PIL 6
Angel's POV
"Alis ka bes?"
"Oo e. Tinawagan na ko nung kaibigan ni Mrs. Cordero kagabi. Nag-set na siya ng meeting today."
"Sure ka ba talaga na gagawin mo muna yang mission na yan? Akala ko ba gusto mong magbakasyon muna?"
"Well, gusto ko naman talaga e. Kaso nakiusap na nga si Mrs. Cordero. Hayaan mo na, pagbibigyan ko lang siya. Promise last na muna to tas gora na tayo sa Palawan." Masayang sabi ko.
"Hmp. Sige na nga! Mukhang bigtime naman yang bago mong kliyente e. Imagine, Vice President ng isang napakalaking kumpanya? Bongga!"
"Ipagdasal mo na lang na sana matapos ko agad kung ano man ang papa-imbestigahan niya." Sabi ko bago isinuot ang sandals ka. "Gusto mo bang sumama sa meeting namin?"
"Hindi na bes. May pasok na ko e. Akala ko pa naman mae-enjoy ko yung off ko kaso absent pala yung isa kong kasamahan sa trabaho. Papalitan ko muna siya ngayon.".
"Osige. See you later Rain. Ingat ka papasok ha."
"Ikaw din. Ayusin mo yang buhay mo at baka mamaya madagdagan na naman ang inaanak ko."
"Baliw!" Hinampas ko siya sa braso. "Puro ka talaga kalokohan. Aalis na nga ako."
Mabilis na kong lumabas ng bahay. Swerte naman na may bakanteng taxi na dumaan kaya nakasakay ako agad.
I'm on my way, Mr. Reyes.
Tinext ko na ang bago kong kliyente. Sa isang coffee shop na malapit lang sa kanilang opisina kami magkikita para pag-usapan ang mga ipapagawa niya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan. Masyadong malaki ang Adler Corporation para maging bagong misyon ko.
Huminga ako ng malalim. May mga naging misyon na din naman ako dati na talagang malalaki din ang mga taong nakabangga ko pero napagtagumpayan ko naman yun. Kailangan ko lang ayusin ang trabaho ko para maging maayos ito.
Wala pang kinse minutos ay narating ko na ang lugar na pagkikitaan namin ni Mr. Reyes.
"Table for how many maam?" Nakangiting bati sakin ng crew pagkapasok ko.
"I'm actually with someone. I'm not sure if he have a reservation."
"Name please?"
"Elise Cruz." Tugon ko.
"Oh this way Ms. Cruz. Mr. Reyes is already waiting for you."
"Thank you."
Sinundan ko siya sa paglalakad at dinala niya ako sa may pinakadulong upuan. Wala masyadong tao sa parteng ito kaya nasisigurado kong makakapag-usap kami ng maayos.
"Mr. Reyes?" Tawag ko sa medyo may edad na lalaking nakaupo.
Agad naman siyang tumingin sa akin at ngumiti. "Ms. Cruz?" Tumango ako. "I did not expect you to be this pretty."
Pinilit kong ngumiti kahit na naiinis ako. Pakiramdam ko ay hindi kami magkakasundo nito.
Calm down Elise. Client yang nasa harap mo kaya umayos ka.
"Have a seat Ms. Cruz."
"Thank you." Umupo na ako sa harapan niya.
"Anything you want to order?"
BINABASA MO ANG
Private Investigator's Love
RomanceMeet Elise Cruz. Siya ay isang maganda, sexy, kaakit-akit, at magaling na private investigator. Gumagawa siya ng iba't-ibang gimik para magawa ng maayos ang kanyang trabaho. Paano kung sa paggawa niya ng isang mission ay may makilala siyang magpapat...