SA PAGLAYAG // PRELUDE
[Bakit ba, Mayumi?]
Natawa ako nang marinig ang naiinis na boses ni Kia sa telepono. Kanina ko pa siya tinatawagan dahil hindi siya nagre-reply sa mga text ko.
"Nasaan ka nga?" Tumatawang sabi ko.
[Busy ako,] I swear, I can see her roll her eyes. [Ano bang trip mo? Wala ka pang klase?]
"Kakatapos lang," inayos ko ang pagkakasuot ng bag at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil ayaw naman sabihin ni Kia kung nasaan siya. "Ang boring nung klase, samahan mo ko sa mall."
[Hay nako, Mayumi Sanchez, may ginagawa ako ngayon.]
"Ano? Tulungan kita, Kinaiya."
[Ulol,] natawa ako sa reaksyon niya sa pagtawag ko ng pangalan niya. [Huwag na.]
"Saan ka nga?"
[Library,] she said, finally. [Kasama ko mga groupmates ko, ha.]
I nodded, like she could see me. "Noted, ma'am."
Binaba ko ang tawag at naglakad papuntang library. Buti na lang malapit lang sa building namin 'yon kaya mabilis akong nakarating. Hindi masyadong marami ang tao dahil class hours pa rin naman. Maaga lang kami na-dismiss at walang klase sila Kia.
Agad kong nilibot ang tingin para mahanap si Kia at ang mga ka-grupo niya.
"Buhawi," rinig ko mula sa kanang bahagi ng library. Sumimangot ako nang mapagtantong tinawag ako ni Kia sa second name ko.
"Bastos ka," I pulled the empty chair on her right at umupo roon. Nilagay ko sa lapag ang bag ko at tinignan ang mga kasama ni Kia. Apat sila in total, at lahat sila familiar sa'kin. "Hello," bati ko sa kanila.
"Hi," nakangiting bati ni Chey. Nasa left side siya ni Kia. Mistisa siya at may suot na salamin, nakaipit ang buhok.
"Mayumi, right?" I nodded sa sinabi nung morenong lalaki na nasa harap ni Kia. "Nursing?"
"Oo," nalilitong sagot ko.
"Nabanggit ni Kia," he smiled, "Iverson. Nice to meet you," tumingin siya sa isa pang lalaki na katabi niya at tinuro 'yon, "This is Kenneth."
"Hey," the mistiso guy nodded and smiled.
Kilala ko naman sila. Kasali silang dalawa sa basketball team ng school namin. Pangalan lang nila ang lagi kong naririnig sa mga blockmates ko kapag basketball season. Magaling kasi silang dalawa, tapos pogi pa.
"Para namang ngayon lang kayo nagkita," Kia said, making me chuckle.
"Huh?" Nakakatawa 'yung mukha ni Iverson, pero syempre hindi ko siya tinawanan.
"Same tayong apat ng pinasukang high school, ano ka ba?" Tumatawang sabi ni Kia.
Kilala ko rin sila dahil simula high school, sikat na sila. Nagulat pa ako nung nalaman kong dito rin sila pumasok sa ng kolehiyo. Akala ko pa naman hindi ko na sila makikita at hindi ko na maririnig ang mga fangirls nila.
"Out of place ako, guys," nilagay ni Chey ang dalawang kamay sa dibdib at umaktong nasasaktan. Naka-pout pa siya.
We laughed before they continued their work. Nilabas ko na lang ang selpon ko dahil wala akong magawa. I eventually got bored and started listening to their conversation. Hindi ko masyadong naiintindihan dahil gumagamit sila ng business jargons.
"Maybe 'wag niyo na lang i-divide sa genders?" I unconsiouly said.
"You think so, too?" I blink ng marinig si Kenneth. Napa-ayos ako ng upo nang mapagtanto ang nasabi ko. Nahiya ako ng kaunti at tumingin ng alanganin kay Kia, pero tinawanan niya lang ako.
"Uh..." alanganin akong tumingin kay Kenneth, "Sa tingin ko lang kasi hindi naman importante ang gender sa business decision."
Iverson and Chey nodded. "Let's remove it, then," sabi ni Kenneth.
