Third Person Pov
Labag man sa kalooban ni Arkosios ay wala siyang nagawa kung hindi gamitin ang natatanging kapangyarihan sa kaniyang katawan upang manatiling taga-paglingkod ng kalangitan. Ang kapangyarihang magpapanatili sa kaniyang katauhan bilang kalahating anghel at demonyo.
Kapag naubos ang kabutihang taglay ni Arkosios ay taos puso siyang hinihintay ng kaniyang bagong sasambahin. Ngunit, sa puso at isip niya ay isa lamang ang kaniyang pinaniniwala, isa lamang ang kaniyang sasambahin at paglilingkuran.
Hindi alam ni Arkosios ang magiging kahantungan niya sa oras na pigilan niya ang kamatayan ng batang babae. Kung magkakasala ito sa murang edad ay patatawarin ito ng Dyos. Ngunit, batid ni Arkosios na hindi nararapat na parusahan ang batang ito. Na hindi nito dapat danasin ang kapangahasang ginawa ni Asmodeuos para magkaroon lamang siya ng permanenteng tahanan.
"Arkosios," muling tawag ni Asmodeous sa ngalan niya.
Matatalim na tingin lamang ang isinagot nito sa matalik na kaibigan bago siya nagwika, "Hindi ka ba naaawa sa batang iyan?" ani nito sa malamig na himig.
Pansamantalang pinatigil ni Arkosios ang oras. Natatawang pinitik ni Asmodeous ang kaniyang daliri at naiiling na tinitigaan si Arkosios. "Sa tingin mo ba'y may puwang ang awa sa puso ng isang tulad ko na ipinangak upang lumikha ng tusko sa mga tao?"
Pagkatapos sambitin iyon ni Asmodeous ay muling bumalik sa normal ang ikot ngmundo. Ang oras ay nagpatuloy sa pag-usad. Ang impit na sigaw ng batang babae ay maririnig sa madilim na kagubatan. Tumarak ang pangil ng baboy ramo sa dibdib ng bata.
Nadurog ang puso ni Arkosios sa kaniyang na saksihan. Hindi niya lubos maisip na kaya itong gawin ng matalik niyang kaibigan sa isang inosenteng bata. Namuo ang galit sa puso ni Arkoosios.
"Pagmasdan mo ang batang babae na namatay sa aking kapangyarihan. Ngayon mo sabihin sa aking sa kalangitan ka pa rin maniniwala?" Walang humpay siyang binubulungan ni Asmodeous.
"Sa huling paglilitis ay natatakot ka. Ngunit sa kasalukuyang panaho'y na saan ang taga-paglitis mo? Na saan ang sinasabi mong taga-pagligtas ng lahat, Arkosios?"
Mariing napapikit si Arkosios at itinaas ang kaniyang kamay patungo sa leeg ni Asmodeous.
"Muling ipapanganak ang batang babaeng iyan at sa susunod niyang buhay ay hindi niya dadanasin ang mapait niyang kapalaran dahil sa iyong mga kamay," turan nito sa ka binitawan ang naghihingalong si Asmodeous.
Bumigkas ng iilang kataga si Arkosios at sa isang iglap ay umangat sa himpapawid ang katawang ng batang babae. Nagliwanag ang katawan nito at unti-unting naging malilit na kulisap sa gitnna ng gubat.Nilipad ito ng hangin sa kung saan.
Umikot ang paligid at sa isang hindi malamang panahon ay ipinanganak ang isang batang babae. Naluluha ang mga madre sa paligid nito. Nagpupumiglas si Hancel sa kaniyang nakikita. Hindi niya nais pang ipakita ang mga senaryo sa dalawang dalagita. Hindi niya nais masilayan ng mga ito ang masaklap na kaganapan sa buhay ng kanilang inang si Haze.
Sa kabilang dako ng simbahan ay may dalawang nilalang ang nagtatalo. Parehong nakasuot ng malaking itim na baro ang dalawang ginoo. Hindi mailarawan ang galit na pumapalibot sa kanilang mga mata. May mga sinasambit ang mga ito na hindi maintindihan ng sinong mang makikinig.
"Isang kasinungalingan!" sigaw ni Haze na nakagapos pa rin sa naglalakihang kadenang nagliliyab.
Pinalingan siya nang tingin ni Hancel. "Tunay ngang hindi katanggap-tanggap ang katotohanan lalo't kung kasinungalingan ang iminulat sa iyong mga mata," wika nito na may mapaklang ngiti sa labi.
Nakatingin lamang si Monna at Haze sa kanilang ina at sa nilalang na si Hancel na unti-unting nagbabago ang anyo nito.
"Hindi ako naniniwalang ikaw si Arkosios!" sigaw pa nito. "Ikaw! Ikaw si Hancel! Si Asmodeous na walang puso!"
Humalakhak ng husto si Hancel sa tinuran ni Haze. Halakhak na hindi natutuwa. Isang halakhak ng kabiguan, isang halakhak ng pagkalumbay.
