chap.two

11.8K 213 8
                                    

5 years Earlier....

" Caddie!"

Napalingon ako sa taong tumawag saken. Napangiti ako ng makita ko ang babaeng dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang babaeng unang naging laman ng pusot isip.ko. ang babaeng inaalagaan, nirerespeto at piuprotektahan ko . Yes.. im gay. Sa kabila ng kagandahan kong taglay. At tanggap naman ako ng pamilya ko. Ako pa ba?

"Cassandra!"

Sigaw ko naman at agad akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Ako lang ang hinahayaan niyang tumatawag ng kumpleto niyang pangalan. Maliban saken wala ng may karapatang tawagin siyang cassandra.

"Bakit di mo ko sinundo?!"

Agad siyang bumitaw sa pagkakayakap saken at nakacross arms na nakatingin sa mga mata ko. Bigla na lamang akong namula sa pagtitig neto saken.

"Ah- im sorry .. come on malalate na tayo.. "

Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad papasok ng school.
2nd year college na kami .. kumukuha ako ng Business ad. At siya namay HRM..
Sa iisang school lang kami na pagmamay ari ng kaibigan naming si Georgine... Geo for short. Kaklase ko si Geo at magkaibigan ang mga pamilya namin.

"Caddie! Cass!"

Sigaw ni kelly habang tumatakbo palapit smin. Sa likod naman niya si cage,cathy at geo na kumakaway samen.

"Kelly bat ka tumatakbo?"

Tanong ni cass habang nakakawit parin sa braso ko.
Ganito siya kasweet saken. Kaya di ko napigilan na mahalin siya. Pagmamahal na hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago.

"I miss you guys!"

Sabay yakap samin ni kelly. Kahit kailan talaga to! Ang kulit!

"Parang di tayo nagkita kahapon a"

Si geo na napapailing na lamang. Natatawa naman si cathy habang pinagmamasdan ang kakulitan.ni kell.

"Maaga pa. Tara sa canteen."

Sabat naman ni Cage at hinila ako palayo kay cass. Nauuna kami ngayon ni cage at nasa likuran namin sila geo,cass at kelly.

"Perfect couple huh?"

Nakangiting sambit ni cage saken.

"What? Who?"

Tanong ko sknya na nakakunot noo.

"Aw c'mon! Did you tell her na ba?"

Tanong saken ni cage habang naglalakad. Natahimik naman ako at biglang nawalan ng gana.

"Tell her before its too late. You know? Kita mo naman wala siyang hinahayaang manligaw skanya. Halos lahat ng oras niya sayo.. ikaw lagi niyang hinahanap.. ikaw lagi gusto niyang kasama.. napapansin namin yun.. ikaw lang ata ang hindi nakakapansin.. malay mo naman di ba? Pareho kayo ng feelings.."

Sabay tapik sakin ni cage.
Napaisip ako sa mga sinabi niya. Oo ngat walang nagtatangkang manligaw kay cass pero.paano.kung biglang nagkaroon? Paano? Paano na.ako? Alam ko naman at pansin ko din na parang may something din siya saken pero pilit ko iyong binabalewala. Ayokong mag assume. Ayoko.

"Cadd? May problema ba?"

Bigla akong napapitlag ng hawakan ako ni cass sa mukha. Halos pagpawisan ako sa ginawa niya.

"Ah--n-o no im okay"

Pilit kong sagot skanya. Alam kong di maniniwala to. Masyado na niya akong kilala at alam niya kung may bumabagabag sakin.

Caddie Connelly(Mahal kita Cassandra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon