PIL 10
"Ano ng balita sa iniimbestigahan mo?"
"Wala pa nga e." Sagot ko habang hinahalo ang aking kape.
"Asus! Kilala kita Elise, mabilis kang magtrabaho a. Bakit ngayon yata napakatagal?"
"Nahihirapan pa kase akong humanap ng ebidensiya, Rain. Masyado siyang mailap at masikreto."
"Mailap ba talaga o baka naman gusto mo lang magtagal sa trabaho mo? Ikaw ha! Baka mamaya masyado kang mahulog para diyan sa boss mo, hindi ka na makaahon."
"Ano ba yang pinagsasasabi mo, Rain? Trabaho lang ang ipinapasok ko sa opisina araw-araw."
"Mabuti na ang malinaw noh. Baka mamaya ikaw na naman ang mapasok ng boss mo-"
"Rain ano ka ba! Ang bunganga mo!"
"Oh bakit? Totoo naman a! Nung nakaraan mong mission kahit hindi naman talaga involve yang boss mo, nagpapasok ka. Paano pa ngayon na siya na mismo ang iniimbistigahan mo? Baka mamaya magkabata na talaga diyan sa tiyan mo kapag hindi mo pa napigilan ang sarili mo sa kanya."
"Huwag ka na ngang maingay. Sumasakit ang ulo ko sayo e. Baka mamaya kung sino pa ang makarinig sayo."
"Nako bahala ka na nga diyan! Hindi talaga kita tutulungan mag-alaga sa baby mo-"
"Wala ngang baby, Rain!" Inis na sigaw ko sa kanya bago tumayo. Mabuti pang pumasok na lang sa opisina ng maaga kaysa naman kausapin tong bestfriend ko.
Nag-ayos na ako agad dahil papasok ako ng maaga para makahanap ako ng ebidensiya sa opisina ni Johan.
Kailangan ko ng bilisan ang paghahanap dahil ayokong mauna pa siyang makilala ako bago ko matapos ang aking misyon.
Nagsuot ako ngayon ng contact lense kahit na pinipigilan ako ni Rain. Kailangan ko ito. Hindi naman ako masyadong humaharap sa computer kaya ayos lang na gamitin ko ito.
Mas makakaharap ako sa kanya ng hindi naga-alala na makilala niya ko ng dahil sa aking mga mata.
***
Alas sais pa lang ay nakarating na ako sa building. Wala pang mga tao maliban sa guard at mga janitor kaya tamang-tama ang aking dating para makahanap ng ebidensiya.
Itinago ko lang ang aking bag sa pedestal bago dumiretso sa loob ng kanyang opisina.
Sana naman ay hindi niya binago ang PIN. Halos mapatalon ako sa tuwa ng bumukas ito. Masyado mong pinapadali ang trabaho ko Johan.
Mabilis akong pumasok sa loob. Kailangan kong magmadali kahit na madami pa namang oras bago siya dumating.
Ang oras ng dating niya ay quarter to 8 araw-araw. 6:15 pa lang naman kaya malakas pa ang loob kong maghanap ng ebidensiya.
Sinimulan ko ang paghahanap sa mga cabinet na nandito. Binuksan ko ito isa-isa at binuklat ang mga papeles na nandoon. Wala akong nakitang kakaiba doon kaya minabuti ko ng lumipat sa natitirang cabinet pero laking dismaya ko ng makita kong naka-lock ito.
Pinilit ko pa muling buksan ito pero naka-lock talaga. Hinagilap ko ang susi nito sa mga susing nakapatong sa kanyang lamesa pero wala.
"What are you doing here?" Napatili ako ng may biglang nagsalita.
"Mr. Adler!" Sabi ko bago unti-unting humarap sa kanya na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil naabutan ko siyang nakatapis lang ng tuwalya. "Ahm.. Ano po sir.. A-ano.." Hindi ko mahagilap ang tamang mga salita na dapat kong bigkasin dahil kitang-kita ko kung paano tumulo ang tubig sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
Private Investigator's Love
RomanceMeet Elise Cruz. Siya ay isang maganda, sexy, kaakit-akit, at magaling na private investigator. Gumagawa siya ng iba't-ibang gimik para magawa ng maayos ang kanyang trabaho. Paano kung sa paggawa niya ng isang mission ay may makilala siyang magpapat...