Habol ko ang aking hininga nang sandaling magkaroon ako ng ulirat. Ngunit, tila may mali. Bakit parang napakasikip? Hindi ako makahinga! Napaka-init ng pakiramdam ko. Nang maimulat ko ang aking mata'y tila na sa loob ako ng isang kahon o mas tamang sabihing na sa loob ako ng ataul.
"Palabasin niyo ako rito!" sigaw ako sa mahinang boses.
Puno pa rin ng dugo ang aking balat. Nadarama ko pa ang pagkirot ng aking ulo. Sinong nagdala sa akin dito? Si Monna ba?
"Pa..palabasin niyo a-ako rito!?"
Ngunit tila'y walang nakadidinig sa aking mga sigaw. Sinubukan kong i-angat ang takip at maserteng bumukas naman ito. Nanghihina ma'y nagawa ko pa rin itong buksan. Tumambad sa aking ang mga rebulto ng iba't ibang klaseng demonyo. Anong lugar ito?
Puro kandila ang na sa paligid. May isang maliit na lamesa sa harapan ng kabaong, malaking itim na mapulang mangkok at isang maliit na kutsilyo. Naduwal ako ng hindi oras dahil sa aking nasilayan ang iba't ibang parte ng tao sa bawat rebultong na rito.
Mga daliring tinanggal sa kamay ng kung sino. Mga mata't dila na nasa isang lalagyan. Sinong walang puso ang gumawa nito? Paano niya nasisikmura ang ganitong tanawin?
Kailangan kong makaalis sa lugar na ito. Akmang ilalabas ko ang aking paa ng matunghayang na sa gitna ako ng isang pulang tubig. May mga matang lumilitaw dito at mga lamang loob na nakalutang. Parang hinahalukay ang aking sikmura. Ang kumitil ng buhay ba'y ganito lamang kadali?
Puno ng dugo ang paligid at sa bawat sulok ng silid ay may mga bangkay na hindi mo na makikilala. Walang ulo't wasak ang katawan. May mga sanggol ding wala ng buhay. Nadudurog ang puso ko sa aking nakikita. Hindi ko lubos maisip na may mas malupit pa sa mga aswang.
Pinatibay ko ang aking loob. Pinilit kong sinikmura ang paglubog ng aking katawan sa dugo. Hanggang dibdib ko ang likido. Bahagya pa akong napatili ng may sumabit sa aking paa na malamig na bagay. Alam ko kung ano iyon. Isang lamang loob ng tao. Intestine ng tao!
Dali-dali kong nilangoy ang pagitan ng lpulang likidong ito ang pinaka-malapit na rebulto. Tinumba ko iyon at ginawang patungan. Na sa mababaw na parte na ako ng likidong ito. Hindi ko maipaliwanag kung saan ito nagmumula. Tila sinakop na nito ang buong silid.
"Monna!" sigaw ko.
Umalingaw-ngaw ang aking boses. Hindi ko akalaing napaka-kulob pa la ng silid na ito. Nagsimulang mamatay ng isa-isa ang mga kandila. Nakaramdam ako ng takot. Agad akong humakbang palayo. Kung saan 'man ako dadalhin ng aking mga paa'y bahala na.
Sa pagmamadali nasagi ko ang isang matigas na bagay. Isang kahong itim na hindi gaanong kalakihan. Binitbit ko ito sa mas mababaw na parte ng tubig. Binuksan ko ito at tummbad sa aking mata ang mga duguan larawan. Napakasang-sang ng amoy sa loob ng kahon.
May mga malalaking buong dugo pa ang loob ng kahon na labis na nakididiri. Pakiramdam ko ay giniling na atay ng tao ang na sa loob ng kahon. May tatlong larawan sa loob. Ang una'y isang larawan kung saan may isang babae na tila nakikipag-usapan sa isang demonyo. May hawak na isang punyal ang demonyo at iniaabot ito sa babae. Ang kaluluwa ng babae sa kaliwang bahagi ng imahe ay tila kumakalas sa katawang lupa niya.
Ang pangalawa ay tila isang kasalan kung saa'y nakatali ang leeg ng babae sa malaking kadena. Sa kanang bahagi ng imahe ay may kabaong nakapareho sa aking kinahihigaan. May babaeng sanggol doon at tila hindi na sisiyahan ang demonyo sa maamong mukha ng sanggol.
Sa pangatlong imahe nama'y ang babaeng may kadena sa leeg ay nakatali ang magkabilang kamay sa naglalakihang kadena. Na sa gitna ito ng isang malawak na silid habang napalilibutan ng bangkay na walang ulo. Hindi ko alam kung ano ang gustong ipahiwatig ng mga imaheng ito.
Mabilis ko itong initya sa kung saan at nagmadaling naglakad. Parang walang katapusan ang aking paghakbang. Tila paulit-ulit na lang ang ako. Paikot-ikot na tila baga'y pinaglalaruan ng silid na ito.
Naikuyom ko ang aking palad at bumalik sa malalim na bahagi ng tubig. Nang makalapit sa mga rebulto'y pinatumba ko ang mga ito. Ang ilan sa mga kandila'y patay na. Kaunti na lamang ang liwanag na nagbibigay daan sa kung upang makita ang aking daraanan. Sa huling rebultong patutumbahin ko'y umihip ang malamig na hangin.
Tila isang pagbabanta ang pag-ihip nito. Ngunit hindi ako nagpatinag. Pinatumba ko ito ngunit ang aking katawa'y tumilapong muli sa loob ng ataol.
BINABASA MO ANG
My Internet Friend Monna
Mystery / ThrillerMy mother sold her soul to a demon to make revenge on my father. Little did she know she was tricked by the demon. My internet friend Monna help me to find the truth. But the real story behind me and my friend Monna was kinda suspicious.