Chapter 5

17 6 4
                                    

Bumabaliktad ang aking sikmura daahil sa hindi ko mailarawang amoy. Higit pa ang amoy nito sa nabubulok na hayop at malansang isda.

"Hindi ko alam kung paano ka niya natagpuan. But, luckily someone save your ass last night."

Nilingon ko si Monna. Kung pwede ko lang ihampas muli ang laptop ay ginawa ko na. Gusto kong sampalin ang sarili ko upang magising sa bangungot na ito.

"Ano nga bang pangalan noon? I can't remember it, but, she saved you," dagdag niya pa.

Hindi ko na lang ito pinansin. Natigilan ako sa pagpupunas ng binatana ng maalala ko si Roxanne. Naka-uwi kaya siya kahapon?

"What are you thinking?"

"Wala," sagot ko at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa aking bintana. Ayaw kong isipin na dugo ito dahil paano naman magkakaroon ng dugo sa loob ng kwarto ko?

"Try to call your friend, Haze. I think you're too worried for her," usal nito.

"Wala akong kaibigan."

"So, hindi mo kaibigan iyong babaeng pumupunta sa condo mo?"

Mabilis na pinaling ko ang ulo ko sa kaniya. "Anong ginagawa mo sa kaniya?"

Pinaningkitan ako nito ng mata. "Haze! Haze! Haze! The right question is.." Binitin nito ang sa sabihin niya sa akin at humalukipkip na nakangiti.

"What did he do to her?" Pinagdiinan pa nito ang salitang he.

Kinabahan ako. Napatingin ako sa pulang likido na dumadaloy sa kabilang bintana ko. Napalunok ako at si pagtayuan ang aking balahibo. Hindi ito dugo ni Roxanne. Pinipilit kong patatatagin ang nangangatog kong tuhod.

"Where are you going?" sita nito.

"Hahanapin ko si Roxanne!"

"As if you can find her soul!"

"Anong sabi mo?!"

"Find the culprit."

"Monna." Puno ng pagbabanta kong saad.

"I'm not scared at you Haze. Galing na akong impyerno kaya kahit iyang nakamamatay mong tono ay hindi na ako kinikilabutan," sagot niya.

"Clean this mess so you'll knew the answer," turan nito at namatay ang screen.

Tumalikod ako sa laptop at sinubukang buksan ang pinto. Ngunit hindi ko ito mabuksan. Nilingon ko si Monna ngunit naka-off na ang screen.

Nagpapadyak na nagpatuloy ako sa paglilinis. Parang wala akong choice kung hindi manatili at na maglinis. Natapos ako sa pagpupunas ng bintana at naayos ko na rin ang mga nagkalat sa sahig. Napa-upo ako sa sahig ng may pamilyar na daliri ang nahulog sa sahig. Nahintakutan ako ng husto.

Hindi ako pwedeng magkamali. Daliri ito ni tiya Lourdes. Sumigaw ako sa takot at galit.

"Tss. Tsss. Nahanap mo na ba ang sagot sa katanungan mo?"

Biglang lumitaw si Monna sa harapan ko. Naka-on ang laptop at ang hinlalaki ni tiya Lourdes ay naka-angat sa hangin.

"She saved you last night. But she wasn't save herself. Lahat ng na sa paligid mo'y ibinenta na ang kanilang kaluluwa. I can't imagine that a daughter of a demon will also sold her soul to revenge to his own father."

Wala akong ibang nagawa kung hindi ay makipagtitigan sa monitor ng laptop ko. Nagtungo ako rito para iresolba ang lahat hindi para maguluhan. Wala akong magagawa kung hindi sundin si Monna. Pero paano kung siya ang pumatay kay Tiya?

"Tigilan mo ang pag-iisp ng kung ano-anu. Ang isipin mo ay paano mo haharapin ang tunay mong kaaway."

"His here. Bye for now, Haze!"

Bigla na lamang nawala si Monna sa monitor. Nagpatay sindi ang ilaw at hindi ko alam ang gagawin ko. Nahulog sa sahig ang daliri ni tiya. Nanginig ako dahil sa sobrang takot. Bakit nga ba ito nangyayaring lahat?

Gusto kong magsisigaw at tumakbo palayo sa lugar na ito. Pero paano? Paano si mama? Gustong-gusto ko siyang makasama! Paano ang katotohanan sa pagkamatay ni lola?

Napasabunot ako sa aking buhok habang inuusog ang aking sarili palayo sa hinlalaki ni tiya. Pakiramdam ko ay bigla na lamang itong gagalaw at pupunta sa akin.

Sa kaisipang iyon ay napasigaw ako. Paano na nga lang talaga kung gumalaw ito?

"Tiya," bulong ko at nagsign of the cross.

Sana'y mapayapa na ang kaluluwa niya.

Natigilan ako sa pagdadasal nang may kung anong nakakapit sa aking nakasikalop na mga daliri. Nang imulat ko ang aking mata ay halos mawalan ako ng ulirat. Ang mga putol na daliri ni Tiya ay nakikipagsikalop sa aking kamay.

Napatayo ako sa takot at pilit na binubuksan ang pintuan.

"Ayaw ko pang mamatay!"

"Buksan niyo ang pinto!"

Habang natataranta ako sa pagsigaw ay kusang bumukas ang pinto. Nasubsob ako sa isang malamig at basa na bagay. Nasusuka ako sa amoy nito. Tila lahat ng kalamnan ko ay gusto ng lumabas.

Ang warak na katawan ni tiya Lourdes ay na sa aking mukha ngayon. Nanghihinang umatras ako papasok sa aking kwarto. Nagpatay-sinddi ang ilaw na nagpadagdag sa aking panginginig.

Humihikbing pinadyak ko ang aking paa upang maitulak ang aking pang-upo upang makapasok ng tuluyan sa silid. Malakas kong isinarado ang pinto at humagolgol sa takot.

Totoo ngang wala na si tiya. Sinong susunod? Ako na ba? Naiiyak na lumapit ako sa laptop at pilit itong binubuksan.

"Monna!" tawag ko sa kaniya.

Pilit kong cliniclick ang on button ngunit hindi ito bumubukas.

"Monna! Help me!"

"Ayaw ko pang mamatay!"

Napayukyok ang aking ulo sa lamesa. Ganito pa la ang pakiramdam kapag na sa bingit ka na ng kamatayan?

"Nakatatakot ba talagang mamatay?"

Bigla akong nabuhayan ng madinig ang boses niya. "Mon-anong nangyari sa iyo?"

"Sagutin mo ako, Haze nakatatakot ba talagang mamatay?"

Tumango ako bilang sagot at pinahid ko ang aking pisnge. "Mas nakatatakot mabuhay ng walang katapusan, Haze."

"Monna, ilabas mo na ako rito! Ilayo mo ako rito!"

"Hindi ko magagawa iyon. Ikaw at ikaw lang ang makagagawa n'yan, Haze."

"Hanapin at harapin mo ang misyon mo sa lugar na ito kung gusto mong tuluyang wakasan ang iyong takot."

"Hanapin mo siya, Haze. Patayin mo siya."

My Internet Friend MonnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon