Amanda
“Amanda, hindi ba’t sinabi ko na sa ’yo na tigilan mo na ang pakikipagbasag-ulo? Anak, dalaga ka na. You should act like a true lady.”
Nandito kami ngayon sa sala. We gathered around here to talk about my case, which is, me, having kicked out of the school, again. All of my brothers and sisters are here including my Mom and Dad.
“Mom is right, Amanda. When I was at your age, I never fought anyone like a bastard. You are a Kleinton, you should be elegant and wise and you have to look like princess because you are one of our company’s heir.” Sabi ng kapatid kong si Ate Sophie, ang pangalawa sa pinakamatanda.
“She’s right, sis. Because of your behavior, you are destroying our family’s image.” Segunda naman ni Ate Laurey, ang pangatlo.
“Amanda, hindi kita masisisi. Ganyan din ako nung nag-aaral pa ako. Kaso, lalaki ako kaya okay lang.” Sabi naman ni Kuya Cris dahilan kung bakit nakatanggap siya ng batok mula kay Dad. “Aray!”
“Anong okay lang?”
“Wala Dad. Hehe.”
Napailing-iling ako. Siya si Kuya Cris, ang pang-apat. Siya ang pinakamakulit hanggang ngayon. Dalawang taon lang ang agwat ng edad namin.
“Ano ba naman kayo, hayaan niyo na ’yang si Amanda. Talagang magiging makulit at pasaway ’yan dahil siya ang bunso.” Sabi ni Kuya Herman, ang pinakamatanda sa ’min. He was already 26 pero never pa siyang nagkajowa. Kahit ka-date wala. Nagtataka na tuloy sina Mommy kung bakla ba siya. Wala kaseng hilig ’yan sa babae eh.
“Anak, hindi ba talaga pwedeng pabayaan mo nalang ang mga taong bumabangga sa ’yo? Or, isumbong mo sa admin? Hindi naman pwedeng palipat-lipat ka ng school. Hindi ka magkakaroon ng kaibigan niyan. Gusto ko lang naman na i-enjoy mo ang pagiging high school mo. Ang kabataan mo. Gusto kong maranasan mong magkaroon ng barkada, para balang araw, may maaalala kang masayang nangyari sa buhay mo.”
Napabuntong-hininga ako. Here we go again.
“Mom, I tried to be patient, but I can’t help it. Hindi ko kayang manahimik kahit alam kong mali. Kapag may mali, tinatama ko ’yon. Hindi ako ang unang sumusugod sa kanila. Hindi ko ugali ’yon. Kapag ako ang nananalo, naiinis ang kalaban ko kaya dinadaan na nila ako sa dahas. Alangan namang magpatalo ako. Edi lumalaban ako. At isa pa, ayokong pinapakialaman ako ng ibang tao kapag nananahimik lang ako. I have my right to protect myself and to make things right.”
“Pero–”
“And besides, I already have you guys. My family. Kayo lang sapat na. Hindi ko kailangan ng kaibigan para lang sumaya ako.”
Natahimik sila. Isa-isa kong tiningnan ang pamilya ko. Hindi ko minamasama ang lahat ng payo nila. Alam kong iniisip lang nila ang kapakanan ko pero hindi ko lang kase maiwasan. Madali akong mainis kapag may ginagawa sa ’king mali ang isang tao. Kapag hindi ko pinapatulan, hindi ako tatantanan.
“Me being transferred to different schools every week doesn’t mean I’m a rebel. Kahihiyan ’yon ng dati kong paaralan.”
“Hey... hindi pa ba tayo kakain?” Pagbasag ni Kuya Cris sa namumuong tensyon. Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. “Nagugutom na ako.”
“Oh you’re always hungry.”
“Mas mabuti ngang kumain na tayo. Nagugutom na rin ako.”
“Teka, tapos na bang magluto si Manang Pecha?” Tanong ni Mom saka tumayo. Tumayo na rin ako pati ang mga kapatid ko.
“Mom! Dad! Kakain na daw tayo!”
Ang sigaw ni Kuya Herman mula sa kusina ang sumagot sa tanong ni Mom. Bago ako humakbang ay may ibinulong si Dad sa ’kin na kinatindig ng balahibo ko.

YOU ARE READING
THE AGENTS: SQUAD
ActionAmanda was a trouble magnet wherever she goes. She's a short-tempered high school girl with so many bullies. Everyone who tried to mess with her were sent to the hospital and was admitted for almost a year. For her, "You'll got bullied if you let th...