C07
DeservingMabilis lumipas ang mga araw at biyernes na! Ang pinakapaborito kong araw dahil hindi na ako magigising ng napaka-aga bukas.
Vacant class namin ngayon sa isang subject at wala kaming ginagawa. Kasama ko ngayon si Alphea, 'yung babae na mahiyain na nakabangga noon kay Pete. Well sa nagdaang mga araw ay magkasama kami kasi wala raw siyang ibang mga kaibigan. Kung gaano kakapal ang pagmumukha ko ay ganun naman kamahiyain itong kasama ko.
"Alphea, patahimikin mo nga 'yang mga kaklase mo. Napakaingay!" sita ng isa naming kaklaseng babae na daig pa ata ang clown sa kapal ng kolorete sa pagmumukha.
"Shy, ano sasabihin ko." nanginginig pang tanong ni Alphie sa akin.
Kahapon ay nagsagawa kami ng elections at si Alphie ang nanalo as classroom president namin. Hindi ko nga lang alam kung pinagtripan lang siya ng mga kaklase kong iboto dahil napakamahiyain nito! Pero mabuti ring siya dahil matalino naman. Kung naka-glasses lang sana siya ay napagkamalan na itong nerd.
"Ewan ko rin ehh, hehehe." sagot ko sa tanong nito kanina sa akin kasi 'di ko naman talaga alam kung ano ang gagawin. 'Di ko pa naman naranasang maging isang president eh.
Bumuntong hininga ito at naglakad na lamang patungo sa harapan ng klase. Wala atang nakapapansin na naroroon siya ngayon. Tiningnan niya muna ako at tinanguan ko siya bilang pagtugon.
"Uhmm guys, pwedeng tumahimik muna kayo?" sabi nito ngunit ubod ng hina. Halos hindi ko pa marinig.
Walang pumansin dito. Ang iba ay tumingin ngunit hindi nila ito pinakinggan. Namumula na sa harapan si Alphie marahil siguro sa hiya.
"Wuyy tumahimik nga kayo! Marunong naman sana kayong mahiya!" sigaw na naman ni ateng clown.
"Tumuhimik ka rin, Royah! Pabida ka masyado!" sagot naman ng kaklase naming lalaki.
Nagsitawanan ang lahat at namumula na ngayon sa galit si ateng clown na Royah pala ang pangalan.
"Bida ang saya! HAHAHAHAHA" banat pa ng isa naming kaklaseng lalaki na mas nakapagpatawa sa klase na siyang mas lalong nakapagpainis kay Royah.
"Mga hangal!" naiiyak na sambit nito.
Ha? Anong nangyari? Ba't sila nagkakagulo? Bida? Ano namang masama sa bida? Ang gugulo!
"Guys please tumahimik na kayo." naiiyak muli na pakiusap ni Alphie. Naku! Mahirap palang maging president. Buti nalang at auditor lang ako.
Hehe. Oo, ako ang naboto para maging auditor ng klase namin. Ewan ko nga rin kung bakit ako yung napili.
Patuloy pa rin na nagkakagulo ang lahat. Ang mga kaklase kong pinagtatawanan si Royah, si Royah na umiiyak ngayon at pinagmumumura ang mga kaklase ko, si Alphie na pinapatahimik parin ang klase, at ako na naguguluhan at hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Alliyah! Mag jollibee dance ka bilis! Yung ganto oh" wika ng isa ko pang kaklaseng lalaki na kumekembot kembot yung puwet.
Natawa naman ako ng ginaya naman siya ng iba pa naming mga kaklase. Pati si Arlo bigay todo pa sa pagkembot! Makikitawa na rin sana ako ng narinig namin ang isang tinig.
"Will you just shut up?"
Tumingin ang lahat sa kaniya at unti-unting namayani ang katahimikan. Nilingon ko yung nagsalita sa tabi ko at nakita ko si Pete na nakaupong pandekwatro na panlalaki. Siya ata ang nagsalita.
"Thank you. You can now sit down, miss president." namumulang tumango naman si Alphie at bumalik na sa kaniyang upuan. Tumayo naman sa harapan si Pete.
"You with that annoying voice," tinuro ni Pete si Royah. "Stop crying. No one will wipe your tears for you."
YOU ARE READING
Untamed Demons From Within(La Verde Series 1)
Teen Fiction"It pains me to see how hard it is for you to deal with those demons ruining you..." He said in the softest voice I ever heard. Ironic it is that only him can calm me every time my mind consumes me. With him, I will never be scared of the dark. Wit...