Naluluhang sinuyod ko ang kadiliman. Hindi ako lalabas dito hangga't hindi ko nakukuha ang sagot sa aking katanungan. Sa paglalakad ko'y may nakita akong isang maliit na amulet sa daan. Kumikinang ito habang may mga gumagalaw sa loob. Pinulot ko ito upang mas malinaw kong makita.
"Haze, anak? Kahit anong mangyari hindi ka tutulad kay papa, ha?"
Mga salitang nagmumula sa loob ng kwintas. Napakunot ang noo ko sa labis na pagtataka. Gulong-gulo ang aking isipan. Nakakatuliro ang bawat bagay na aking nalalaman.
"Opo, papa," sagot ko naman.
Hinaplos nito ang aking buhok at hinalikan ang aking noo. "Kailangan lang itama ni papa ang mga maling desisyon niya. Huwag kang mag-alala. Pro-protektahan ka ni papa. Hindi kahahayaan ni papa na makalapit muli sa'yo ang mama mo," wika nito.
Mabibigat ang mga binitawan kong bugtong hininga. Paulit-ulit akong huminga ng malalim. Paulit-ulit akong napasinghap hanggang sa habulin ko ang hangin. Natatawang umiiyak ako. May kung ano sa aking dibdib ang kumikirot.
Unti-unting naglaho ang kwintas sa aking mga kamay. Unti-unti itong nasusunog. Bago ito tuluyang maglaho'y narinig ko pa ang tinig nang isang babae na sumisigaw.
"Isinusumpa kita, Hancel! Ikaw at ng dalwang anak mo! Isinusumpa ko kayo!"
Hindi ko na alam ang paniniwalaan o kung itutuloy ko pa ba ang pananatili rito. Habang dumadami ang aking nalalaman ay tumataas ang ang pagkamuhi sa aking puso. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit ko gayoong mga imahe lamang ito na hindi kompleto.
"Haze, anak. Kung kailangang patayin mo si papa upang tanggapin ka ng iyong ina. Anak, gawin mo nang walang pag-aalinlangan," wika ni Hancel sa sanggol na nasa crib.
Napahikbi ako sa mga sinabi nito. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Damang-dama ko sa boses niya ang sakit. Gusto kong haplusin ang mukha nito. Gusto kong pawiin ang mga luha sa kaniyang mata.
"Hindi mo pwedeng buksan ang nakaraan ko, Haze!" malakas na sigaw ni Hancel sa kung saan.
Umiling lang ako at pilit na hinahawakan ang imahe nito. Gustuhin ko mang manatili sa loob ng nakaraan ay hindi maaari. Agad akong nagbalik sa kasalukuyan ng may mga kamay na humila sa akin. Sa pagmulat ng aking mga mata ay nakaluhod sa sahig si Hancel. Nakluhod ito na tila'y pagod na pagod.
"Ano ba talagang totoo?" tanong ni Monna.
Nagpabalik-balik ang tingin niya kay Hancel at Mama. Sa pagtama ng mata namin ni mama ay ngumisi ito. Mas naakakilabot kay sa presensya ni Hancel. Wala itong sungay at hindi makikitaan nang kahit anong panganib. Ngunit ang mga ngiti sa labi nito ay higit pang nakatitindig balahibo. Humalakhak ito nang humalakhak.
"Bakit, Hancel? Bakit?" Nakangiting tanong ni mama.
"Bakit mo ako ginawang makasalalan?" tanong nito sa galit na boses.
Iling lang ang sagot ni Hancel. Wala na ang nakakatakot na presensya nito. Marahan itong umupo sa dagat-dagatang dugo. Nakatingin ito ay mama na parang na bahag ang buntot.
"Iniligtas lamang kita sa mali mong desisyon. Iniligtas kita ngunit hindi ko akalain na sa pagligtas ko sa iyo ang mas lalo mong ikasasama," mahinahong wika nito.
Muling hunalakhak si mama. Tumawa ito habang lumuluha ng dugo.
"Iniligtas?" Malakas nitong iwinasiwas ang kadena.
"Pagligtas ba ang tawag sa pananamantala mo sa akin?!"
Umiling muli si Hancel. Napapakurap na lamang ako sa pag-uusap nila. Pasimpleng lumapit sa akin si Monna. Dahan-dahan itong naglalakad patungo sa akin.
BINABASA MO ANG
My Internet Friend Monna
Mystery / ThrillerMy mother sold her soul to a demon to make revenge on my father. Little did she know she was tricked by the demon. My internet friend Monna help me to find the truth. But the real story behind me and my friend Monna was kinda suspicious.