PIL 7
Elise's POV
"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" Takang tanong sakin ni Rain ng madaanan niya ko sa sala.
"Kinakabahan ako e."
"Bakit naman?" Umupo siya sa tabi ko habang titig na titig sakin. "May lagnat ka ba?" Hinipo niya yung noo ko pero mabilis ko naman itong tinabig.
"Wala." Matamlay na sagot ko. "Hindi ko lang kase maipaliwanag yung nararamdaman ko. Kinakabahan ako na nahihilo na parang nasusuka."
Nanlaki naman agad ang kanyang mga mata. "Oh my gosh! Don't tell me buntis ka? Sinasabi ko na nga ba magkakaroon na ko ng inaanak e! Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo ba ng tubig? Oh dalin na kaya kita sa hopsital para masiguradong okay ka pati ang bata sa tiyan mo? Baka mamaya-"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya para tumigil na siya sa kaingayan niya. "Pwede ba Rain? Wag ngayon."
Mabilis niyang inalis ang kamay ko. "Sorry na. Wala ka ba sa mood? Naga-alala lang naman ako sayo lalo pa ngayon na may bata na diyan sa-"
"Walang bata okay? Ano ba yang pinagsasasabi mo? Baka mamaya may makarinig satin na kapitbahay kung ano pa ang isipin. Nung isang araw ko pa lang naisusuko ang Bataan, buntis na agad?" Iritang tanong ko. "Ikaw nga bawas-bawasan mo yang pagbabasa mo ng kung anu-ano. Sakit mo sa ulo e."
"Nadala lang naman ako no. Nakakabigla kaya. Ano ba kase talagang problema mo diyan?"
"Hindi ko nga alam!" Frustrated na sagot ko.
"Anong hindi mo alam? Don't tell me kinakabahan ka pa sa bago mong misyon? Nasaan na yung mayabang at maangas kong bestfriend ha?"
"Eh hindi ko nga din maintindihan yung sarili ko."
"Bes, napakadami mo ng misyon na napagdaanan. Lahat yun napagtagumpayan mo. Magtiwala ka sa sarili mo at sa Kanya okay? Hindi ka niya papabayaan."
Pakiramdam ko ay gumaan na kahit papaano ang nararamdaman ko. Maybe I just really need mg bestfriend that can shut me up.
"Ayusan mo ko." Nakangusong lambing ko sa kanya.
"Tsk. Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Ililibre mo ko a."
"Sige ba." Masayang pagsang-ayon ko bago nagpahatak sa kanya sa kwarto.
Laking pasasalamat ko na lang talaga at meron akong bestfriend na kagaya ni Rain. Kahit madalas sakit yan ng ulo, hinding-hindi ko pa din siya ipagpapalit.
"Thank you sa lahat bes." Niyakap ko siya ng makaupo ako sa harap ng dresser. "Love na love kita."
"Hoy ha! Pinapakaba mo ko. Wag ka ngang ganyan. Pakiramdam ko tuloy may mangyayaring masama sayo."
"Sira." Hinampas ko siya sa braso habang tumatawa. "Thankful lang ako na nandiyan ka no."
"Alam ko naman yun pero wag ka na ngang mag-drama diyan. Mala-late na tayo parehas kaya kailangan na nating bilisan."
Inayusan na nga niya ako. Well, marunong naman akong maglagay ng make-up pero gustong-gusto ko kase kapag inaayusan niya ko. Tsaka lambing ko na lang naman sa kanya to. Itinali niya ang buhok ko tsaka ako nilagyan ng wig. Sa pagiging secretary ko ay pananatilihin kong maigsi ang aking buhok.
"Ayan! Ang ganda-ganda mo na lalo. Manang-mana ka talaga sakin."
"Kabaliwan mo lang naman ang pwede kong mamana no."
BINABASA MO ANG
Private Investigator's Love
RomanceMeet Elise Cruz. Siya ay isang maganda, sexy, kaakit-akit, at magaling na private investigator. Gumagawa siya ng iba't-ibang gimik para magawa ng maayos ang kanyang trabaho. Paano kung sa paggawa niya ng isang mission ay may makilala siyang magpapat...