Kia looked at me and wiggled her eyebrows. Binelatan ko lang siya at bumalik sa pakikinig sa kanila. Sinigurado kong hindi na ulit ako magsasalita kasi medyo nakakahiya talaga. Hindi naman nila ako kilala at wala rin akong alam sa businesss business na 'yan.
Tumigil lang ako sa pakikinig sa kanila nung mag-text si Nicolette, isa sa mga kaibigan namin ni Kia.
FROM: Nico
Saan ka gurl?TO: Nico
lib
kasama ko si kiaFROM: Nico
Kain tayo pares biliTO: Nico
kk wait lang"That settles most of it, right?" Mahinahong sabi ni Kenneth. Ang gentle ng boses niya, hindi bagay sa aura niya dahil mahilig siya sa leather jacket at dalawa ang hikaw sa isang tenga.
"Yup," tinaas ni Iverson ang dalawang kamay at nag-unat, habang inaayos nina Kia at Chey ang mga bag nila.
Tinext ko si Nico na papunta na kami bago pinasok sa bag ang cellphone. "Kain daw tayo, sabi ni Colette," lumingon ako kay Kia pagsara ng zipper ng bag at isinuot na.
Tumango siya at tumayo, "Saan?"
"Pares," I simply said.
"Una na kami, kayo?"
Tumingin si Kenneth sa relo niya, "I'll stay a bit longer. May titignan lang ako."
"Hintayin ko na 'to," nakangiting sabi ni Iverson. "Una na kayo. Ingat."
Nagpaalam na kami at sabay lumabas kasama si Chey. Pero sa ibang direksyon siya pumunta pagkalabas ng library.
"Hoy," Kia smirked.
Kumunot ang noo ko, "Ano?"
She wiggled her eyebrows, parang tangang nakangiti. "Pogi ni Kenneth, 'no?"
"Oo?" Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Alam naman naming pareho na pogi talaga 'yon. Kahit nung high school. Wala ata silang ugly phase ni Iverson. 'Yung mga jejemon pictures nila noon, pogi pa rin.
"Type mo?"
"Ano?"
"Tinitignan mo kanina, e'," nagkibit balikat siya, "Baka lang. Gusto mo lakad kita?"
Tumawa ako, "Sira."
Pagdating namin sa favorite naming kainan ng pares ay nandoon na ang tatlo pa naming mga kaibigan. Si Nicolette at Beau na tourism students, at si Pio na polsci.
"'Yun, sa wakas! Gutom na ko!" Beau clapped his hands once.
Nakapag-order na sila at hinihintay na lang kaming dumating para magsimulang kumain. Nakikinig lang ako sa mga kwento nila habang nakain. As much as possible, iniiwasan kong magsalita habang nakain.
"Tanga ka kasi," pang-aasar ni Kia kay Pio, "Dapat sinunod mo 'yung sinabi ko."
"Mas lalong hindi effective 'yun," pakikipagtalo pa ni Beau.
Naalis ang atensyon ko sa kanila nung tumunog ang selpon ko mula sa bag na nasa lapag ulit. Kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang nag-message.
FROM: Unknown
Hey, is this Mayumi Buhawi Sanchez?Kumunot ang noo ko, sinusubukang kilalanin ang number.
TO: Unknown
yes sino to? san mo nakuha number ko?FROM: Unknown
I have your ID. Napulot ko.Kinapa ko ang bulsa ko at naramdamang wala nga roon ang ID ko. I also checked my bag pero wala rin.
"Bakit, Mai?" Tanong ni Pio.
Umiling ako, "Wala."
TO: Unknown
ay shocks sige wait lang
san ka? ako na lang punta dyanFROM: Unknown
Still in lib pero paalis na.
It's okay, I can go to you. Where are you?I blinked a few times, realizing something.
TO: Unknown
wait who is this?FROM: Unknown
Kenneth Reid Soriano. We met earlier.***

BINABASA MO ANG
Sa Paglayag
Fiction généraleFor years, Mayumi Sanchez has always had her eyes on one specific guy. But she has always thought that she doesn't have a chance. Because he was out of her league. He was close-to-perfect, some might even argue. So, she stayed behind, admiring him f...