> nine.

82 13 18
                                    

Dear Kiel,

Sumuko ka na pala matagal na.

Hindi ko alam.

Wala akong kaalam-alam.

Pupunta ka na pala ng ibang bansa at do'n na titira. Do'n na titira kasama ang mapapangasawa mo.

Ginawa ko ang lahat, Kiel. Tinanong ko lahat kung bakit gano'n-gano'n na lang, ang sabi mo ay sawa ka na sa 'kin. Sawa ka na dahil paulit ulit na lang ang nangyayari. Sawa ka na dahil puro malas na lang ang nangyari simula nu'ng dumating ako sa buhay mo.

Sinubukan kong maibalik pa. Lumuhod ako, nagmamakaawa na sana, 'wag mo 'kong iwan. Na sana, 'wag kang sumuko, na sana tayo hanggang dulo.

Ngunit hindi. Desidido ka na pala talaga. Ako lang 'tong tanga na hindi ka kayang iwan. Ako lang 'tong ayaw ka pakawalan.

Sinabi mo sa 'kin ang birthday wish mo, at 'yun ang pakawalan na kita.

Wala na akong nagawa, desidido ka na talaga, eh. Iiwan mo na ako. Aalisin mo na ako sa buhay mo.

Dear Kiel, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon