C13
Ulan"Putangina." Saad ni Gidi na nasa aking harapan ngayon.
"What is it again?" Tinatamad na tanong ni Suna.
Naririto kami ngayon sa cafeteria ng school. Nakagawian na naming tatlo na kumain nang sabay sabay tuwing lunch break. Lunes na ngayon. Second week pa lamang ng pasukan pero sobrang hectic na at nakaka-stress.
"Anong club sasalihan niyo? Letse, namomroblema pa lamang ako 'dun sa school play dumagdag pa 'yan!" Naiinis na tugon ni Gidi.
"So true! Bakit ba kasi required 'yang mga ganyan?" Napapairap na wika ni Suna. "Siguro dun na lang ulit ako sa drama and literature club. Kabanas lang kasi last year dahil si Marshal ang club president."
"Try ko siguro ng something new. Make up and cosmetics? Photography? I really can't decide!" Napapasabunot na wika ni Gidi dahil sa frustration. "Ikaw ba, Shy?" napaisip naman ako saglit.
"'Di ako fan ng clubs ehh." Napapanguso kong saad. "Pag-iisipan ko pa."
" Alam ko kung anong babagay na club sa'yo, Shy!" Nakangising sabi ni Gidi.
" Ano?" Sabat naman ni Suna, kunwari siya ang kinakausap.
"Helping slow readers club! Malay mo mag-improve pagkaslow mo, di'ba?" Natawa silang dalawa ni Suna.
Slow readers?
"Ha? Hindi ko gets. Di naman ako slow reader ah?" Kaya ko ngang tapusin isang libro sa isang araw lang eh!
" See?" Nagkatinginan ang dalawa at sabay na nailing. Hirap intindihin ng dalawang 'to!
Ipinagpatuloy na namin ang pagkain at maya't maya ang tawanan namin dahil sa mga napagkukwentuhan namin.
"Holy shit!"
Nabitawan ko ang kutsarang isusubo ko na sana dahil sa biglaang sigaw na 'yon ni Gidi.
"Gidi naman eh! Ba't ka nanggugulat?" Wika ko habang habol habol ang aking hininga.
"Sorry! 'Yung babae kasi na nasa table na 'yun," sabi niya sabay nguso sa lamesang medyo malayo sa kinaroroonan namin.
May nakaupo roon na babaeng mag-isa lamang na kumakain. Pinagmasdan kong maigi ang babae at ngayon ko lamang ito makita.
"Siya 'yung sinasabi kong transferee noon." Bumaling ito kay Suna na nakatingin na rin pala sa babae. "The one I accidentally kissed." Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Suna. Her's are on realization and mine are upon confusion.
"Nahalikan mo siya?!" Gulantang kong tanong.
"Aksidente lang 'yon! I was drunk that time!" Depensa niya naman.
Ibinalik ko ang tingin ko doon sa babae at nakatungo lang ito habang kinakain ang salad na nasa kaniyang plato.
"Tara puntahan natin." Anyaya ko sa kanila. Tumango si Suna pero itong si Gidi ay grabe kung makailing.
"Come on, Gideon. You said it was an accident." Kumbinsi sa kaniya ni Suna na ngayon ay nakangisi nang nakakaloko.
"Shut up, Susana. Alam ko kung anong iniisip mo. Mandiri ka uy!" Nandidiring ekspresyon ang ipinakita nito.
"Suit yourself." Sabi ni Suna at tumayo. Tumayo na rin ako at binitbit ang tray kung saan nakalagay ang pagkain ko.
Naglakad na kami patungo sa direksyon ng babae at ni hindi man lang umangat ang mga tingin nito sa amin nung makarating na kami sa harapan nito.
"Hi! Pwedeng makiupo?" Tanong ko habang nakangiti.
Umangat ang tingin nito sa amin at nakaguhit dito ang walang ekpresyon nitong mukha. Tumaas ang isa nitong kilay. Bahagya pa akong napaatras dahil sa takot; ang intimidating niya kasing tingnan.
![](https://img.wattpad.com/cover/194621734-288-k520265.jpg)
YOU ARE READING
Untamed Demons From Within(La Verde Series 1)
Ficțiune adolescenți"It pains me to see how hard it is for you to deal with those demons ruining you..." He said in the softest voice I ever heard. Ironic it is that only him can calm me every time my mind consumes me. With him, I will never be scared of the dark. Wit...