Chapter 9

12 6 7
                                    

Umugong ang hangin na tila'y nangangalit sa aking inasal. Nagsitasan ang aking balahibo sa nakikilabot na presensya ng paparating. Parang mapupugto ang aking hininga dahil sa kawalan ng hangin sa aking katawan.

"Haze! Huwag na huwag kang sasama sa kaniya! Kahit anong mangyari ay huwag kang sasama sa ka-"

"Hindi ka talaga susunod sa lahat ng sasabihin ko, Monna?" ani ng malaking boses.

"Hinding-hindi mo ako ma pa susunod sa lahat ng kagustuhan mo!"

Humalkhak ang lalaki sa inusal ni Monna. "Sa pag-alay mo pa lamang ng iyong kaluluwa sa aki'y mula umpisa ay sinunod mo na ako, Monna."

"Ngunit, bakit ngayon ay nag-iiba na ang takbo ng iyong isip? Hindi ka ba natatakot sa kaya kong gawin sa iyo?"

Humalakhak din si Monna. Mas malakas na halakhak na tila'y nang aasar."

"Anong ikatatakot ko, Hancel? Matagal na akong na kulong sa impyerno! Matagal na akong hindi nabubuhay sa mundong ito," natatawang wika ni Monna. "Ikaw, baka ikaw ang natatakot sa kaya kong gawin, Hancel. Isang sambit lang ng aking bibig sa natatangi mong sikreto'y baka kamuhian ka ng mag-"

"Manahimik ka!"

Mula sa kadilima'y lumitaw ang napaka-gwapong lalaki. Sakal nito si Monna sa kaliwang kamay niya. Nanatili lang na nakangisi si Monna. Tila hindi niya alintana ang pagkasasakal sa kaniya ng lalaki. Humalakhak pa si Monna ng ubod lakas.

"Sa ganiyang anyo mo ba talaga gustong magpakilala sa anak mo? Hindi mo ba gustong tanggapin ka niya bilang," pinutol ni Monna ang kaniyang sasabihin at sumulyap sa aking gawi.

"Bilang ikaw?" nakalolokong ani nito na sinuklian ng ginoo nang isang malakas na sampal.

"Monna!" sigaw ko.

Pinanlakihan ako ng mata ng lalaki. Tumawang muli si Monna. Isaang tawa na nakababaliw.

"Galit ka na ba, Hancel? Takot ka na ba na mas ako ang pakikinggan ni Haze?"

"Tumigil ka na, Monna!" puno nang pagbabantang saad nito aat mabilis na lumapit kay Monna.

"Hinding-hindi ako papayag na gawin mong miserable ang buhay ng kapatid ko! Hinding-hindi!" sigaw ni Monna.

Muling sinakal ng ginoo si Monna. Sumigaw ako upang pigilan ito ngunit hindi ako pinakikinggan ng lalaki. Patuloy lang ito sa pagsakal kay Monna. Ang mumunting daing ni Monna ay maririnig sa bawat sulok ng malawak at madilim na silid na ito.

"Kahit anong gawin mo! Hindi sasama sa iyo si Haze!"

"Tama na!" sigaw ko ng akmang itatarak ng lalaki ang basag na salamin kay Monna.

Sinamaan ako nito nang tingin. Umiigting ang kaniyang panga habang pahigpit nang pahig[it ang pagkahahawak niya sa leeg ni Monna.

"Hindi mo ba nakikilala ang inuutusan mo?"

Natatawang nagsalita si Monna kahit na nahihirapan na ito,"sa tinggin mo ba'y gugustuhin ka niyang kilalanin kapag nalaman niya ang totoo?"

"Bitawan mo si Monna!"

"Huwag mo akong utusan! Walang sino man ang may karapatang utusan ako sa kung ano ang gagawin ko!"

Nawala ito sa harapan ni Monna. Napasinghap ako sa pagkabigla. Na saan na ito? Bakit ganoon na lamang siya kabilis na nawala? Napasalpak si Monna sa mababaw na bahagi ng katubigan.

"Monna, ayos ka lang?" tanong ko at akmang lalabas sa loob ng ataol ng may malakas na bagay ang humampas sa aking dibdib.

"Haze!"

Napahiga ako sa loob ng ataol. Pilit na inihihiga ang aking katawan. Sumigaw ako sa sakit dahil sa pwersahang itinaas ang aking magkabilang kamay sa aking ulunan.

"Hayop ka, Hancel! Bitawan mo si Haze!"

Hindi ko alam kung sinong sinisigawan ni Monna. Wala naman akong nakikitang nakahawak sa akin. Nagpupumiglas ako dahil sa may mabigat na bagay na nakadagan sa akin.

"Bitawan mo siya!" muling sigaw ni Monna.

Hindi ko namalayang na nasa gilid ko na pa la siya. Pilit nitong inilalayo ang hindi ko makitangt nilalang. Tumalsik si Monna papalyo sa akin. Unti-unting tumambad sa aking harapan ang isang nilalang na may pitong sungay.

"Ako ang susundin mo, Haze!" malakas na sigaw nito at pilit na inilalapit ang kaniyang mukha sa akin.

"Lumayo ka sakin! Bitawan mo ako!"

"Bitawan mo siya, Hncel!"

Malakas kong sinipa ito. Nagulat ako ng tumalsik siya sa kung saan. Mabilis akong dinaluhan ni Monna at inilabas sa ataol.

"Kahit anong mangyari huwag kang sasama sa kaniya!" wika nito at naglakad kami papalayo sa ataol.

"Ilalabas kita rito! Kung alam ko lamang na ganito ang kahihinatna ng lahat ay hindi ko na ipinaalam sa iyo ang katotohana," dagdag niya.

Naglakad lang kami nang lakad kahit hindi namin alam kung saan kami tutungo. "Kapag nakalabas na tayo, Haze. Sana'y gumawa ka ng paraan para matuldu-"

"Monna, Monna, Monna," tawag ng isang malakas na boses.

Natigilan si Monna ngunit ilang segundo lamang iyon. Hinila ako nito ng malakas at ang lakad nami'y naging takbo na. Hindi kami tumigil sa pagtakbo kahit tila'y wala namang katapusan ang aming paglalakbay sa madili na espasyong ito.

My Internet Friend MonnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon