Kina-umagahan napagdesisyunan kong magbalik sa tahanan ni mama. Gusto ko alamin ang lagay kahit alam ko naman na wala ito sa tamang pag-iisip. Hindi ko nagawang i-check iyong website na tinutukoy sa fliers. Hindi ko na nga rin nagawang maghapunan dahil sa pagod.
Habang tinititigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin ay bigla akong natigilan. Ang mga sugat at sunog sa aking balat ay naglaho na. Nagmadali akong lumabas upang itanong kay Roxanne kung bakit mabilis na naglaho ang aking mga sugat. Wala naman akong ibang matandaan na inilagay niya na ointment bukod sa nilinis niya lamang ang mga ito.
"Roxanne?" tawag ko sa kaniya habang pababa ng hagdan.
Nagtungo ako sa kusina at sa may bakuran ngunit wala si Roxanne sa araw na ito. Ngayon lamang itong hindi nagpakita. Na sana'y akong palaging na sa condo ko na siya kapag ganitong oras.
Bumalik na lang akong muli sa banyo at mabilis na naligo. Hindi ko maiwasang magtaka sa mga nangyayari sa akin. Ang pagkakaroon ko ng mga sunog at sugat ng hindi ko namamalayan ay isang pala-isipan.
Naiisip ko rin kung saan nagpunta si mama at kung bakit bigla na lamang itong nawala. Nagtungo ako sa lugar ng kinatatayuan ng bahay ni mama. Ganoon pa rin ang hitsura ng bahay kahit na alam kong nilinis ko ang ibang parte ng bahay. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko habang papasok sa kabahayan.Pakiramdam ko rin ay may nakatitig sa akin sa kung saan.
Binuksan ko ang pinto ngunit hindi na ito kagaya noong isang araw na nahuhulog ang doorknob dahil ang pinto na ang mismong gumuho at nahulog sa sahig. Sa pagbagsak ng marupok na kahoy ay may naririnig akong mumunting hikbi. Napapikit na lamang ako dahil sa pagtaas ng aking balahibo.
Nagsimulang humangin ng malakas at nagbukas-sara ang mga bintana. Sinangga ng aking braso ang bawat kubyertos nagsisiliparan sa himpapawid.
"O, dyos ko!" hiyaw ko sa papalapit na kutsilyo. Nanginig ang aking katawan at mariin kong na ipinikit ang aking mga mata. Hinihintay kong tumarak sa aking noo ang kutsilyo ngunit makalipas ang ilang segundo ay wala akong naramdaman na kahit ano.
Tumahimik ang paligid ngunit nakikilabot ang presensya ng kung sino mang papalapit sa akin. Mabibigat ang aking paghinga sa bawat malalamig na hangin na dumadampi sa aking leeg. Tila may mapaglarong nilalang na umiihip sa aking tainga.
Huminga ako ng malalim at mariing ikinuyom ang aking palad. May mumunting halakhak at mga nakakilabot na bulong ang pauli-ulit na naglalabas masok sa aking tainga. Mga pag-iyak at halo halong sigaw mula sa iba't ibang boses.
"Sitsiritsit alibang-bang," panimula nitong kanta habang tumatawa.
Hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay na sa harapan ko lang ang kumakanta. Hinahaplos ng malamig nitong palad ang aking pisnge at pilit ibinubuka ang aking talukap.
"Sala ginto, salagubang," tumatawa uli itong habang ipinagpapatuloy ang kaniyang pgkanta.
"Ang babae ay maalinsangan," matigas na wika nito at umihip ang malakas na hangin.
"Pinagsamatalahan ng walang laban!" malakas na sigaw nito kasabay ng pagkabasag ng ilan sa kagamitan sa loob.
Napayuko ako at tumili ng malakas. Napahawak ako sa aking ulo habang nagsisiliparan ang kagamitan sa loob ng bahay.
"Nakikita mo ba ako?"
"Hindi mo ako nakikita."
"Paano mo ako makikita!"
"Haze! Anak. Buksan mo ang iyong mga mata," puno ng pagsusumamong wika ni mama.
Natigilan ako at napaangat ang aking ulo. Tila hindi ako makahinga sa sandaling imulat ko ang aking mga mata. Naka-angat ang katawan ni mama sa hangin. Habang ang buhok niya'y nakataas na tila mga ting-ting sa walis.