Pahina nang pahina ang pagtawa nito. Dama mo sa kaniyang tinig ang kalungkutan. Ngunit kapag ikaw ay masama sa paningin ng sino ma'y hinding-hindi nito makikita ang tunay mong emosyon.
"Hindi ko lubos maisip na ganito pa la kasakit ang magiging resulta ng aking pagsuway!"
Humalukipkip ito at muling tumawa. "Lulubos-lubusin ko na lamang ang natitira kong oras at kapangyarihan."
Sa isang iglap ay biglang lumamig ang simoy ng hangin. Kumapal ang hamog. Tanging pagpatak lamang ng tubig sa kung saan ang madidinig mo. "Hindi ba't nais mong malaman ang katotohanan, Zane?"
"Sino nga ba ang pinaghihigantihan mo? Sino nga ba ang dapat mong paghigantuhan?"
Ginigulo ng mga katanungan ni Hancel ang ina ni Haze. Ang natatanging memorya lamang na natira sa kaniyang isipan ay ang paghihiganti, ang pagmamalupit sa kaniya at ang paghahanap sa lalaking hindi niya alam kung na saan at ano ang pagkakakilanlan.
"Ako ang gumawa ng panibagong kasalanan mo sa kalangitan upang may maksama ka! Ako ang matagal mo ng hinahanap! Ako ang dahilan ng kamatayan ng iyong ina at ng mga tao sa iyong paligid!"
Nangilid ang luha sa psinge ng ina ni Haze. Ang lalaking muntik na niyang mahalin ang dahilan ng walang humpay niyang galit.
Walang buhay na tumitig si Hancel kay Zane. "Ako ang dahilan ng paghihirap mo." lumingon ito kay Haze bago muling nagsalita. "at magiging dahilan ng iyong kaligtasan, anak," dagdag pa nito.
"Wala kaminh maintindihan sa inyong pagtatalo! Ilabas mo na rito si Haze! Hancel!" sigaw ni Monna.
Pinatunog ni Hancel ang kaniyang dila. "Hindi ako makapapayag na lumabas pa dito si Haze! Sasaktan lamanng siya ng kalangitan! Pagdudusahan niya ang mga kasalanang dapat sa akin nila iatang!"
"Wala kang karapatang pangunahan at kontrolin ang buhay ni Haze!"
"At wala ka ring karapatang sigawan ang sarili mong ama!" sigaw nito pabalik kay Monna.
Natigilan si Monna sa ibwinelta ni Hancel. "Hindi mo ako madadala sa mga patibong mo!"
"Ako, ako ang bumuhay sa'yo! Sa akin ka nagmula! Ako ang dahilan ng iyong muling pagmulat!"
"Hindi ko na maintindihan! Tama na!" malakas na sigaw ng mama ni Haze.
Mabilis na hinila ni Hancel si Haze. Pilit nitong inilalayo ang dalaga kay Monna at sa ina nito.
"Bitawan mo ako! Halimaw ka!"
"Para sa ikabubuti mo rin ito! Para sa katapusan ng kasamaan ko!"
"Kahit kailan ay hindi mapuputol ang kasamaan ng isa pang pagkakmali!"
Hindi nakinig si Hancel sa kahit ano mang sasabihi ni Haze. Ipinasok niya ito sa kabaong at pilit na isinara ang takip nito. Isang malakas na hampas ang nagpatumba kay Hancel.
"Ikaw ang gumahasa sa akin! Ang bumaboy sa aking katawan! Ang pumatay sa aking pamilya at ang dahilan kung bakit ako naging isa sa mga kalahi mo!"
Pinunasan ni Hancel ang dugo sa kaniyang labi. Mabilis na naghilom ang sugat niya at parang walang sakit na iniinda. "Hindi mo alam ang iyong sinasabi, Zane. Wala kang alam!" sigaw nito at mabilis na nakarating sa harapan ng ina ni Haze.
"Ang lahat ng ito ay ginawa ko upang mailigtas ka! Sinalo konlahat ngb pagkakasala mo! Ginawa ko ang lahat ng sa tingin ko ay tama!"
Dumagundong ang boses nito. Tila isang malakas na kulog. Tila hanging nangangalit.
"Ngunit, lahatb pa la ay isang malaking kamalian! Isang malaking kamalian sa iyong mga mata! Sa mata ng nino man! Sa mata ng Dyos!"
"Hindi ko alam ang susunod kong gagawin! Ang wakasan ang buhay ng bawat imbolbado sa aking kamalian anng tangi kong naiisip na paraan! Isang kamatayan! Kamatayn na magpapatahimik sa makasalanan kong kaluluwa!"
BINABASA MO ANG
My Internet Friend Monna
Mystery / ThrillerMy mother sold her soul to a demon to make revenge on my father. Little did she know she was tricked by the demon. My internet friend Monna help me to find the truth. But the real story behind me and my friend Monna was kinda suspicious.