PIL 9
Ilang beses na akong pabalik-balik sa CR. Hindi pa din ako mapakali sa mga sinabi ni Johan kanina. Imposible namang nakilala na niya ako?
Kung oo, edi sana kinumpronta na niya ako kanina pa pero ganun pa din naman siya. Nakakulong pa din sa opisina.
Napaigtad ako ng biglang tumunog ang telepono.
"Good Morning. Samantha of Adler's Corporation. May I know who's on the other line?"
"Camilla Fox here." Sabi ng medyo maarteng boses sa kabilang linya. "I just want you to remind your boss about our date at the restaurant. I'm on my way now." Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking kilay.
Kunwari pa silang meeting, date naman pala.
"I'll remind Mr. Adler about it. Anything else?"
"Nah. I'll just tell Johan later during our date to replace his secretary because you sound rude. I don't like your tone."
Sasagot pa lang sana ako ng bigla na niyang pinutol ang tawag. Bwisit na babaeng yun!
Huminga ako ng malalim. Bakit ba ako apektado kung magda-date silang dalawa? Ano ba Elise, umayos ka nga.
Tinawagan ko ang extension ni Johan sa opisina.
"What?"
"I just want to remind you with your meeting with Camilla-"
"Cancel it."
"But Ms. Fox already confirmed the meeting and she's on her way-"
"I don't care. Cancel it now."
Napangiti ako. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kasiyahan ng ika-cancel ang kanyang date. "Okay Sir. I'll call Ms. Fox now."
"Order a food."
"Ano pong gusto niyo Mr. Adler?"
"Any food and make it for two."
"Right away, Sir."
***
Nag-iwan na ako ng voicemail kay Ms. Fox kanina matapos kong umorder ng lunch ni Mr. Adler.
Makalipas ang kinse minutos ay dumating na yung pina-deliver kong pagkain. Ginamit ko yung card na binigay ni Ms. Trina sa akin dati para pambayad.
Binigyan kase ako ng credit card na nakapangalan sa company para daw kung may kailangang bayaran sa mga iuutos ni Mr. Adler.
"Salamat po Maam."
"Thank you din po." Binitbit ko na ang dalawang paperbag na dineliver papasok sa loob ng opisina.
Nasa tapat na ako ng opisina niya pero dahil nga naka-lock ay kinailangan ko pang gumamit ng intercom.
"Sir, nandito na po yung pagkain na pina-order niyo."
"Bring it inside." Dinig kong sagot niya.
Naghintay ako ng dalawang minuto sa labas pero hindi pa din niya binubuksan ang pintuan. "Sir?" Tawag kong muli.
"You know the PIN right?"
Hindi na ako kumibo. Hindi ko naman inakala na pwede ko lang buksan ng basta-basta yung opisina niya.
Binuksan ko na yung pintuan gamit yung code na ibinigay niya kanina.
Naabutan ko siyang nakaharap sa kanyang laptop.
"Aayusin ko na po ang pagkain niyo."
Ipinatong ko ang mga paperbag sa lamesa bago dumiretso sa pantry para kumuha ng mga plato.
BINABASA MO ANG
Private Investigator's Love
RomanceMeet Elise Cruz. Siya ay isang maganda, sexy, kaakit-akit, at magaling na private investigator. Gumagawa siya ng iba't-ibang gimik para magawa ng maayos ang kanyang trabaho. Paano kung sa paggawa niya ng isang mission ay may makilala siyang magpapat...