"Saktan mo ako, Haze! Saktan mo ako!" sigaw nito at sinaksak ang kaniyang sarili.
Napasigaw ako sa takot. Nang may nakita akong kadena ay pilit kong iniaabot ang paa ni mama. Ang dugo niya'y inililipad ng hangin tila hindi nito gustong dumapo ang kaniyang dugo sa lupa.
"Layuan mo si mama! Umalis ka sa katawan ni mama!" sigaw ko at pilit na inaabot ang paa nito.
Tumawa si mama at umupo habang naka-angat pa rin siya sa himpapawid. Malapad ang ngisi nito na tila mapupunit na ang kaniyang labi.
"Sa tingin mo ba'y malulubayan ko siya kung kusa niyang inalay ang katawan at kaluluwa niya sa akin?" malakas na sigaw nito at muling itinarak aang kutsilyo.
"Huwag mong sasaktan si mama!" sigaw ko na mas lalo lang niyang ikinahalkhak.
"Mama? Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo ba'y kinikilala ka niyang anak?!"
Mabilis kong nahila ang paa nito at ikinadena. "Bitawan mo ako! Hindi dapat sinusuway ang ama mo!" sigaw nito sa akin ngunit hindi ko pinagtuunan ng pansin.
"Dapat ay sa amin ka sumama! Hindi mo dapat kinakalaban ang sarili mong ama't ina!" sigaw pa niya.
"Hindi ko alam ang mga kinukuda mo! Lubayan mo si ma-ahhh!"
Napahiyaw ako ng sandaling matalsikan ng holy water ang aking balat. Tila napapaso ako at naglabas ito ng itim na usok. Tumawa si mama habang namimilipit ako sa sakit.
"Lumalabas na ang tunay mong pagkatao, anak!" sigaw nito.
Sinamaan ko siya nang tingin at pilit na isinaboy ang holy water.
"Ahhhh! Wala kang utang na loob!" sigaw nito at mabilis na inilayo ang kaniyang katawan.
Pilit kong hinabol ito ngunit may kung anong humila sa akin palabas ng bahay. Ihinagis ako nito sa malaking puno sa labas ng bahay. Napadaing ako at nawalan ng malay. Nang magising ako ay na sa condo unit na ako.
Wala akong maramdamang kakaiba sa aking katawan. Nang lumabas ako sa kwarto ay nadatnan ko sa may doormat ang fliers kung saan nakalagay ang na sabing website ni Roxanne. Speaking of Roxanne, na saan na nga ba ito?
Dinial ko ang cellphone nit ngunit walang sumasagot. Nag ring lang ito.
"Na saan na kaya ito?" tanong ko sa aking sarili.
Akmang ibaba ko ang cellphone sa lamesa nang bigla akong mapasulyap sa salamin. Napaigtad ako ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. Napahawak ako sa aking mukha.
"A-anong nangyari?" tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang sunog kong balat.
Pumikit ako at umiling. "Namamalik-mata lang ako," bulong ko at muling tumingin sa salamain.
Isang babaeng may mahabang buhok ang na sa likuran ko. Nakangiti ito habang inaayos ang aking buhok.
"Ahhhh!" sigaw ko.
"Haze! Gising!"
Napamulat ako sa takot. Nagtaas baba ang aking dibdib. Hawak-hawak ni Roxxane ang aking balikat.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong nito na puno ng pag-aalala.
"Umalis ka ba? Umalis ba ako?" hinihingal kong tanong sa kaniya.
Napaawang ang labi ni Roxanne at pilit akong pinakakalma. Hindi ka pa naka-aalis at hindi pa ako umalis kasi nagsisigaw ka d'yan. Nakatulog ka yata ka re-research d'yan sa website.
Napakurap ako at tinitigan ang hawak kong papel.
"Kailan ang huli kong alis?"
"Kanina," mabilis na sagot nito.
Natutulirong na pa sandal ako sa bangko. Ano bang nangyayari? Tanong ko at napasulyap sa laptop ng may nakalagay na, "Hi, welcome to Monna's World."
BINABASA MO ANG
My Internet Friend Monna
Mystery / ThrillerMy mother sold her soul to a demon to make revenge on my father. Little did she know she was tricked by the demon. My internet friend Monna help me to find the truth. But the real story behind me and my friend Monna was kinda suspicious.