SA PAGLAYAG // CHAPTER 1 - NAKATULONG
"Hoy, kumain ka nga. Sino bang hinahanap mo?"
Nilipat ko ang tingin mula sa entrance ng karinderya papunta kay Nico nang magsalita siya. Lahat sila nakatingin na sa'kin ngayon at sumilip din sa entrance para tignan kung ano bang meron.
"Ah, wala," alanganing sabi ko. Parang sira akong kinakabahan. Bakit ba ako kinakabahan?!
"Ayaw mo ba?" Beau pointed to my plate, "Kunin ko 'yan."
Hindi ko siya pinansin at umayos ng upo, paulit-ulit tinitignan ang selpon para tignan kung nag-text ba ulit si Kenneth. Nang mainip, tumayo ako, "Wait lang."
"Saan ka punta?"
"May kukunin lang," naglakad ako patalikod at tumuro sa labas, "Babalik ako agad." Tumango lang sila at bumalik na sa pagku-kwentuhan.
Pagkalabas, tinignan ko ulit ang selpon. Hindi na siya nag-text. Baka naligaw na 'yon! Maging kasalanan ko pa kapag hindi siya naka-uwi sa kanila.
TO: Kenneth Soriano
san ka na?
salubungin kitaFROM: Kenneth Soriano
You don't have to.
I'm here.Napaangat ang tingin ko nang mabasa iyon. Nakita ko siya sa hindi kalayuan na naglalakad. Nilagay niya ang selpon sa bulsa nang magtama ang tingin namin. Akala ko kasama niya si Iverson dahil lagi naman nakasunod sa kaniya 'yun, pero mag-isa lang siya.
Naka-uniform siya at nasa braso ang leather jacket na laging dala kahit sobrang init. Sa isang balikat lang nakasabit ang dark blue backpack.
"Hey," bati niya at ngumiti.
Ngumiti rin ako at kumaway. Inabot niya ang ID ko nang makalapit sa'kin. "Thank you," kinuha ko 'yon at tinignan bago binalik ang tingin sa kaniya, "Dapat ako na lang pumunta sayo."
Umiling siya, "It's all good, Mai. You were eating, right?"
Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo bago dahan-dahang tumango. Tama ba ako ng narinig? "Anong tawag mo sa'kin?"
"Mai?"
Kumunot ang noo ko, "Saan mo nalaman 'yan?" Mga kaibigan at classmates ko lang ang natawag sa'kin n'on. I'm surprised na alam niya ang nickname kong 'yun. Madalas kasi 'Mayu' ang tawag sa'kin ng ibang tao.
Nagkibit balikat siya, "That's what you preferred to be called, right? Mai?"
I nodded slowly, kinakabahan pa rin sa hindi ko alam na dahilan. Mahina siyang tumawa, pinasok ang isang kamay sa bulsa.
"I remember hearing it a lot back in high school."
"Ha?" Naguguluhang sabi ko.
"We met before. You don't remember?" Natatawang tanong niya.
Kumunot ulit ang noo ko, sinusubukang intindihin ang sinasabi niya. Mas lalo siyang natawa sa hitsura ko. Tumungo pa ng kaunti para ata itago. Siraulo 'to, ah, tinatawanan ako.
Ilang segundo pa ang lumipas bago ko naintindihan ang sinasabi niya. Lumaki ang mga mata ko at tinignan siya na parang gulat na gulat. Nakangiti siya at para bang hinihintay ang sasabihin ko. Bumuka ang bibig ko pero walang salita na lumabas, kaya tinuro ko na lang siya gamit ang isang kamay.
He chuckled, "What? You remember now?"
"You remember that?"
"Well, it was kind of unforgettable," tumatawa pa rin siya!
Umiwas ako ng tingin at kinagat ang labi, nahihiya sa naalala ko. Bakit naman kailangan niya pang maalala 'yon?! Sa lahat ng nagawa ko nung high school, bakit 'yun ang binanggit niya?
"Mai!"
Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa likod ko. Kakatapos lang ng meeting namin sa photo journalism club at pabalik na ako sa classroom para kuhanin ang iniwan kong mga gamit. Marami rin mga estudyante ang nasa hallway dahil uwian na.
"Dito kami, hindi ka sasabay?" Tanong ng club president namin.
Umiling ako, "Kasabay ko po sila Kia," nakangiting sabi ko at nagsimulang maglakad ng patalikod.
"Don't forget to send me the pictures later, okay?" Pagpapaalala niya.
"Opo," kumaway ako, "Ingat po kayo."
Bago pa ako tuluyang maka-ayos ng paglalakad ay naramdaman kong may nabangga ako sa likod. Mabilis akong humarap doon nang makarinig ng malakas na pagbagsak ng mga gamit.
"Uy, pre," gulat na sabi ng isang lalaki, pero natatawa siya ng konti.
Nanlaki ang mata ng makita ang isang lalaki pa na nakaluhod sa lapag. Maraming mga papel ang nakakalat, dahil siguro ay nabitawan niya. "Hala, I'm so sorry," natatarantang sabi ko. Nagmadali akong pinulot ang mga gamit niya.
"It's okay," rinig kong sabi nung nabangga ko. Nailang ako ng konti nang mapansing si Kenneth pala 'yung nabunggo ko.
Mas lalo akong nag-panic ng mapansing ang dami ng nakatingin na estudyante sa'min at nahihirapang dumaan dahil sa mga nakakalat na papel. Naglakad ako para kuhanin ang calculator na nahulog niya rin pero hindi ko napansin ang lapis sa lapag kaya naman natapakan ko 'yon at nadulas.
"Uy, gagi," nagmadaling pumunta sa'kin 'yung isang lalaki, si Iverson. "Okay ka lang?" Inilahad niya ang isang kamay para tulungan akong makatayo. Buti na lang naalalay ko ang kamay ko kaya hindi masyadong masakit ang katawan ko. Pero masakit ang kamay.
"Pwede bang kalimutan na lang natin 'yon?" Nahihiyang sabi ko.
"Why? I think it's a great first encounter," nagkibit balikat siya.
Mabilis akong umilling, "Nakakahiya kaya! Great ka d'yan."
Sumimangot ako ng tumawa siya ulit. Kanina pa ako pinagtatawanan nito, ha! Magsasalita sana ako ulit nang biglang dumating si Pio. Napatigil siya nang mapansin kung sino ang kausap ko.
"Ken, pre, ikaw pala," bati nito. Magkakilala sila dahil athlete rin si Pio nung high school kami, sa swimming team naman siya, pero tumigil nung nagkolehiyo.
Kenneth nodded to him at silang dalawa naman ang nag-usap. Hindi ko 'yon masyadong naintindihan dahil natuon lang kay Kenneth ang atensyon ko. Ito kasi ang unang bes na nagkausap kami ng maayos. Hindi pa rin ako makapaniwalang kilala niya ako sa pangalan.
I used to only admire him from afar. Since kasali ako sa photo journ, madalas akong present sa bawat laro nila para i-cover 'yon. Madalas kasing maganda ang mga kuha ko kapag laro nila, lalo na kapag siya ang kukuhanan. Nasasakto ko kapag napapatingin siya sa gawi ng camera. Kaya tuwang tuwa ang president namin sa'kin noon.
"Kumain ka na ba, pre? Sabay ka na sa'min."
Nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong ni Pio. Tinignan ko si Kenneth at alanganing hinintay ang sagot niya.
Nakangiti siyang umiling, "Thanks, but my friends are waiting for me." I pressed my lips together, medyo dissapointed sa sagot niya.
"Ay gan'on ba?" Tumingin sa'kin saglit si Pio bago ngitian si Kenneth, "Sige, bro. Balik na kami sa loob, magagalit na si Kia."
"Yeah, sure, I'll get going as well. Binalik ko lang 'yung ID." Napa-ayos ako ng tayo nang harapin ako ni Kenneth at ngitian, "I'll see you around, I guess, Mai?"
Ngumiti rin ako at mabilis na tumango. Masyado atang mabilis kaya napansin ni Pio. Nakangiti siya na parang tanga nung naglakad na paalis si Kenneth.
"Ano?" Nakasimangot kong tanong. Hindi ko na siya hinintay magsalita at naglakad na pabalik sa loob ng karinderya.
"Crush mo, 'no?"
"Sira."
Tumawa siya, "Sabi na e'. Noon ka pa gan'yan." Inakbayan niya ako habang tumatawa pa rin, "Gusto mo reto kita?"
Inis kong tinapik ang kamay niya, "Shut up." Nagmadali akong maglakad para iwan siya doon na natawa.
***
BINABASA MO ANG
Sa Paglayag
General FictionFor years, Mayumi Sanchez has always had her eyes on one specific guy. But she has always thought that she doesn't have a chance. Because he was out of her league. He was close-to-perfect, some might even argue. So, she stayed behind, admiring him f...