Nakangiti ito sa akin habang kumakaway. Tila nasisiyahan ito sa aking reaksyon. Kailangan kong umalis! Kailangan kong makalayo sa lugar na ito. Kailangan kong bigyan ng hustisya ang kamatayan ni tiya at ni lola.
Ano ba talagang nangyayari? Hindi ko na maintindihan.
Sinikap ko pa ring igalaw ang aking paa paatras. Parang naririnig ko ang nakakilalabot na tawa ng babae kahit napakalayo namin sa isa't isa. Tumakbo ako palabas ng kwarto at natalisod ang aking paa sa bangkay ni tiya. Nanginnginig na bumangon ako.
Natatakot ako. Sobrang takot na takot. Nanuot pa sa aking ilong ang natuyong dugo niya. Bumabaliktad ang aking sikmura. Pero wala akong panahon para indahin ang aking pandidiri. Nanghihinang tumakbo ako pababa ng hagdan.
Walang ibang magtutungo sa aking bahay kung hindi si Monna lamang. Kailangan kong makatakas. Ayaw ko pang mamatay! Dumiretsyo ako sa kusina habang naghahalo ang aking malalamig na pawis at ang aking dugo na nagmumula sa mga maliliit na parte ng laptop na tumarak sa aking balat.
"Roxanne!" bulalas ko sa bangkay nito.
Nakahandusay ang katawan niya sa may lamesa habang ang ulo nito'y hindi na nakakabit sa kaniyang katawan. Napaslpak ako sa sahig. Anong kabaliwan ito? Hindi ko alam kung paano pa pipigilan ang panginginig ng aking kalamnan. Ang mga ngipin ko at mga labi ay hindi ko na makontrol.
Ang dugo ni Roxanne ay nagkalat sa iba't ibang parte ng kusina. Sinong may gawa nito sa iyo? Sino?!
"Hello there, my internet friend," nakalolokong wika ng pamilyar na boses sa aking likuran.
Naikuyom ko ang aking palad at marahas na ipinaling ang aking ulo sa likuran. Sinalubong ako ng malakas na sampal ni Monna. Nakalabas na ito sa laptop. Napakalakas nang sampal niya kung kaya't tumilapon ang aking katawan sa may lababo.
"Hindi mo ba nagustuhan ang una nating pagkikita?" ani nito sa malaking boses.
Napadaing ako sa sobrang sakit ng aking likuran. Napakalayo ng boses nito kay Monna. Ibang iba ang mga titig niya sa akin kumpara sa mga titig ni Monna sa akin mula sa screen ng laptop.
"Luhod!" sigaw nito.
Masama ko lang siyang tinitigan. Paano niyang nasisikmurang kumittil ng buhay? Anong ginawa nilang masama upang sapitin ang ganitong kamatayan?
"Ganiyan ba ang tamang asal mo sa nilalang na nagbigay sa'yo ng buhay?" matabang niyang tanong.
Walang gana akong natawa sa tinuran niya."Kung ikaw ang nagbigay buhay sa akin, hindi ka nararapat sa asal na ninanais mo," wika ko.
Nanlisik ang mata niya at wala pang isang segundo ay na sa harapan ko na ito. Hinila nito ang aking buhok at hinampas ako ng tatlo beses sa lababo. Sigaw ako nang sigaw sa bawat hampas ng aking ulo sa matigas na semento.
"Wala kang galang sa sarili mong dugo't laman," malakas na sigaw nito at hinampas akong muli sa pader.
"Hindi ko alam na ito ang magiging asal makalipas ang ilang paghiirap ko upang maisilang ka lamang!"
Sunod-sunod ang pagsinghap ko. Umiikot ang aking paningin at hindi ko na alam kung kakayanin ko pang mabuhay sa susunod niyang paghampas sa aking ulo.
Sinakal ako nito at isinandal sa kisame. Naluluhang pinakatitigan ko siya sa klaniyang mga mata. Wala akong makitang emosyon doon bukod sa galit at walang pag-aalinlangang pagpatay.
Hindi ko alam kung na mamalik-mata lamang ako pero may babae akong nakikita sa loob ng kaniyang mga mata. Nakayuko ang ulo nito habang nakatali ang magkabilang kamay niya sa isang malaking kadena.
"Matulog ka muna aking, anak," saad nito bago ako hinampas ng malakas.
Napadaing ako at nawalan na ng malay. Kung katapusan ko panginoon huwag mo akong pababayaan.
BINABASA MO ANG
My Internet Friend Monna
Mystery / ThrillerMy mother sold her soul to a demon to make revenge on my father. Little did she know she was tricked by the demon. My internet friend Monna help me to find the truth. But the real story behind me and my friend Monna was kinda suspicious.