chap.26

5.8K 133 14
                                    

.........
Love makes you speechless...
----caddie

Hindi naman ganun kadali yun. Ang piliting maging kaibigan ang taong minamahal mo ng sobra. Dahil yun na lang yung natitirang pwede mong gawin para di tuluyang mawala sayo ng taong ito. Save the friendship.  Pero kakambal na nun ang masaktan ka palagi. Limitations ... at may mga bagay kang di pwedeng gawin beyond friendship limits.

Maaga akong nagising ngayong araw dahil ito ang simula ng kalbaryong ako mismo ang pasimuno. Unti unti siguro matatanggap ko din na yung taong mahal ko hindi ako kayang mahalin.
Minsan mahirap talaga kapag nagsimula kayo bilang magkaibigan.
Para kang nasa isang sugal na kailangan mong paghandaan ang pagkatalo o pagkapanalo.

"Aray!"

Daing ko ng may bumunggo sakin. Medyo lutang ako dahil laman ng isip ko si cassandra. Kung paano at ano ang kilos na gagawin ko.

"Di kasi tumitingin eh! Buti nga sayo!"

Dinig kong sambit ng babaeng nakabunggo sakin. Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko at saglit akong napahinto para tignan ang babaeng patuloy sa pagjogging.. medyo pamilyar siya pero dinedma ko na lang ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Medyo pagod na mga binti ko.

After ko magjogging dumaan muna ako ng mcdo para magtake out ng breakfast. Pagkatapos neto ay dederetso na ako kay cassandra.
Ang tagal kong nakatayo sa harap ng pintuan ng unit ni cassandra. Nagdadalwang isip ako. Kabado at nahihilo ako sa kakaisip kung saan ako kukuha ng lakas ng loob.
Bahala na!s sabay sunod sunod na katok ang ginawa ko.
Mayamayay binuksan na nito ang pinto. Yung mukhang nagtataka niyang mga mata ang bumungad sakin. I know she didnt expect me to be here now.

May sinabi muna siya bago ako nakapasok sa loob dahil agad kong hinila ito. She keep on talking habang kumakain kami.
Di pa man kami tapos kumain ay nagsimula na kaming makapagusap. Di ko akalain na mapaguusapan pa namin ang mga ganitong bagay. Mabuti na din para malinawan at makapagsimula kami ng panibago. Hindi ganun kadali yun. Pero dapat gawin.

Okay ka lang?"

Tanong ko sknya pagkabukas niya ng pinto ng banyo. Ang tagal niya kasi. Di ko mapigilan magalala lalo parang di siya okay.

"Oo ginulat mo naman ako."

Kalmado pero mahahalata kong mau kakaiba sknya.

"Umiyak ka ba?"

Tanong ko dito na agad naman yumuko.

"Hindi ah"

Tipid niyang sagot. Dahan dahan akong lumapit at hinawakan ko ang baba nito para iangat ang mukha niya.

"Umiyak ka nga."

Wika ko at di ko maiwasan na malungkot.

"Im sorry cassandra..."

Hingi ko ng tawad. Pakiramdam ko kasalanan ko to.

"Ako dapat ang magsorry sayo...
Im sorry if nasaktan kita nuon caddie.. im sorry."

Gulat man ako sa sinabi niya ..pero parang natabunan lahat ng sakit sa puso ko.ayoko nakikitang umiiyak siya. Niyakap ko ito ng mahigpit. Yakap na simbolo ng pagmamahal ko sknya. Yakap na sana...tumagal.

"Cassandra...."

Tawag ko dito na kanina pa tulala.

"Oh..."
Tipid netong sagot at bahagyang tumingin sakin.

"Kanina kapa tulala... tapos na yung pinapanuod naten."

"Ah wala, wag mo kong pansinin..  "

Alam kong may gumugulo sa isip niya. At alam na alam ko kung kelan siya nagsasabi ng totoo .

Caddie Connelly(Mahal kita Cassandra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon