SA PAGLAYAG // CHAPTER 6 - KAILANGAN
"Hoy, Mai, umamin ka nga."
Napatigil ako sa pagkain ng pares at tinignan si Beau. Nakabuka pa ang bibig ko at nasa harap na ang kutsara.
"Ano 'tong kumakalat sa tourism na may something sa inyo ni Kenneth Soriano?"
Nanlaki ang mata ko bago kumunot ang noo, "Kumakalat sa tourism?"
"Nako, alam mo naman," umirap si Kia, "Sikat 'yang si Kenneth sa mga tourism student."
"Pati sa'min," tinaas ni Pio ang kamay niya.
"Ang daming nagre-react doon sa IG story ni Kenneth nung nakaraan," pagpapaliwanag ni Nico. Pinagpatuloy ko na ang pagkain habang nakikinig sa kaniya. "They're assuming na jowabells daw ni Kenneth."
"Anong IG story?" kumunot ang noo. Wala naman akong maalala na kakaibang IG story niya.
"'Yung video na nasa practice siya," tinignan ko si Beau habang patuloy sa pagkain, "Pinapakita niya 'yung ibang mga players tapos sa dulo zinoom sayo."
"Ahh, 'yon," tumango ako. Kuha niya 'yon last week. Ano naman kung pinakita ako? Tsaka sa pagkakatanda ko, hindi masyadong kita ang mukha ko roon. "Paano naman nasabing ako?"
Sumimangot si Nico, "Duhh, madalas kaya kayong magkasama. Hindi mo pa nga kami sinipot nung isang bes kasi inaya ka niya kumain."
Tumawa ako at umiling. Totoo 'yon. Nag-aya silang kumain ng lunch dahil saktong sabay sabay kami na walang klase pero nauna na si Kenneth sa pag-aya sa'kin.
Totoo rin na madalas kami magkasama. Pero hindi naman araw-araw dahil minsan hindi ako nakakapunta ng practice nila. Sanay na akong nakikita siya, pero 'yung puso ko hindi pa rin.
Pero ngayon week, hindi pa kami nagkakasama ng matagal. Start na kasi ng basketball season next week, kaya mas busy sa practice. Speaking of practice, dapat pala ay nandoon ako bukas dahil may practice game sila kalaban ang isang university.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na pinansin ang mga sinasabi ng mga kaibigan ko. Wala rin naman akong isasagot sa kanila dahil naku-kwento ko naman. Minsan nga mas kinikilig pa sila Pio kaysa sa'kin.
"Rivals sila, ate, 'di ba?"
Tumango ako, "Friendly rivals, close silang lahat," bulong ko.
Practice game ng basketball team namin kalaban ang rival school. Hindi naman sa pagmamayabang, pero madalas na etong dalawang team ang naglalaban sa championship. Kaya importante ang practice na 'to, lalo na sa aming dalawa ni Alice dahil kailangan namin ma-document ng maayos 'to.
Puti ang suot ng mga players namin at itim naman ang sa kalaban na team. Nakapwesto na ang mga starting line-up kaya naghiwalay na kami ni Alice. May isa pa kaming kasama, si Rhys, para dagdag mata. Parehong freshmen sina Alice at Rhys pero malaki ang tiwala ko sa kanila.
Kinukuhanan ko ng litrato ang mga players na nasa court kahit hindi pa nagsisimula. Ang iba pa sa kanila ay nag-pose nang mapansin ang camera.
Napangiti ako nang si Kenneth naman ang tumingin. Tinagilid niya ang ulo niya pero hindi ngumiti. Ang cute, nakakainis.
Napatigil ako sa pagkuha nang marinig ang pito at tumaas ang bola. Nakuha 'yon ni kuya Nicks, captain ng team namin. Agad na tumakbo ang mga players sa kabilang side ng court.
Pinasa ang bola kay Kenneth pero may mahigpit na nakabantay sa kaniya kaya pinasa niya 'yon sa iba. Nagawang matira 'yon pero hindi pumasok sa ring kaya naman agad na tumakbo ang ibang players para sa rebound. Kenneth got the rebound at nagawang maipasok ang bola.
BINABASA MO ANG
Sa Paglayag
Ficción GeneralFor years, Mayumi Sanchez has always had her eyes on one specific guy. But she has always thought that she doesn't have a chance. Because he was out of her league. He was close-to-perfect, some might even argue. So, she stayed behind, admiring him f...