C02

185 88 282
                                    

C02
Habulan

"Shy? Asan ka? Kanina pa ako tumatawag, bakit ngayon mo lang sinagot?" Sabi sa akin ni Suna pagkatapos kong sagutin ang kaniyang tawag. Nandito parin ako sa parking lot at tulala.

"Pabalik na ako, may tiningnan lang. K-kita na lang tayo sa McDo." Pagkasabi ko nun ay pinatay ko na ang tawag at dumiretso sa pagkikitaan namin ni Suna. Medyo may mga tao na sa dinaraanan ko.

Habang naglalakad ay nagre-replay sa aking utak ang nangyari kanina. Bakit galit na galit si Love? Bakit umiiyak si ateng maganda? Kasalanan ko ba ang nangyari?

"Remember this day, remember this face... because this face will bring hell to your life."

Ano ang ibig niyang sabihin? Hell...

Dala narin ng malalim kong pag-iisip ay hindi ko namalayan na tuloy-tuloy pala ako sa paglakad at nabangga ako sa pader. Narinig ko ang pagsinghap ng ilang mga taong nakakita sa akin. May narinig din akong tawanan.

"Shy! Are you okay?" Nagulat nalang ako dahil nakita ko sa aking harapan si Suna. "Ano ba kasi ang nangyari? Saan ka galing?" Inalalayan niya ako sa paglalakad dahil medyo nahilo ako sa lakas ng impact ng pagkakatama ko sa pader.

"M-may nakita kasi akong..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling.

"May nakita kang?" Takang tanong sa akin ni Suna. Alam kong nagdududa na siya sa akin.

"M-may nakita akong... uhmm... daga. Oo! Tama! May nakita akong daga, gagawin ko sanang panregalo sayo kaya hinabol ko pero hindi ko naa-"

"Reregaluhan mo ako ng daga?!" Sabi ko na nga ba't hindi ako magaling magsinungaling.

"Ahehehe! Oo sana pero kung ayaw mo ay iba nalang hehehe." She gave me a glare kaya ngumiti ako sa kanya nang matamis at nag-peace sign.

Inirapan lang niya ako at binitiwan na ako sa pagkakaalalay nung nahalata niyang okay lang ako.

"Asan pala Yung mga pinabili mo?" Tanong ko sakanya nang makita kong wala siyang dalang ni isang paper bag. Dati rati naman ay halos hindi niya na mahawakan lahat kapag nangagaling siya sa mall.

"Tss. Don't ask about it. Ilibre mo ako ngayon sa McDo." Sabi niya habang nakahalukipkip.

"Huh? Akala ko ba ikaw ang manlilibre ngayon?" Tanong ko kasi sinabi niya kanina na kung sasamahan ko siya ay iti-treat niya ako. Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin nang nakakaawa.

"Dad cut all my bank accounts because of my bitchy attitude back in Japan. Wala akong naidala na cash. Kaya... please... ilibre mo na ako. I'm so gutom na." Nagpout pa siya sa akin with matching puppy eyes pa.

"Pasalamat ka girl scout ako kaya lagi akong handa. Tara na! I'm so gutom much na rin." Panggagaya ko sa sinabi niya kaya inirapan niya ako at nagpauna nang maglakad.

Pagdating namin sa McDo, sinabi ko sa kanya ang order ko dahil siya na lang daw ang pupunta sa counter. Naghanap na lang ako ng mauupuan at saktong may isang bakante sa tabi ng bintana.

Pagkaupo ko doon ay nag-fb muna ako habang hinihintay si Suna. Habang nag i-scroll ako sa aking news feed ay may narinig akong boses ng lalaki sa aking likuran.

"Par... wala na kami."

Parang kilala ko yung boses na yun, ah? Tumingin ako sa aking likuran pero hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakaupo rin siya patalikod sa akin. May kausap siya sa kanyang phone.

Untamed Demons From Within(La Verde Series 1)Where stories live. Discover now