Chapter 3

2.1K 71 21
                                    

PIL 3

Elise's POV

Sampung minuto na ang nakalipas simula ng umalis ang lalaking nakabili sakin pero hindi pa din ako pinapansin ng bwisit niyang pinsan. Patuloy lang siya sa pag-inom ng alak, masamid ka sana!

Ibinalik ko ang aking tingin sa stage na malapit samin para iiwas ang presensiya ko sa kanya pero sadyang makulit ata ang buo kong pagkatao dahil hindi ko mapigilan na hindi siya pansinin.

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" I hesitantly asked..

He just looked at me for a second before drinking again.

Wow. Inis na inis na ako sa lalaking kaharap ko ngayon! Ano ba to, bakla? Bakla nga suguro ito kaya hindi man lang mapansin ang kaganahan ko!

Siguro ay naiinggit lang siya sakin kaya pilit niya kong iniiwasan. Oo, tama, gusto niya siguro magkasing-ganda kami.

"Why are you staring at me?" He uttered.

"Wow! Nagsasalita ka ba talaga?" Excited na tanong ko sa kanya. Namangha akong marinig ang husky niyang boses.

"Are you making fun of me?" Bakas ang iritasyon sa mukha niya.

"Of course not! Akala ko lang kase hindi mo ako kakausapin." Pagpapaliwanag ko.

Again. He didn't respond.

Bwisit na lalaki to! Akala mo naman kung sinong kagwaphan na ibinaba mula sa langit. Pero infairness, gwapo din naman talaga siya kaya may ipagyayabang pero hindi pwede to.

Si Elise Cruz ata ang kaharap niya no. Wala kaya akong inuurungan!

Maarte akong bumaba ng stool at naglakad palapit sa kanya.

I slightly pressed my body against him at napansin kong nanigas ang katawan niya.

So, may effect din pala ko sa kanya huh?

Napangiti ako sa naging reaction niya pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Hinapit niya ang bewang ko para mas mapalapit ang katawan ko sa kanya.

Ang pagkakadikit ng aming mga dibdib ay nagbigay ng kakaibang init at kiliti sa buo kong pagkatao.

Tinangka kong umalis pero mas hinigpitan niya lang ang hawak sa akin hanggang sa maramdaman ko na lang na nakatayo ako sa gitna ng mga hita niya.

"Cat got your tongue?" Bulong niya sa tenga ko na nagbigay ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi niya sa gilid ng tenga ko kasabay ng mainit niyang palad na pumipisil saking bewang.

Pakiramdam ko ay kinukuryente ang buo kong pagkatao dahil sa pagkakakulong ko sa mga bisig niya. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Mali ito. Hindi ako pwedeng magpatalo sa nararamdaman ko. Utak Elise. Utak ang paganahin mo.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Kunwari ka pang snob pero alam kong gusto mo din naman ako."

Nakita ko ang paglunok na ginawa niya ng mapadako sa mga labi ko ang kanyang paningin. Parang gusto ko na ding mapalunok ng mapatingin sa mga labi niya.

"Am I having an effect on you Mr. Greek God?" Pinaarte ko ang boses ko para mapagtakpan ang pagkailang na nararamdaman ko

"It seems like you want to kiss me too." He said huskily.

Dahan-dahang bumababa ang ulo niya sa akin pero napansin ko ang pagtayo nila Mr. Cordero mula sa katabi naming lamesa kaya naitulak ko ng bahagya si Johan.

Nilingon ko ang aking target at nanlaki ang mga mata ko ng paakyat sila sa taas kasama ang isang bunny.

Sa taas ang parang mini-hotel nitong club. Kumbaga, doon nila pwedeng i-take-out ang mga bunny.

Kailangan ko silang masundan!

Isip Elise, isip.

"Wanna continue this upstairs?" Nang-aakit na sabi ko. Nakita ko yung mga mata niya na parang nangungulila sa akin.

Bago pa man siya makasagot ay hinatak ko na siya paakyat. Kailangan ko na talagang maabutan ang aking target.

Nasa unahan na namin si Mr. Cordero na nakikipaglandian dun sa bunny niya. Nakaakbay siya dito at hinahalikan lang

Mabuti na lang at mabilis kong na-on ang camera na nakakabit sa aking bra. Hindi ko man nakikita ay panigurado akong nakukuhanan na sila ng video ngayon.

Yoohoo! Mission completed!

Pumasok na sila sa isang room kaya tatalikod na sana ko para bumaba pero biglang may humatak sa kamay ko.

Si Johan!

"Where do you think you're going?" May diin sa bawat tanong niya sakin.

"A-ah ano.. a-ano pupunta ko sa sa baba. M-may kukunin a-ako dun.." Utal-utal na sagot ko dahil hinapit na naman niya ako sa bewang.

Jusko. Feeling ko matutumba na ko. Nararamdaman ko ang panginginig ng aking tuhod dahil sa paraan ng pagtitig niya sakin. Nakakatunaw.

"I think that can wait." He smirked.

Magsasalita pa lang sana ako ng bigla niya akong hinalikan kaya malaya niyang nalakbay ang aking bibig dahil medyo nakaawang ang aking mga labi.

Nagtatalo ang isip at puso ko dahil gusto ko siyang itulak pero gusto ko din siyang halikan pabalik.

Sa huli ay bumigay nako. I kissed him back. Halik na kaseng intense ng paghalik niya sakin.

Halik na parang may pagmamahal.

Naramdaman ko na lang na dumikit ang aking likod sa pintuan. Nakapasok na pala kami sa kwarto ng hindi ko man lang namamalayan.

Bahagya siyang tumigil para titigan ako sa mata.

Nabitin ako sa halik niya.

"I love your eyes.. That's the reason why I don't want to look at you. It's turning me on.. I want you.." Bulong niya habang hindi inaalis an paningin sa akin.

Hinalikan na naman niya ko ulit. Bawat paghalik niya sa akin ay parang nakakalasing. Para akong hinihipnotismo ng kanyang mga titig at halik.

Binuhat niya ko kaya iniyakap ko ang aking mga binti sa bewang niya habang ang mga kamay ko naman ay ipinaikot ko sa kanyang mga batok.

Mas lumalim ang paraan ng kanyang paghalik dahil sa ginawa ko.

Inihiga na niya ko ng dahan-dahan sa kama.

"You're damn beautiful.." He said again before kissing me.

Tama pa ba to?

Love him tonight.

Love him tonight.

Love him tonight.

Ito ba ang ibig sabihin ni Nat kanina?

Am I paid to do this thing?

Sus! Ang sabihin mo gusto mo si Mr. Greek God! Biglang singit ng utak ko.

Nawala agad ang alalahanin ko ng pinalalim niya agad ang paghalik niya sakin.

Tuluyan na niya kong dinala sa isang mundo kung saan kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Private Investigator's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon