dear kiel is now completed.
»»-☆
Thank you for reading the story of Zoe and Kiel. Hope you enjoyed it even it's just a short story.
Habang sinusulat ko ang Dear Kiel, grabe iyak ko. Tapos nagp-play pa yung music na pasalubong.
Mahirap pakawalan ang isang tao. Lalo na't sobrang importante nang tao na iyon sa 'yo. Lalo na't mahal na mahal mo ang isang tao na 'yon.
Pero, kailangan din natin silang pakawalan. Lalo na't kapag alam natin na ayaw na nila. Lalo na't kapag alam natin na hindi sila ang para sa atin.
Sobrang sakit isipin na 'yung taong mahal mo, na 'yung taong akala mo kayo hanggang dulo, na kayo hanggang sa kabilang buhay ay bigla na lang mawawala. Bigla na lang susuko.
'Wag mag-habol. 'Wag mag-habol ng todo. 'Yung tipong gagawin mo ang lahat para lang hindi sumuko, gagawin mo ang lahat kahit na masira ka nang tuluyan.
'Pag ba tumigil na tayo sa pag-hahabol, kasalanan na natin? Hindi. Tumigil lang tayo sa pag-hahabol dahil alam na nating hindi na talaga. Alam na nating hindi na p'wede pa. Alam na nating wala na, wala na talaga.
Mas pipiliing makita sila na masaya kahit hindi na tayo ang dahilan. Mas pipiliing hanggang tingin na lang sa kanila kahit alam nating hindi na kailanman pang magtatagpo ang mga tingin.
If ever man may problem ka, don't hesitate to message me. You can rant on me, ha? 'Wag sarilihin ang problema. I love you! Thank you for being strong, fighting!
Kitakits sa second installment of dear series.
BINABASA MO ANG
Dear Kiel,
Short Storya short story. ꒰ dear series one ꒱ akala ko tayo hanggang dulo, pero akala ko lang pala.