CHAPTER 12

433 19 2
                                    

PIL 12

"Oh bes bakit andito ka pa?"

Napalingon ako kay Rain. "Hindi muna ako papasok ngayon. Kailangan ko ng bilisan ang pagi-imbistiga e."

"Kung hindi ka papasok ngayon, saan ka hahanap ng impormasyon?"

"Doon sa Salazar na kausap ni Johan kagabi. Tutal may picture naman na siya sa akin, mas madali na siyang mahanap."

"Gusto mo bang samahan kita Elise? Pwede namang hindi na din ako pumasok ngayon-"

"Huwag na, Rain. Mag-ready ka na sa pagpasok mo."

"Eh gusto ko lang naman bumawi sa nangyari kagabi." Nakasimangot na sagot niya.

"Okay na yun. Kahit na walang recording, may picture pa rin naman. Pwede na yun." Inilagay ko na sa backpack na dadalhin ko ang printed picture ni Johan kasama si Salazar kagabi.

Nakahingi na din ako ng tulong sa agency na pinagtatrabahuhan ko para mahanap nila kung may file ba doon si Salazar na makakatulong sa misyon ko.

"Mauuna na akong umalis sayo ha. Magkita tayo mamaya pagkatapos ng pasok mo para naman sabay tayong makapag-dinner."

"Yey! Libre mo to ha?" Masayang tanong niya.

"Bakit ako? Ikaw nga tong palpak kagabi tapos ako pa ang manlilibre."

"Ayan na naman siya! Akala ko ba okay na yun? Alam mo ikaw pabago-bago ka ng isip. Yung mga kilala kong ganyan, buntis. Hindi kaya may baby na talaga diyan sa tiyan mo-"

"Rain! Wala ngang baby!" Inis na hiyaw ko sa kanya.

"Eh bakit parang nanghihinayang ka pa diyan? Alam mo, ganito na lang ang gawin mo. Huwag mo ng ituloy yang plano mong gawin ngayong araw, pumunta ka na lang doon sa opisina niyo at gapangin mo na yung gwapo mong boss para naman maging totoo na yung baby diyan sa tiyan mo-"

"Rain isa pa talaga!"

"Oo nga! Isang beses pa nga, tignan mo magiging nanay ka na!"

"Ughhh! Bwisit ka. Bahala ka na nga diyan!" Inis kong isinukbit ang bag ko at nagmartsa na palabas ng bahay.

"See you later bes! Yung dinner natin ha. Mag-ingat ka at kumain! Bawal magutom ang baby!" Inirapan ko lang siya bago sumakay ng taxi.

Ang bunganga talaga ng babaeng yun walang humpay.

Dumiretso na ako sa agency na pinapagtrabahuhan ko. Ang kagandahan dito ay wala kaming kontrata. Para kaming free-lance agent nila na ipapatawag lang kung may nababagay sa amin na kliyente. Dito ko nga pala nakilala si Mrs. Cordero.

Nasaktuhan na ako na lang ang nagi-isang babae na walang misyon noong panahon na yun kaya sa akin naibigay ang assignment.

Ipinaalam ko din naman sa kanila na may misyong ibinigay sa akin si Mr. Reyes kaya hindi nila ako binibigyan ng assignment ngayon.

"Wow! Chix na chix naman si Agent Cruz ngayon." Bati sa akin ng isang agent ng makapasok ako sa loob.

"Huwag mo nga akong binobola diyan. Kamusta ka naman, Agent Rosales?"

"Ayos lang. Gwapong-gwapo pa din."

"Nako. Ang sabihin mo, mahangin pa din."

"Eto namang si Agent Cruz hindi na mabiro. Anong atin at napadalaw po ata kayo?"

"Nasaan si Agent Castro? Kailangan ko siyang makausap."

"Nandito naman ako, naghahanap ka pa ng iba." Bulong niya pero sapat na para marinig ko.

Private Investigator's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon