nga diyan! Baka sabihin ng mga kapit-bahay natin, tuluyan ka ng nabaliw diyan."
"Wala akong pakialam sa kanila no. Hmp! So now tell me, anong pangalan niya?"
"Bakit mo pa ba tinatanong yan?" Inis na balik-tanong ko.
"Hoy babae, umayos ka ng sagot ha. Baka akala mo bati na tayo."
Huminga ako ng malalim bago napailing. "Fine. His name is Johan."
BINABASA MO ANG
Private Investigator's Love
RomanceMeet Elise Cruz. Siya ay isang maganda, sexy, kaakit-akit, at magaling na private investigator. Gumagawa siya ng iba't-ibang gimik para magawa ng maayos ang kanyang trabaho. Paano kung sa paggawa niya ng isang mission ay may makilala siyang magpapat...