CHAPTER 11

320 15 7
                                    

PIL 11

Agad-agad akong tumayo ng makita ko na saktong alas singko na ng hapon.

Kailangan kong maunahan si Johan sa pag-alis para naman masundan ko siya sa meeting niya dun sa Salazar.

"Why are you in a hurry?" Napapitlag ako sa gulat ng bigla siyang magsalita.

"Masama po kase ang pakiramdam ko Sir kaya uuwi na po sana ako. May ipapagawa pa po ba kayo?"

Napalayo ako sa kanya ng idikit niya ang kanyang palad sa aking noo. "How are you feeling?"

"O-okay lang naman po ako Sir. Pakiramdam ko po ay para akong lalagnatin kaya uunahan ko na sana ng pahinga para okay na din ako bukas."

"I'll ask my driver to pick you up here."

"Naku hindi na po kailangan Sir. Kaya ko naman po ang sarili ko."

"I insist. I'll call him now-"

"Hindi na po talaga kailangan Mr. Adler." Pagputol ko sa sinasabi niya. "Alam ko po na gusto niyo lang masigurado ang kaligtasan ko pero ayos lang po ako. Ayoko din pong maging usap-usapan ng ibang empleyado."

Natahimik naman siya saglit at mukang naintindihan ang ibig kong sabihin kaya siya ay tumango. "I understand."

"Sasabay na lang po ako sa company van na naghahatid sa mga empleyado. Salamat po ulit, Sir. Btw, I just want to remind you with your meeting with Mr. Salazar at 5:30."

"Yes. I'm about to go to our meeting place. You take care."

"Sige po Sir. Salamat po. Mauna na po ako."

Nauna na akong sumakay ng elevator pababa. Kailangan ko siyang maunahan para maayos ko siyang masundan.

Agad akong sumakay sa isang taxi at pinaghintay ito sa labas ng parking ng building para mas madali kong makita ang kanyang sasakyan.

Halos limang minuto lang naman ang aking pinaghintay ng makita ko na siyang papalabas kasama ng kanyang driver.

Sinagot ko agad ang aking telepono ng ito ay mag-ring.

"Hello?"

"Ano na bes? Andito na ako sa restaurant na sinasabi mo."

"Sige wait lang, Rain. Papunta na diyan yung boss ko. Sinusundan ko siya, nakasakay ako sa taxi."

"Sige. Tawagan mo ko mamaya pag dumating na siya para makalipat ako ng lamesa na malapit sa kanila."

"Sige Rain. Salamat ha. Huwag ka masyadong magpapahalata sa kanila."

"Oo naman. Ako pa ba? Tsaka anong salamat? May kapalit to no."

"Oo na! Kahit ano basta pakinggan mo lang mabuti yung pagu-usapan nila ha."

Ibinaba ko na ang tawag at maya-maya lang ay nakita ko ng pumarada ang kanyang sasakyan sa labas ng isang mamahaling restaurant kung saan nandoon na din si Rain.

Hindi ko na pinag-park si kuyang taxi driver dahil tanaw ko naman mula sa pwesto ko ang nangyayari sa loob.

"Hello Rain!" Bungad ko ng sagutin na niya ang tawag ko. "Hindi mo na kailangang lumipat ng pwesto dahil yang nasa gilid mo ang boss ko at yung Mr. Salazar na kinukwento ko sayo."

"Wait! Boss mo tong naka-tuxedo?"

"Oo bakit?"

"Mas gwapo pala siya sa personal besh!" Ramdam ko ang pagpipigil niyang tumili kaya napahawak na lang ako sa ulo ko.

Private Investigator's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon