> two.

124 14 18
                                    

Dear Kiel,

Hindi ko alam na tutol pala sa atin ang Daddy mo.

Ay mali, lahat pala sila sa 'tin tutol.

Si Mama, Papa, Mommy at Daddy mo. Baka nga pati mga kaibigan natin ay tutol sa 'tin.

Hindi ko alam kung bakit.

Dahil ba hindi ako maganda? Dahil ba hindi kami mayaman?

Masakit. Araw-araw, pinaparamdam sa atin ng mundo na hindi tayo pwede sa isa't-isa.

Pagod ako. Pagod na pagod na. Pero wala akong panahon para sumuko. Dahil kapag sumuko ako, wala na, talo na.

Alam kong pagod ka na rin, Kiel. Nalaman ko na araw-araw ka pa lang pinapagalitan ng mga magulang mo dahil sa 'kin.

Hindi mo lang sa akin sinasabi, dahil ayaw mo akong mag-alala. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga pasa sa katawan mo. Sinasaktan ka na pala ng Daddy mo, pero hindi mo man lang sa akin sinasabi.

Wag ka matakot sabihin sa 'kin 'yun, Kiel. Laban natin 'to eh. Parehas natin 'tong laban.

Dear Kiel, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon