SA PAGLAYAG // CHAPTER 7 - PINAPANGARAP
"Para kay Kenneth na naman?"
Nakangiti akong tumango kay Kia. Nagpasama ako sa kaniya para bumili ng energy drink na balak kong ibigay kay Kenneth. May practice game ulit sila mamaya, tsaka na-miss ko ang mga bagay na ginagawa ko para sa kaniya nung high school.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya sa 'kin nung nakaraan. Ako? Gusto niya? Gusto ni Kenneth? Para akong nananaginip. Hindi ako makapaniwala, ang hirap paniwalaan. Ano kaya ang nakita no'n sa 'kin? Gosh.
"Hindi ba marami na ang nagbibigay sa kaniya nga mga gan'yan?" Nakakunot ang noo niya at nakatingin sa 'kin na parang hinuhusgahan ako.
Ngumiti ako ng maliit, "Gusto ko pa rin siya bigyan."
Minsan nakakalimutan ko na marami nga pala ang humahanga kay Kenneth. Marami ang sumusuporta sa kaniya, lalo na sa basketball. Sa pagkaka-alam ko rin ay marami siyang sponsors at brand deals.
Bata pa siya pero gumagawa na nang pangalan para sa sarili niya. Isa 'yon sa mga bagay na kinakahangaan ko sa kaniya.
Magagawa ko rin kaya 'yon? Magagawa ko rin kayang gumawa ng pangalan para sa sarili ko? Magagawa ko rin kayang gawin ang mga bagay na gusto ko? Nang hindi kinakailangan ng pahintulot ng mga magulang ko?
Umiling ako para alisin ang mga bagay na 'yon sa utak ko. Ayoko munang isipin kung anong mangyayari sa hinaharap. Ang importante ay 'yung ngayon.
Ayokong makulong sa pag-iisip kung ano ang mangyayari sa'kin sa mga susunod na araw. Kasi kapag nangyari 'yon, makakaligtaan ko ang kasalukuyan. Sabi nga nila, live life one day at a time. Para wala kang pagsisihan.
Dalawang energy drink ang kinuha ko at binayaran na 'yon. Nagpalibre pa si Kia ng isang chocolate drink.
"Dito na 'ko," tumuro siya sa kabilang direksyon nang makapasok kami ulit ng campus, "Baka ma-late pa ako. Good luck sa'yo."
"Bye, thank you!"
Kinuha ko muna ang camera na gagamitin sa org building namin at hinanap si Alice, pero na-una na raw siya dahil maagang dumating 'yung mga players ng kabilang university.
Agad akong nagtungo kung saan sila maglalaro. Dapat talaga ay kami ang pupunta sa kabilang campus, pero last minute na nagbago ang desisyon ng mga coach.
Mabilis akong naglakad papuntang gymnasium, pero bumagal nang makita si Kenneth sa labas na may kausap na babae. Medyo maliit 'yung babae at maikli ang buhok. Familiar ang uniform niya pero hindi ko alam kung anong department 'yon.
Tumigil ako sa paglalakad para bigyan pa sila ng oras. Hindi ko sila naririnig pero may inabot ang babae na blue box kay Kenneth habang nakatingin ng diretso sa kaniya.
Kinuha 'yon ni Kenneth at ngumiti ng maliit. Nagpasalamat ata siya bago tumuro sa likod niya. Dahan dahang tumango ang babae at umalis.
Naghintay muna ako ng halos tatlong minuto bago sumunod kay Kenneth papasok ng gym. Pagpasok ko roon ay kaniya-kaniya na ng warm-up ang mga players. Ang iba ay nakapila para mag-shoot at ang iba ay nakaupo sa lapag para sa steching nila.
Lumapit ako kay Alice nang makita siya na inaayos ang camera sa bleachers. Naka-braid ang mahaba niyang buhok ngayon, mas naging cute tuloy siya tignan. Nagulat pa siya nang bigla kong ilapag ang mga gamit ko sa tabi niya.
"Hi, ate!" Nakangiting bati niya.
Nginitian ko rin siya at nag-usap kami tungkol sa balak naming gawin ngayong araw. Gusto sana naman mag-interview ng ilang mga players, from both teams. Hindi ko alam kung magagawa ba namin, bahala na.
BINABASA MO ANG
Sa Paglayag
General FictionFor years, Mayumi Sanchez has always had her eyes on one specific guy. But she has always thought that she doesn't have a chance. Because he was out of her league. He was close-to-perfect, some might even argue. So, she stayed behind, admiring him f...