Chapter 3 | Simula

16 2 35
                                    

SA PAGLAYAG // CHAPTER 3 - SIMULA

"What?"

Hindi ko nabilang kung ilang beses kong pinikit ang mga mata ko. Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil sa mga narinig pero hindi ako makagalaw! What did he say?!

Tumawa siya ng mahina, "I'm asking you out, Mayumi."

"Ha?!" Napalakas ata ang boses ko dahil lahat ng tao sa gym ay tumingin sa'min. Nasa tabi ko si Alice at parang pati siya nagulat dahil naka-awang ang bibig niya. "U-Uh... I, uhm..."

Get it together, Mayumi! Nakakahiya! Gusto kong sampalin ang sarili ko para bumalik sa katinuan, pero masyadong nakakagulat ang mga sinabi ni Kenneth!

Nakangiti lang siya habang nakatingin sa'kin, halatang nagpipigil ng tawa. "Well?" he raised a brow.

"Okay," I breathed out. Para akong mauubusan ng hininga. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog! Kenneth naman kasi! "Sure, sure... that's cool."

"Is it?" nakangising sabi niya.

Mabilis akong tumango, pinipigilan ang ngiti. Hindi na ako nagsalita dahil nahihirapan ako! Ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin, Kenneth Reid!

"Cool," tumango siya. "See you tomorrow."

"Okay," bulong ko at nahihiyang kumaway. Tumalikod na ako at dahan-dahang naglakad palabas ng gym.

"Ikaw ate, ha," tumabi sa'kin si Alice at tinulak ako ng mahina gamit ang balakang. "May something pala sa inyo ni Kenneth Soriano, ngayon ko lang nalaman."

Mahina akong natawa, "Ngayon lang kasi nangyari."

"Weh?" Pagdududa niya.

Umiling na lang ako at hindi siya sinagot. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Magkaka-sakit ako sa puso dahil kay Kenneth, e'! Masama siya sa kalusugan, delikado baka atakihin ako bigla.

[Seryoso ka ba?]

Sumimangot ako, "Oo nga!" Kinuwento ko kay Kia ang nangyaring pag-aya sa'kin ni Kenneth kanina. At paulit-ulit niyang tinatanong kung seryoso ba raw ako! Mukha ba akong magbibiro tungkol doon?

[Oh my god, ang ganda mo!]

Natawa ako at umiling. Nilagay ko ang selpon ang stand para hindi ako mangalay. Tinapos ko muna ang mga kailangan kong gawin bago siya tawagan, dahil sigurado akong matatagalan kami sa pag-uusap.

[Ano pang sabi niya?]

"'Yun lang, 'see you' raw."

[Wala na? Nag-message na ba sa'yo?] Umiling ako. [Kahit sa IG?] Umiling ulit ako. Kanina ko pa nga hinihintay na kontakin niya ako. Syempre hindi ako ang unang magme-message, 'no! [Ano ba 'yan, Kenneth, ang bagal naman.]

"Hayaan mo na," sabi ko, "Magkikita naman kami bukas."

[Gustong gusto mo naman.] Pang-aasar niya habang may nakakalokong ngiti sa bibig. [Deny ka pa, ah!]

Madaling araw na kami natapos mag-usap. Pero kahit sobrang late na, hindi pa rin ako makatulog. Ayaw akong dapuan ng antok at paulit-ulit kong naaalala lahat ng mga sinabi ni Kenneth.

Hindi ko alam kung gaanong katagal ako nagpaikot-ikot sa kama bago tuluyang nakatulog. Tumayo ako agad nung tumunog ang alarm ko at naghilamos.

"Good morning po," bati ko sa mga magulang ko na nasa lamesa at nakain ng almusal. Nakasuot na sila ng work outfit nila, minus the lab coats. Tumango si Dad sa'kin at tipid na nginitian ni Mom.

My parents... well, mapagbigay sila. Lahat ng kailangan ko binibigay nila. Pati na rin ang ilan sa mga gusto ko. Pero sa isang kondisyon, ang sundin at respetuhin sila.

Sa PaglayagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon