C01
LoveNagbibihis ako ngayon sa aking kwarto dahil may usapan kami na mamasyal ngayon ni Suna(best friend ko) sa mall. Gusto niya raw mamasyal dahil bagot na bagot na raw ito sa haba ng bakasyon.
Kasalukuyan kong sinusuklay ang aking mahaba, unat at purong itim na buhok. Ang usapan namin ni Suna ay susunduin niya ako around 9am. 8:45 nung marinig kong bumusina ang sasakyan nina Suna. Lagi yang maaga kaya binilisan ko na ang pag-aayos ko.
Naglagay ako ng kaunting liptint para hindi naman ako magmukhang anemic. Nakasuot ako ngayon ng black leggings at pink na hoodie. Wearing my pink rubber shoes and black mini back pack.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Suna. Hindi uso sa kanya ang pagkatok at feeling home iyan. Ika niya'y maninirahan din daw siya balang araw dito.
"Ano ba naman iyan, Shy! Anong oras na, oh? At ano naman iyang suot mo? Tag-init pero naka-jacket? Mukha kang timang!" Bulyaw niya pagkapasok. Nakasuot siya ng yellow cropped top at high waist maong shorts.
"Dito ako komportable eh. Bakit? Pangit ba?" Tanong ko sa Kanya.
"Mukha kang may sakit pero hayaan mo na. Ang tagal mong kumilos. 'Yun sana kung nandito si Dawn my loves pero wala naman."
"As if naman magugustuhan ka ni Kuya. Wala sa dictionary niya ang salitang 'jowa' kaya wag ka nang umasa." Tukso ko sa kanya. Yup, she likes my brother.
"Hoy, Sunshyne! Tigil-tigilan mo ako, baka makalimutan kong nasa teritoryo mo ako." Banta niya sa akin.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Susana." pang-iinis ko lalo sa kanya.
"Ginagago mo ba ako, ha?" Inis na tanong niya na tinawanan ko lang naman. Ayaw na ayaw niyang matawag sa buo niyang pangalan.
"Bilisan mo na lang jan. Baka isipin nila nagdala pa ako ng nakababatang kapatid."
Napatigil naman ako sa pag-aayos. Wag mong sabihin na...
"Magkapatid tayo?! Paano? Bakit ngayon ko lang nalaman? Pero kung ganon bakit gusto mo si Kuya Dawn. Maaari bang... ampon ako at tayo ang magkapatid? Waaaaaa! Huhuhu." Tiningnan lang ako ni Suna na para bang nababaliw na ako. Aba! Sino ang hindi mababaliw kapag may ganoong rebelasyon?
Nilapitan ko siya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. Nagtataka sa mga ikinikilos ko. Niyugyog ko siya. "Sabihin mo Suna kung sino ang tunay kong mga magulang! Kaya ba mainit ang dugo sa akin ni daddy kasi ampon lang ako? Sumagot ka!" Patuloy ko pa siyang niyugyog. Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig, tumama pa ang pang-upo ko. Ouch!
"Tumigil ka nga! Ano na naman bang katangahan 'yan?" I pouted. Ano naman ang nakakatanga dun. "Hindi tayo magkapatid, lalong lalo na hindi ka ampon!" Kumunot ang noo ko. Hindi ko talaga maintindihan si Suna, ang gulo!
"Kasasabi mo la-"
"Tara na nga!" Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Nauna na siyang bumaba dahil nagtatali pa ako ng sintas ng aking sapatos.
Pagkababa ko sa hagdan ay nakita kong hinihintay ako ni Suna sa sofa sa sala. Nakita ko rin na nandoon sa kusina si tita Sally kaya dumiretso muna ako doon para magpaalam.
"Tita, Alis po muna ako. Saglit lang po kami." Sabi ko kay tita Sally, step mother ko. Namatay na kasi si mommy noong bata palang ako.
"Oh, sige. Ingat kayo!"
Tinawag ko na si Suna para makaalis. Pagkasakay namin sa kanilang sasakyan ay sinimulan na ni Suna ang pagkwekwento tungkol sa family vacation nila sa Japan ngayong Summer.
"Ang daming hotties! Kaya nag sight seeing ang ginawa ko doon."
"Hindi ba kayo namasyal?" Takang tanong ko. Kaya pala sabi niya boring ang summer vacation niya eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/194621734-288-k520265.jpg)
YOU ARE READING
Untamed Demons From Within(La Verde Series 1)
Novela Juvenil"It pains me to see how hard it is for you to deal with those demons ruining you..." He said in the softest voice I ever heard. Ironic it is that only him can calm me every time my mind consumes me. With him, I will never be scared of the dark. Wit...