Maaaring sa isang pagkakamali ng sino man sa inyong angkan ay ang magdulot ng komplikadong buhay sa mga bagong henerasyon sa hinaharap.
"Haze, ayos ka lang?" namamaos nitong tanong sa akin habang nanghihinang inakay ako palabas ng mala impyernong tahanan.
"Ayos lamang ako, Monna," sagot ko sa kaniya.
"Sa wakas ay dito na nagtatapos ang poot ng ating mga kahapon."
Napatango na lamang ako habang iniinda ang ilang sugat at pasa ko sa iba't ibang parte ng aking katawan. Hindi ko akalaing makakaya niya itong gawin sa likod ng inosente niyang mukha. Looks can decieve the eye of the foolish one.
She deserve everything. Kung kasalanan man ito sa Dyos ay patawarin niya ako kung sa sabihin kong, "deserve ni mama ang mga naganap sa buhay niya."
Ang nakaraan:
Ang kuryosidad sa mga bagay bagay sa aking paligid ang naghatid sa akin sa nakagigimbal na pangyayari. Nais ko lang naman na malaman kung anong nangyari sa aking ina makalipas ang limang taon naming hindi pagsasama.
Ang katahuan ni ina ay malayong-malayo sa antas ng kaniyang personalidad limang taon na ang nakalilipas. Ang ma la anghel na mukha nito'y napalitan ng nakatatakot na mga ngiti. Ang kinikilos niya'y hindi kayang gawin ng normal na tao. Wala na sa katinuang ang aking makalipas ang limang taon.
Lumaki ako sa puder ng aking mga tiya't tiyohin. Salat kami sa pera ngunit sagana kami sa pagkain dahil sa malapad na palayan ng aming loka. Maayos ang aking pamumuhay sa aming bukid. Malayo sa magulong siyudad at marahas na mga estranghero.
Mga aswang at babaylan ang madalas kong pagtuonan ng pansin. Mga misteryo sa likod ng pagkawala ng mga batang naligaw sa pusod ng kagubatan ang kadalasan kong inuungkat. Ang mga dayuhang bigla na lamang na naglalaho kasama ng mga nawawalang kalalakihan.
"Azeng!" sigaw ni Tiya Lourdes.
"Oy! Aba'y na r'yan na ako tiya!"
Nagmamadaling tumakbo ako sa aming tahanan. Mga ilang milya lamang ang layo ng aming tinutuluyan kung kaya't mabilis ko lamang itong narating.
"O, tiya! Bakit naman ho'y nagsisisigaw ka?" tanong ko at isinabit ang aking abanikong sumbrero sa likuran ng pinto.
May hawak siyang sobre. Mukhang may liham mula kay mama.
"Ano rraw ho ang sa iba ni ina?"
Walang buhay nitong ibinaba ang puting papel. May mga luhang nangilid sa kaniyang mga mata na labis kong ipinagtaka.
"Anong problema, Tiya Lourdes?" tanong ko sa kaniya at hinaplos ang braaso nito.
Napatakip ako sa aking ilong ng maamoyang masang-sang na amoy na nagmumula sa liham na kaniyang iniabot sa akin. Natutuyo na ang dugo sa liham na iyong at nakasisihuro akong dugo ang pinanggamit na tinta sa liham na ito.
"Wala na ang iyong, lola," nanlulumo nitong saad.
Napatigil ako sa pagbabasa. Hindi ko nagawang tapusin ang liham dahil sa katagang binitawan ni tiya. Mabilis akong nagtungo sa lumang bahay ni lola sa silangang bahagi ng bansa.
Ang sabi ni tiya'y nag-iisa lamang sa buhay si lola. Si mama ay matagal na rin silang walang balita kung na saan na ito na pa roon.
Nakarating ako sa isang liblib na lugar kung saan nakatayo ang isang nakatatakot na mansyon. Ang sira ntiong tarangkahan ay nagdudulot ng kakaibang tunog sa tahimik na kagubatang ito. Hindi naman ako nakararamdam ng takot sapagkat sana'y na ako sa ganitong tanawin.
Walang pag-aatubili kong itinulak ang malaking pintong gawa sa kahoy. Napakadilim sa lugar na ito. Puno ng alikabok ang paligid. Paano nakayanan ni lola na mamuhay sa ganitong lugar? At isa pa'y na saan ang kaniyang angkay?
Sa pagsisiyasat ay naka-agaw sa aking pansin ang isang subre na kapareho ng ipinadalang liham sa amin ni tiya. Dinampot ko iyon at napabahing sa maalikabok na piraso ng papel. Nangangamoy na rin ito. Katumbas ng nabubulok na katawan ng isang patay na hayop ang amoy nito.
Gusto kong masuka sa amoy na nanunuot sa aking ilong. Patuloy lang ako sa pag-kalkal sa loob ng sobre. Tila walang katapusan ang pagtanggal ko ng mga maliliit naa piraso sa loob ni'yon.
Hanggang sa makapa ko ang isang matigas na bagay. Inilabas ko ang aking kamay sa sobre. Puno ng natutuyong dugo ang kuwintas na aking hawak. Binuksan ko ito at natagpuan ang isang litrtao na may dalawang hindi mawaring imahe ang na sa loob noon.
Ibinulsa ko iyon at akmang lalabas na ng lumang bahay ni lola nang may dalawang kapirasong papel ang lumpiad sa aking harapan.
Lumaki man ako sabukid ay hindi naman ako nagkulang sa kaalaman at pagbabasa. Pinulot ko ang papel na dumapo sa aking sapatos. Bigla akong napaigtadd ng may itim na kamay ang tila pumigil sa akin. Nilakas ko ang aking loob at mabilis na pinulot ang dalawang papel.
"Don't lie, I crossed your mind a hundred times," bigkas ko sa nakasulat sa papel.
Natigilan ako at napalingon sa paligid dahil tila'y may sumasabay sa akin sa pagbabasa. Nang masigurong walang tao ay binasa ko ang pangalawang papel.
"Find the real me, find the real enemy."
Nagsitaasan ang aking balahibo dahil sa pangalawang pagkakataon ay may sumabay sa akin sa pagbabasa. Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin mula sa kung saan. Hindi ko alam ngunit tila may bumubulong sa aking tainga at may humahalkhak sa aking isipan.
Sa ganitong pagkakataon ay kailangan kong manalangin. Binigkas ko ang panalangin na Hail Marry ngunit may sumasabay sa akin habang binibigkas ko ito. Sinabayan pa ito ng isang halakhak kung kaya't nawala ako sa aking konsentrasyon.Nang imulat ko ang aking mata ay may nakalolokong mukha ng isang babae ang sumalubong sa akin. Nanlamig ako sa sobrang takot. Ang maikli nitong buhok at duguang mukha ay labis na nakatitindg ng balahibo.
Ang nakakikilabot nitong ngiti sa mga labi ay tila nakapapawi na ng buhay.
BINABASA MO ANG
My Internet Friend Monna
Mystery / ThrillerMy mother sold her soul to a demon to make revenge on my father. Little did she know she was tricked by the demon. My internet friend Monna help me to find the truth. But the real story behind me and my friend Monna was kinda suspicious.