Dear Kiel,
Sinabi ko sa 'yo na wala na ang kapatid ko. Sinabi ko rin sa 'yo na baka p'wede samahan mo 'ko rito.
Nag-hintay ulit ako, Kiel. Natapos na ang lahat-lahat, walang Kiel na nagpakita.
Kiel, ano na nangyayari sa 'yo?
Pinuntahan kita sa bahay niyo pero walang tao. Umalis ka na? Iniwan mo na ba ako?
Tadtad ang mga messages ko sa 'yo. Iyak lang ako nang iyak. Walang sawa kakaiyak.
Malapit na ang birthday mo pero wala ka pa ring paramdam.
Mismong birthday mo pumunta ako sa tambayan natin. Nagbabakasaling nando'n ka at hinihintay ako.
At hindi nga ako nag-kamali, dumating ka. Ngunit hindi ko inasahan ang sunod na mga sinabi mo.
BINABASA MO ANG
Dear Kiel,
Short Storya short story. ꒰ dear series one ꒱ akala ko tayo hanggang dulo, pero akala ko lang pala.