> five.

84 13 10
                                    

Dear Kiel,

Natanggal ako sa school ko. Tinanong mo 'ko tungkol do'n pero ang sabi ko sa 'yo, wala na akong pang-aral pa.

Gusto mo 'kong tulungan no'n, Kiel. Pero ang sabi ko hindi na, okay lang ako. Mag-tratrabaho na lang ako.

Laking pasasalamat ko dahil nalaman kong hindi ka na sinasaktan ng Daddy mo. Ang sarap sa pakiramdam makita ang mga ngiti mo, Kiel.

'Yung tipong tignan ko lang ang mga mata mo, buo na araw ko.

Sinubukan kong mag-trabaho pero ni isa walang tumanggap sa 'kin. Kesyo raw hindi ako nakapag-tapos. Pero hindi ako sumuko.

Ayokong kaawaan mo ako, Kiel.

Tinanong mo 'ko kung ano ang naging trabaho ko at sinabi ko sayong nag-tratrabaho ako sa isang store.

Pero ang totoo ay naging Yaya ako. Ayokong sabihin. Hindi sa ikinakaliit ko ang pagiging Yaya ngunit ayokong malaman mo 'yon, Kiel. Maaawa ka sa 'kin. Ayoko ng gano'n.

At tsaka malaman pa 'yon ng mga tao. Sabihin, girlfriend ni Kiel yaya lang? Ayoko. Ayokong madamay pa ang pangalan mo, Kiel.

Ayokong madamay ka na naman nang dahil lang sa akin.

Dear Kiel, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon