C14
SoulmatesNarito ako ngayon at nakahiga sa aking kama. Pasado alas nuebe na ng gabi tas ang lakas pa ng ulan. Mga panahong ito ay ang sarap matulog at humilata na lang. Ang kaso ay hindi ko makuha ang tulog ko kaya napagpasyahan ko nalang manood ng sikat na Netflix series na "Stranger Things".
Suot suot ko ang favorite kong Picachu onesie. Sa kalagitnaan ng aking panonood ay bigla akong nagutom, siguro bababa muna ako para kumuha ng makakain sa kusina. Napatango na lang ako sa sarili at ini-pause na lang ang pinapanood.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakapatay na ang ilaw sa baba. Napalunok tuloy ako sa takot.
Initiate Retreat.
Napabuntong hininga na lang ako at babalik na lang sana sa loob nang marinig ko ang tinig ni daddy.
Nilingon ko ang katabi kong kwarto na siyang parang mini office ni dad. Bahagyang nakasiwang ang pintuan kaya medyo naririnig ko ang pinagsasasabi ni daddy.
"What do you mean? Hindi nga nababaliw ang anak ko!"
Napatalon ako sa lakas ng tinig ni dad. Halatang halata sa boses nito ang panggigigil at galit. Naramdaman ko ang panginginig ng mga paa ko at pamamawis sa aking noo. Minsan na akong pinagtaasan ng boses noon ni dad at hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon.
"You know what? This is ridiculous! Kung ayaw mo akong tulungan, puwes hindi ko kailangan ang tulong mo!" Narinig ko ang padabog na pagbagsak ng telepono ni dad.
Hindi ko maigalaw ang mga binti kong nanginginig. Gulong gulo ako. Sino ang kausap ni dad? Sino ang ayaw tumulong sa kanya? At higit sa lahat...
Sino ang nababaliw?
"Sunny," napatalon ako sa gulat.
Nilingon ko ang aking likod at nakita si kuya Dawn na nakakunot noo sa akin at hawak hawak ang kaniyang cell phone.
"What are you doing here?" Tanong pa niya sa akin.
"Ahhhh... Kukuha sana ako ng ice cream sa baba, kuya." Palusot ko.
"Umuulan tas naisipan mo pang mag-ice cream?" Tumango ako sa kaniya, hindi ko talaga alam magsinungaling, kainis. "Sana okay ka lang."
Sinulyapan kong muli ang office ni dad at nakitang nakasara na ang pinto. Palaisipan pa rin hanggang ngayon sa akin ang kaniyang mga sinabi.
Narinig kong tumikhim si kuya kaya napatingin akong muli sa kaniya. Inilahad niya ang kaniyang phone sa akin at nagtataka ko naman itong tiningnan pabalik.
"Si Suna, kausapin ka raw." Sabi niya. Tatanggapin ko na sana ito pero biglang kumunot ang aking noo.
"Bakit sayo siya tumawag? May number ka sa kaniya?" Takang tanong ko. Kailan pa naging close ang mga ito? Napaiwas ng tingin si kuya at tumikhim muli.
"Hindi ka raw sumasagot sa tawag niya. Kunin mo nalang kasi!" Nagkibit balikat nalang ako at tinanggap ang kaniyang phone na may ngisi sa labi.
"Hi, Suna!" Maligaya kong sagot. Sinulyapan ko si kuya at nginitian siya ng nakaloloko kaya inirapan niya ako. Wushuuu! Kunwari wala akong alam.
"Papunta na jan si kuya Pits. Just wait for him."
"Hala! Anong gagawin niya dito? Makikinood din ba siya sa akin ng Stranger Things?" Gulantang kong tanong.
"Ha? Hindi pa ba nasabi ni Dawn sayo?" Tanong niya. Wait... Ni Dawn; bakit walang kuya? Naku! Itong mga ito talaga oo!
"Sleep over daw sa kanila. She's inviting you. Pumunta ka na, ako nalang bahala kina dad." Napatalon naman ako sa saya.
YOU ARE READING
Untamed Demons From Within(La Verde Series 1)
Teen Fiction"It pains me to see how hard it is for you to deal with those demons ruining you..." He said in the softest voice I ever heard. Ironic it is that only him can calm me every time my mind consumes me. With him, I will never be scared of the dark. Wit...